Season 2: Prologue

21.2K 841 149
                                    

N/N: 


All you had to do was stay..   Dejoke lang hahaha, so nagbabalik ako ng mas maaga dahil hindi pa rin ako busy leche hahaha.  Gusto kong mag-thank you sa mga sumubaybay ng nakaraang season nitong kwento nito.   Sa mga nagbabasa pa rin ngayon, thanks!  


Before you read the prologue, I'm inviting you to read the one shots na kasali sa one shot contest.  Bawat likes ay counted para sa napili niyong pinakamagandang one shot.  Hanapin lang sa facebook ang LGBT PH One Shot Writing Event, simula na yata bukas ang voting process.  Hope to see your names sa mga bumoto!  


Dedicated ang chapter na ito kay Baysikeeel, nahanap mo na ba si J sa library?  HAHAHAHA, hindi na yata siya tumatambay doon dahil busy na siya.  


Prologue:


"Well could've been easy, all you had to was stay.."


RAIN:


Tatlong buwan ang lumipas at ngayon lang ulit tumapak ang paa ko sa Pilipinas. Wala akong balita sa tatlong buwan na 'yon tungkol kay Howard at ang alam ko lang ay ang patuloy na nakikipag-transaksyon sa kompanya ko.


Matapos ang napakahabang biyahe, pumunta ako sa bahay namin sa looban. Kasama ko si Hunter, ang naging panandaliang OIC ng Uni-Trans na siya rin namang naging kasundo ko at katulong ko sa mga ginagawa kong desisyon ng kompanya.


"Bakla, ikaw ba 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mereng na saktong nasa loob ng bahay ko at naglilinis. Iniwan ko sa kanila ang susi bago ako pumunta ng ibang bansa.


Ngumiti lang ako bilang sagot at agad itong tumakbo papunta sa pintuan at niyakap ako. "Pakyu ka bakla ka, na-miss kita!"


Natawa ako sa tinuran nito at agad kong iniabot sa kanya ang isang bag na puno ng mga make-up at ibang pampaganda, nabalitaan ko kasi na nagsimula na siya ng salon.


"Awwww, nakakatouch.. Sa'yo ko unang gagamitin 'to!"


Umupo ako sa sofa at naisip ko ang isa sa mga bagay kung bakit napaaga ang uwi ko. Siguro naman pwede ko 'tong gawin ulit. "Bakit hindi mo ako ayusan ngayon? Halos dalawang oras pa bago ang party, Mereng! Pwede mo ba akong maayusan ng isang-oras lang?" Sunod-sunod kong litanya at ngumiti siya.


"Oo naman! Bakla ka ng taon."


Kinuha nito ang mga dinala kong beauty products at kinuha niya rin sa cabinet ang mga bagay na wala naman dati roon. May mga wig dito at pati na rin ang iba't-ibang klase ng dress.


"Dito mo tinago yung mga sabi mong gusto mong ipadala ko sa'yo?" Tanong ko sa kanya at tumango siya.


"Nagpadala ako ng mga damit at wigs para sa'yo. Inaantay ko rin kasi ang time na aayusan kita ulit. Nagalit nga si Nikko noong nakita niya akong nag-aayos ng cabinet mo."

The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon