N/N:
Alam niyo ba na may cover ang crush ko ng kanta sa taas. HAHAHAHA, share ko lang naman. Musta naman ang buhay ng sangkabaklaan? Sagana ba sa booking? HAHAHAHA JK. Gusto ko lang din sabihin na salamat sa pagbabasa pati na rin sa pag-vote at matyagang pagco-comment pati na rin syempre sa pag-FOLLOW.
Hi nga pala kay japeemnclla at UghFafaJabish, paano kayo magiging friends dalawa sa FB kung naka-follow kayong dalawa? Tss. Hahahaha. So dedicated ang chapter na ito kay DjayJon as promised. :)
The Businessman: 12
"I'll always be the lucky one."
RAIN:
Papauwi kaming dalawa at magkasabay kami sa parking, napansin ko na parang tahimik si Howard mula pa kanina noong inalok ako ni Michael ng kape. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin ang mga nangyayari sa paligid ko. Kakatext lang sa akin ni Nikko kanina at inaaya na akong bumalik sa tinitirhan ko na gusto ko rin naman.
Kung mamatay ako at nasa panganib ang kalagayan ko bakit ginagawa niya akong babasaging baso? Kaya ko naman ring protektahan ang sarili ko.
Sumakay na kaming dalawa sa kotse at tahimik pa rin kaming dalawa. Pero kahit na tahimik siya hindi niya pa ring kalimutan buksan ang pintuan at una akong papasukin sa loob ng kotse. Isa ito sa dahilan kung bakit tinatanong ko sa sarili ko kung mahal ko na ba.
Sumasama naman ako sa kanya dahil kilala ko siya at hindi lang din naman sa 'no choice' ako. Sumasama ako dahil mayroon akong nararamdaman sa kanya na gusto ko pang tumindi.
Narananasan mo na bang malito sa nararamdaman mo?
"Howard, pwede bang sa bahay na lang ako matulog?" Pakiusap ko rito at tumingin siya sa'kin habang nagmamaneho.
"Bakit? Hindi ka ba kumportable sa condo?" Tanong niya pabalik saka siya muling tumingin sa kalsada.
Naisip ko lang na habang lumalalim ang nararamdaman ko ganoon ding nagiging kalabo ang nangyayari. Bakit kailangan niyang sarilinin ang lahat ng bagay? Bakit hindi niya sabihin sa'kin kung sino ang gustong pumatay sa akin? At bakit siya ganito sa'kin?
"Howard I want us to talk, yung seryoso."
"We're already talking." Sarcastic nitong balik sa akin at tumingin ulit ito, "Sa ayaw mo at sa gusto, sa condo tayo uuwi." Cold na dagdag pa niya.
Sapat na bang umasa ako sa sinabi niyang kaya niyang gibain ang pagka-straight niya? Bakit parang kapag na-fall ako sa kanya parang malulugi ako?
Hindi na kami nagkibuan hanggang sa makarating kami ng condo. Naglakad na kami patungo sa unit at nang makarating kami ay agad kaming pumasok dalawa. Dama ko pa rin ang seryosong atmosphere sa pagitan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...