The Businessman: 1

47.2K 1.2K 165
                                    

N/N: 


Happy Sembreak!   Sa totoo lang itong kwento ni Howard ang isa sa pinakamahirap gawin para sa akin.  Kasi Howard's mind is very difficult, sabi ko na gusto kong unahin si Ahron pero may urge talaga sa'kin na una ko siyang gawin kasi may naiisip ako na mas better twist para sa kwento ni Ahron.   Thank you sa lahat ng naghintay ng UD na 'to at sa mga nagbabasa pa ng dalawang books before this.  


Dedicated ang chapter na ito kay SeraphicReaper, enjoy reading!  :) 



The Businessman: 1


"If you feel like I feel, please let me know that it's real."


RAIN:


Ibinubutones ko ang uniform sa bago kong pinapasukang kompanya. Kasalukuyan ring naghahanap ng charger ang bestfriend kong si Niko, simula noong mapunta kami dito sa looban at tumira sa maliit na bungalow, sa tabi ng mga maiingay na kapitbahay ay magkaibigan na kaming dalawa.


"Sigurado ka ba talaga sa ginagawa mo, Rain?" Tanong niya habang nagkakalikot ng mga box.


"Oo! Pinangarap ko 'to simula bata pa ako, alam mo yan!" Ani ko sabay tayo at harap sa salamin.


Umayos rin ito ng tayo at humarap din sa salamin at tumingin sa mata ko, "Kung andito si tito at si tita, sigurado na magagalit sila sa'yo."


Napangiti ako ng tabingi, halos pitong taong patay na ang Daddy ko, at si Mommy naman ay apat na taon na. Isa yun sa pinakamalungkot na pangyayari sa buong buhay ko. Nakita kong papatak na ang luha ko pero pinigilan ko ito at agad pinunasan.


"Nahanap mo na ba yung charger?" Tanong ko ng humarap ako sa kanya, kita ko ang buhok nitong sabog dahil kakagising lang daw niya.


"Oo, sorry Rain." Natawa ako ng pagak at naglakad na palayo.


"Yung pinto i-lock mo! Aalis na ako!" Sigaw ko bago ako lumabas ng pinto.


Pagkalabas ko ng pintuan ay para na akong nasa ibang dimensyon ng mundo. Maraming batang naglalaro at maraming tambay na lalaki sa daan. Kilala ko naman sila at minsan nakakausap rin.


Pero si Niko lang ang may alam na bakla ako at ang ibang baklang taga-rito rin. Hindi naman daw big deal kay Niko at mula bata pa daw kami ay alam niya na. Noong college ako madalas kaming natutuksong dalawa, lagi kasi siyang sumusundo sa akin noon dahil dumidiskarte siya sa pedicab ni Manong Orlando.


Nang makarating ako sa sakayan ng jeep ay agad akong nakasakay. Medyo malayo dito ang Dela Fuente Group pero isang jeep lang ang sinasakyan ko at nilalakad ko na ang business zoned area dahil wala rin namang masasakyan sa loob.


Sigurado naman ako na ganoon pa rin ang madaratnan ko pagdating ko sa opisina, si Sir Ethan na sobrang gwapo at sobrang cool, at ang mga kasama ko sa trabaho na panay yaya sa akin ng inuman at club during weekends.

The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon