The Businessman: 2

21.2K 790 139
                                    

N/N: 


I just wanna keep calling your name until you come back home.  Hihihi!  Bagay na bagay ang kanta na 'to sa nangyayari ngayon kay Rain at Howard, #HoRainFeels.  Bago ako magsimula, alam niyo ba na nakita ko si Howard sa personal (Chris Banchero)  nahihirapan akong i-sort out sa utak ko ang reyalidad at ang kwentong 'to.  Sabi ko nga kung magpapapicture ako baka matanong ko na kung siya ba si Howard Dela Fuente, #ShareKoLangNaman


Dedicated ang chapter na ito kay carlobagabagmagno dahil natutuwa ako sa mga paandar mo sa comment box ko, hihihi!  Hunter on multimedia!  :) 



The Businessman: 2


"I just wanna keep calling your name until you come back home.."


HOWARD:


Pitong araw din ang lumipas simula noong may nangyari sa amin ni Trisha at ngayon ang isa sa pinakahihintay na araw ko dahil ngayon na ang anniversary ng Dela Fuente Group at kasalukuyan akong abala sa pag-aayos ng susuotin ko para mamaya. I've never been so conscious sa isusuot ko pero alam kong may pag-asa.


Kinuha ko ang cellphone ko na nasa lamesa kung saan ko inilapag ang maskara na susuotin ko. Si Trisha ang pumili ng maskara kaya ayos lang sa akin dahil maganda naman ang napili niya. Nang makuha ko na ang cellphone ko ay tinawagan ko si Jeff ng Uni-Trans.


"Hello." I said.


"Good evening, Sir Howard! Ano pong kailangan nila?" Tanong niya.


Napaisimid ako dahil baka sabihin niya na isang linggo na akong nagtatanong sa kanya. But I'm Howard Dela Fuente, it shouldn't matter.


"Have you confirmed if Rain Manlapaz is coming?" Ani ko at paulit-ulit kong iginagalaw ang mga daliri ko dahil kapag hindi siya dumating baliwala rin ang mga ginagawa ko.


"Yes, sir. Mr. Manlapaz is coming he's with Mr. Hunter Niresco."


"Okay thank you, Jeff."


Nang maibaba ko na ang linya ay hindi na nawala sa isip ko ang pangalan ni Hunter Niresco. Bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko? Ito na ba ang isa sa mga maling desisyon na sinabi ng manghuhula sa akin noong bata pa ako?


Isinuot ko na ang kulay itim na polo at nang maayos ko ito, isinuot ko na ang kulay puting suit. Nagpabango ako bago tumingin sa salamin at doon ko nakita na ang malalim kong mata na parang hindi ako nakatulog ng sampung taon.


"You're messed up, Howard." Dismayado kong litanya sa harap ng salamin.


Nabaling ang tingin ko sa pintuan ng bigla itong bumukas, iniluwal nito si Trisha na naksuot din ng kulay puting dress at nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang nakalagay ang isang daliri nito sa mg labi niya.

The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon