The Businessman: 5

21.7K 753 99
                                    

N/N: 


Isang taon na simula noong una kong inilabas ang kwento ni Paulo (still na pinaka-personal sa akin) and isa lang ang sinisignify non, isang taon niyo ng binabasa ang mga kwento ng Dela Fuente Brothers.  Gusto kong magpasalamat sa inyo sa pagbabasa lalo na sa mga kilala kong nagbasa mula Book 1 hanggang ngayong Book 3.  I hope na abangan niyo pa ang last installment ng series na 'to which is the story of Ahron Dela Fuente. 


Dedicated ang chapter na ito kay BabyAbbyGale, sorry  sa late dedication hehehe.  Yung mga nagrequest sa'kin, nakapila naman kayo wait lang talaga.  Dapat sanay na kayong maghintay dahil wala namang true love.  Char. 


The Businessman: 5


"You're nothing but a lie."


RAIN:


Parang akong ewan na hindi mapakali sa upuan ng opisina matapos ang pagkakape namin ni Hunter. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, naranasan mo na ba na maramdaman na may pag-asa naman pero hindi mo kaya? Yung tipong mahirap ibigay ulit yung atensyon mo dahil baka masaktan ka lang ulit?


Oras na ba para kalimutan ko na ang lahat ng nangyari sa amin ni Howard? Bakit kapag nagmamahal ka lagi kang ipinipwesto ng tadhana sa madaling oras at maling sitwasyon? Siguro kung hindi ako ang natitirang kamag-anak ni Tito Jaime marahil masaya pa kami ni Howard ngayon.


At hindi ko nakilala si Hunter.


Babalik na sana nag mata ko sa computer ng biglang pumasok ang secretary ko habang nandirito ako sa Pilipinas. Babae ito na may pinaka-bubbly na personality kaya ko siya napili. Somehow napapangiti ako dahil parang ganito ring setup ang pagiging close namin ni Howard.


"Good afternoon, Sir Rain!" Mataas na boses na pagbati nito sa akin at ngumiti ako.


"Good afternoon, what's the update regarding the business conference; may date and time na ba?" Tanong ko at tsaka ito nagmadaling umupo sa harap ko.


Sumenyas ito na lumapit ako dahil may ibubulong siya kaya medyo inilapit ko ang ulo ko, "Alam niyo po ba Sir Rain na beastmode si Sir Niresco pagdating niyo?"


Napataas ang kaliwang kilay ko, badtrip? Wala nga akong binigay na sagot para mabadtrip siya sa'kin. Ayokong makasakit 'no. At higit sa lahat hindi ko siya itataboy katulad ng ginawa sa akin ni Howard.


"Beastmode talaga?" Medyo uneasy kong balik sa kanya at tumango ito.


"Lahat ng nakita niyang pangit sa presentation para sa bago nating client eh pinaulit niya. Tapos po yung mga nakita niyang folder na magulo lahat pinaayos niya sa secretary niyang si Junrey."


Huminga na lang ako ng malalim, "Hayaan mo 'yang si Hunter, ano na nga ang balita sa business conference na sinabi ko sa'yo?"

The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon