N/N:
I made Howard's character a difficult one dahil gusto kong mai-represent niya ang isa pang mukha ng love.. Hindi lang kasi palaging masaya ang pag-ibig at kapag nawala na hihilingin mo na lang na sana hindi ka na naging masaya. Sabi nga sa poster ng Fifty Shades Darker "slip into something a shade darker.." Ganon! Well isa pa sa inspirasyon ni Howard ay si Christian Grey so any resemblance to a scene o kung ano man, naimpluwensyahan lang po.
Dedicated ang chapter na ito again kay dorshylover na ayon sa request niya HAHAHA. Gusto ko ring i-mention sina: essen_tial, allan2108, thab014, GeloCRZ, at bhadtz, dahil sila ang first 5 na nag-comment sa Prologue. Hope you like it, guys! Hunter on multimedia by the way.
The Businessman: 1
"Wild things in the night."
RAIN:
Tapos na ang lahat ng trabaho ko sa opisina at kasalukuyan akong nagrereview para sa gagawin kong proposal sa isang vassal company dito sa America. Pero kahit na anong basa ko ay hindi ko pa rin maintindihan.
Ibinaba ko ang libro na binabasa ko at kinuha ulit ang letter na naglalaman ng imbitasyon galing sa Dela Fuente Group ukol sa sinasabing anniversary ng kompanya. Kailangan ko ba talagang umuwi ng Pilipinas para lang dito?
"Bakit kung kailang nakakamove-on na ako tsaka ko kailangang bumalik ulit?" Bulong ko sa sarili ko sabay ub-ob sa lamesa.
Hindi ko na pinansin ang pagbukas ng pinto ng opisina ko, "Tired?" Iniangat ko ulit ang ulo ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Hunter. May hawak itong isang box ng paborito kong pizza.
"Bakit ba kasing ayaw mo na ikaw na lang ang pumunta ng Pilipinas?" Singhal ko sa kanya at natawa lamang ito.
"'Cause I don't want to be alone! Wala akong kakilala sa Pilipinas, Mr. CEO." Rason niya sabay lapag noong pizza sa harap ko
"Not a CEO, dude! Buhay pa ang tito ko and besides marami pa akong dapat na aralin. Naiisip ko nga na hindi ako bagay sa ganitong trabaho."
Kumuha na ako ng isang slice ng pizza, sa halos tatlong buwan kong pananatili dito sa America wala na akong masyadong nakakain na kanin, karaniwan na ang ganitong lunch at Chinese food naman sa gabi na sukang-suka na ako.
"Dadalawin mo ba si tito mamaya?" tanong nito pabalik sabay kagat rin sa pizza na inihain nito.
Hindi ko maiwasang matignan ng maigi si Hunter habang nginguya nito ang pizza sa bibig niya, suot niya ang isang polo na kulay itim at cardigan na kulay grey. Hindi ko rin pinalamapas na tignan ang mukha nito na sa sobrang kinis mahihiya ang kahit na sinong langgam ang lamok na dadapo rito.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...