N/N:
'Wag kayong mag-away sa comment box mga bess! HAHAHA. Tignan natin kung tama ba ang mga hula niyo sa chapter na ito. As far as I can see, mukhang hindi pa masyadong clear ang kwentong ito pero unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang lahat. Medyo kumplikado ito compared sa kwento ni Chance. Haystxz >_<
Dedicated ang chapter na ito sa matabang si sasuke21uzumaki na G na G sa kilay ko at balak niyang i-shave. Edi shing, Mamsi! HAHAHA.
The Businessman: 3
"You know this could be something."
SOPHIE:
Malalim na ang gabi at patuloy pa rin sa pagke-kwento si Howard. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, "And he thought I was playing basketball but I'm not!" Ani pa nito at kunwari ay natawa ako.
"Why are we like this?" Tanong ko sa kanya at tumingin siya ng seryoso sa akin.
"What?" Balik niya tsaka siya uminom ng Scotch na hawak-hawak niya.
"You know? We've known each other a little while ago pero there's something. Do you have a girlfriend or a partner?" Ngumiti siya na sobrang ganda.
"You can be my girlfriend if you want." Malanding pagkakasabi nito at unti-unting lumalapit ang mukha nito sa'kin.
I never thought na ganito lang kadali ang lahat.
Nang ilang pulgada na lang ang layo ng labi niya sa labi ko ay agad ko siyang pinigil sa pamamagitan ng paghawak ko sa dibdib niya. Wala namang pakiaalam ang mga tao sa paligid pero isa ito sa mga hindi ko inaasahan.
"I'm sorry." Bawi agad nito sabay ayos ng postura niya. Parehas naming inabot ang mga alak sa counter at ininom.
"You seem nervous." Pambasag ni Howard sa awkwardness na namamagitan sa'ming dalawa.
"I'm not." Palusot kong sagot pero sa totoo lang eh kinakabahan talaga ako. Hindi ko naman 'to nararamdaman kapag - - -
"Tara let's dance!" Hinila niya ang kamay ko kaya napatayo na rin ako. Sakto naman na maganda ang pinapatugtog ng banda at nagsisimula na ang intro na kanta.
I remember what you wore on the first day
You came into my life and I thought hey
You know, this could be something
Inilagay ni Howard ang mga kamay ko sa balikat niya at siya naman ay humawak sa bewang ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil kinakabahan ako sa mga pwede niyang makita. Unti-unting gumagalaw ang katawan namin at sumasabay kami sa tugtog.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...