The Businessman: 5

28.6K 911 100
                                    

N/N: 


Na-shock ba kayo sa nakaraang chapter?  Tanggapin na lang natin na Howard is smart at maski sa storya niya eh nagtatago pa rin siya ng mga nalalaman niya.  Ganern!  Kaya nga pati ako naiinis diyan sa lecheng 'yan.  HAHAHA!  So maraming nagtatanong kung paano daw nalaman ni Howard na siya si Sophie.  Remember noong hahalikan rin ni Howard si Sophie noon pero pinigil niya, same yun ng pagpigil ni Rain kay Howard kaya #LamNaThis. 


Dedicated ang chapter na ito kay lizasoberanobelike dahil nagre-request ka, sino ba naman ako para humindi?  HAHAHA, chos!  Gusto ko ring i-mention si Kuya awesomedudemiggy ano yung mga inputs na ibibigay mo?  


The Businessman: 5


"This could be our little secret."


RAIN:


Noong gabing iyon ay para akong tanga sa kama ko at nakatingin lamang ako sa kisame. Ano bang nangyayari sa'kin? Dahil ba sa muntikan niya akong halikan kanina at magkalapit kami ng mukha eh naapektuhan na ako?


Maybe I need to be Sophie more.


Para ano, para makalandi lalo? I though you're stroing, Rain. Bakit ako nadadala sa mga paandar niyan ni Howard. Dahil ba bakla lang ako? Shit.


Tinignan ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na, halos 11:30 na nang gabi. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ng marinig kong bumukas ang pintuan ng bahay. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Nikko na may dalang plastic.


"Midnight snack? Paborito mo 'to!" Aniya sabay taas ng dala nito at doon ko lang napansin na chicharon pala ito na tinitnda malapit sa lugar namin.


Napangiti ako dahil na-miss ko rin naman 'tong bestfriend ko. Parang ewan lang kaming dalawa dahil ganito kami palagi kapag nagkakagalit, walang sorry basta alam na lang naming dalawa na bati na kami.


Inilagay ni Nikko ang chicharon sa lamesa at sumaglit ito sa lalagyan ng kubyertos para kumuha ng platito na lalagyan niya ng suka. Umupo na ako sa bilog na lamesang plastic at binuksan na ang pakete ng chicharon.


"Na-miss mo ba ako?" Tanong niya pagkaupo at natawa ako.


"Hindi, alam ko namang babalik ka eh." Panunuya ko dito at umismid siya.


"Bali-balita dito sa looban na may sumundo raw sa'yo na isang lalaki kanina. Sino 'yun?" Paunang tanong nito na ikinangiti ko.


"Si Ahron Dela Funte, kapatid ni Howard." Sagot ko at nag-iba ang tingin niya sa'kin.


"'Wag kang lalapit sa kanya! Delikado siyang tao, Rain." Babala nito sa'kin na ikina-curious ko.


The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon