The Businessman: 7

29K 990 137
                                    

N/N: 


Thank you sa patuloy na sumusuporta sa kwentong ito!  Hindi ba kayo naguguluhan sa pacing ng kwento?  Or may gusto ba kayong linawin bukod syempre sa buhay ni Rain at ni Howard.  HAHAHAHA.   I would like to thank the 12% readers na wala sa Pilipinas, hello sa mga nagbabasa sa States, Middle East at Australia.  Nuks naman!  Comment below kung isa sa mga taga-ibang lugar hahaha.  


 Dedicated ang chapter na ito kay keyyrr na isang #TeamAbangers daw ng kwentong ito.  HAHAHAHA.  Thanks sa pagco-comment at pagvo-vote!  



The Businessman: 7


"Every John is just the same, I'm sick of their city games."


HOWARD:


Even though he's playing with me, I knew simula noong halikan ko siya that he can be my downfall. Anong balak mo sa'kin, Rain? Sino ka ba talaga?


Nakauwi ako at nakita kong bukas pa ang mga ilaw sa living room at mukhang maingay sa loob. What the hell is happening inside? Nagmadali akong pumasok sa loob at nakita ko si Ethan Race, Chance, Paulo at si Jade na masayang nagkekwentuhan at may mga hawak na wine glass.


"Did I miss something?" Puzzled kong tanong sa kanila.


"No Kuya Howard, we're waiting for you actually. Naisip lang ni Ethan na uminom kami kaya nandito kami sa salas." Paliwanag ni Paulo habang nakalagay ang kamay nito sa bewang ni Jade.


Ugh, Rain.


"Where's Ahron?" Tanong ko at tsaka umupo sa lamesa at iniabot ang baso ng wine.


"He's not home noong dumating kami." Ethan answered. I need Ahron dahil may ipapahanap ako sa kanya.


Mukhang nakahalata naman ang dalawa na sina Jade at Chance at nagyaya si Chance na pumunta sa garden which is really nice dahil kailangan kong makausap ang dalawang 'to. Nang makaalis sila ay nagtinginan kaming tatlong magkakapatid.


"There's something wrong, ako lang ba ang nakakapansin o napapansin mo din Paulo?" Akusa ni Ethan Race, sabay silang tumingin ng maigi sa'kin dalawa.


"You look like idiots. Ano na namang trip 'yan?" Inis kong tanong sa kanila at biglang sumigaw si Paulo, "I knew it, Kuya Ethan! I knew it!"


"Sabi ko na nga ba may something sa'yo, Kuya Howard! Kanina ka pa nakangiti! Simula pagpasok mo pa lang sa pintuan parang may bago na sa'yo." Paliwanag niya at natawa si Ethan Race.


"This only signifies one thing. Are you seeing someone? Are you in love?" Sunod-sunod na wika ni Ethan Race na ikinakunot ng noo ko.


I'm smiling? What the fuck is wrong with me?


The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon