The Businessman: Twist of Fate

24.6K 762 185
                                    

N/N:


Thank you sa lahat ng ginawa niyo sa kwentong ito, iba pa rin yung feeling ng pressure sa'kin dahil alam kong maraming nagbabasa. Thank you sa mga nag-vote, nag-comment, at nag-follow sa'kin, pati na rin sa mga nag-share nito sa kaibigan nila para basahin.. Siyempre gusto ko ring pasalamatan ang mga tao na mula sa simula eh alam kong nagbabasa na..


Dedicated ang chapter na ito kay J na nag-inspire sa akin para gawin ang Prologue nitong kwento simula noong lumabas siya sa library and nakipagkilala siya sa'kin dahil sa mga kaibigan ko. Then there's you, J kahit na may girlfriend ka na. HAHAHAHA JK. #SharingTooMuchInfo



The Businessman: Twist of Fate


"If you love me, let me go."


**


Puno ang buong conference room ng iba't-ibang mga board members ng Uni-Trans at ang pinakasentro nito isang lalaking nakasuot ng kulay puting suit at kulay itim na panloob. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala sa pagkamatay ni John Smith.


"Who will be the new CEO? Mr. Manlapaz had a heart attack when he learned the news about John and his wife's imprisonment." Ani nang isang investor na nakatingin ng diretso sa kanya.


"I don't know but John Smith isn't the only heir of this company, his nephew, Rain Manlapaz has the claim of the full 50% of shares." Sagot nito sa investor na nagtanong.


Sa nakikita niya ngayon ay siya na lang ang nag-iisang purong Pinoy sa loob ng naturang conference room. Hanggang ngayon ay malabong makuha nila ang tagapagmana ng Uni-Trans dahil hindi sumasagot ang boss nitong si Howard Dela Fuente sa mga tawag at e-mails ng assistant ni Jaime Manlapaz.


"Is this Rain Manlapaz in the Philippines? We need him here but we need a leader now, I think we should proceed to an election for a new OIC." Wika ng isang babaeng investor.


"I agree." Pagsang-ayon ng isa hanggang sa naging dalawa, tatlo, at halos lahat na sila ay nakataas.


"Well, we're now open for nominations." Sagot niya sa mga board members at may isang tumayo.


"I'm nominating you as the OIC."


Gulat ang namutawi sa mukha niya. Isa lamang siyang simpleng board member na may pinakamaliit na share.


"For a fair fight, I'm nominating Mr. Jones." Ani pa ng isang board na tumayo matapos siyang ma-nominate.


"Who's in favor of Mr. Jones." Pauna niyang tanong at dadalawa lang ang nagtaas ng kamay.


Napalunok siya dahil hindi niya ito inasahan, "You're now the OIC until Rain Manlapaz will be here." Konklusyon ng isang board.


The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon