N/N:
Alam niyo ba na hindi ko alam na January 3 pala ang pasukan kaya todo rush ako noong Jan 2 imbis na mag-update ako? HAHAHAHA, nalibang na naman ako sa bakasyon. First time ko lang hindi matapos sa kwentong ginagawa ko. So kumusta naman ang pagpapakilig ni Howard sa nakaraang kabanata?
Pakinggan niyo yung tugtog sa multimedia kasi tunog romantic. Anyway, dedicated ang chapter na ito kay eumicalimbas na may birthday sa Jan 17. Hehehehe, Advance Happy Birthday kahit na mauuna ako hahahaha!
The Businessman: 9
"I'm gonna love you like I'm gonna lose you."
RAIN:
Lumipas ang napakaraming oras at hindi lumubay sa akin si Howard. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Akala ko ba ikakasal 'tong lecheng lalaking 'to? Bukod pa sa pagsama niya sa'kin papuntang Chicago, hindi ko rin mawari kung ano ang rason nito para tawagin ulit ako sa kung anong ka-sweetan niyang wifey.
Nang kukunin ko na ang bagahe ko nagulat ako nang biglang nasa kamay na nito ni Howard, "Ayokong napapagod ka, Wifey." Aniya at hindi ako kumibo. Simula noong umalis ang eroplano ay hindi ako makapagsalita.
Pakyu ka, Hoeward!
Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng airport at habang naglalakad ay bigla niyang hinablot ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya pero wala itong ibinalik na tingin, parang kaswal nga lang kung titignan.
Natapos ang napakahabang hallway at nasa exit na kami ng makita ko si Hunter. Nagulat ito at agad ring sumimangot ng makita ang magkahugpong na kamay namin ni Howard.
"May kotse ka bang extra, Niresco?" Authoritative na wika ni Howard.
"Wala, Dela Fuente." Sagot nito sa tanong ni Howard at tumingin ito sa'kin ng may inis sa mga mata, "I never thought na isasama mo siya, Rain."
"Hindi ko din naman alam na makakasama ko 'yan." Pabalang kong sagot at tumingin kaming dalawa ni Hunter sa kanya.
"I don't care what the hell you think, Niresco. I'm here to claim what is mine." Napalunok ako sa sinabi nito. Itinaas nito ang magkahawak naming kamay na hindi ko maalis-alis dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak niya.
Bumalik ang tingin ko kay Hunter at umismid na lang ito. Wala na siyang magagawa mukhang determinado si Howard sa mga sinasabi niiya. Pero hindi ito ang oras para mag-away ang dalawang 'to.
Tinanggal ko ang pagkakabugkos ng kamay ko at tsaka ako naglakad papalayo, "Tara na! Pagod ako." Sigaw ko at paglingon ko ay nakasunod na silang dalawa.
Pumunta ako sa pamilyar na kotse na siyang ginagamit rin ni Hunter noong magkasama kami sa lugar na 'to. Sumakay ako sa likod at hinayaan kong mag-agawan ang dalawa sa susi sa kung sino ang magda-drive.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...