N/N:
Thank you sa tatlong buwan na pagsubaybay sa kwento ng ikatlong Dela Fuente na si Howard! Hindi ko kayo mapapasalamatan isa-isa sa pagbabasa niyo, pagco-comment, at pagvo-vote na na lagi niyong ginagawa. I hope na tumatak si Howard, Ethan Race, at Paulo sa mga puso niyo. Pero wait, there's more! Ahron Dela Fuente's story will be published soon so abang-abang lang. Mas makakakuha kayo ng updates if you're going to follow me dito sa Wattpad.
Ngayon ko lang ito ipinublish dahil nag-birthday ako at maraming ganap nitong nakaraang araw! Happy 20 to me pa rin hahaha! Apat na taon na akong sumusulat ng kwento pero NBSB pa rin hahahaha joke! Salamat sa mga readers na hindi ko na mabibigyan ng dedication, pinakafresh si oilensaxor, kay ArielBagsic, mallows2026, kay FitzGeraldMaranan, si icoe06290 na ginagalingan palagi sa comment box hahaha, chriscalm, hilloe, lnhsgirls, sa mga reader ko na wala sa bansa, at sa mga kapwa kong mga taga-PUP. :)
The Businessman: Finale
"When you opened up the door, my life completely changed."
HOWARD:
Nasa isang yatch kami ni Rain at nasa loob siya ng cabin habang ako ay nakatayo sa deck at kausap ko sina mommy at daddy sa kabilang linya. Alam kong napaka-unusual ng sitwasyon naming magkakapatid pero mukhang nakaka-adjust na sila sa kasalukuyang henerasyon.
"Are you sure na seryoso ka diyan, Howard?" Tanong ni Daddy sa kalmadong tono. I know it's quite unusual na tatlo na kaming nagmahal ng third sex pero it seems na tanggap na ng pamilya ko.
"Very very sure, Dad. Are you going to the wedding tomorrow?" Balik ko at napabuntong hininga ako dahil naisip ko na naman ang pagsasabi ko ng vows ko kay Rain.
"Of course, son. Your mother and I will always support you and your brothers no matter what." Napangiti ako sa mga sinabi nito.
"Thanks, Dad. See you tomorrow." Pagpapaalam ko at ibinaba na nito ang linya.
Pumasok na ako sa loob ng cabin at nakita ko ang nakahigang si Rain na nakasuot lang ng sweatshirt. Napangiti ako dahil kahit na nakapajamas lang din siya ay naakit niya ako. Tumingin ito sa akin ng nakakunot ang noo.
"Anong mayroon at ngiting-ngiti ka, Howard?" Pagtatanong niya at tsaka ako lumapit at umupo sa kama.
"I just find my wifey na nakahiga sa kama at sobrang sexy." Pagsasabi ko ng totoo sabay hawak sa binti niya at bigla niyang hinampas ang kamay ko.
"Bastos!" Sigaw niya at natawa ako ng malakas.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...