N/N:
Hola! Magbebenta na po ako ng libro HAHAHA CHOS. Thank you sa mga nagbabasa, alam niyo ba na binasa ko 'tong kwento na 'to at nakita kong okay lang naman pala siya. HAHAHA. Gusto ko nga palang mag-hello sa mga reader na wala sa Pilipinas, pati na rin sa mga taga-PUP hahaha. :)
Dedicated ang chapter na ito kay kylie28 as requested, akala ko may nakapila ako na bibigyan ng dedication eh hahaha. Sino gustong magpadedicate? Comment below (except sa mga nabigyan ko na ng dedication).
The Businessman: 13
"Your kiss got me hoping you'll save me right now."
RAIN:
Isang linggo ang lumipas na sa condo ako nakatira. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil nami-miss ko na rin ang mga kaibigan ko sa looban lalo na ang bestfriend ko na si Nikko. Tinanong ko si Howard tungkol sa kanya at sinabi nito na hindi nagsasabi si Ahron ng mga confidential na bagay.
"Akala ko ba gusto mong lumabas para mag-enjoy?" Napatingin ako kay Howard na may hawak na ice cream habang nakatayo sa harap ko at ako ang nakaupo sa isang bench.
Nasa isang mall kami na pang-mayaman lang. Kakaunti lang ang tao rito at puro mamahalin ang itinitinda nila. Kwento ni Howard na dito daw siya madalas tumambay lalo na kung marami siyang binibiling mga bagong damit. Maarte kasi ang Kuya Howard niyo dahil nangangati raw siya kapag hindi branded ang mga damit na isinusuot niya.
Sa totoo lang ngayon na may linaw na ang lahat tungkol sa feelings niya para sa'kin, nagkakaroon na rin ng linaw ang feelings ko, unti-unti na akong nafo-fall sa mga ginagawa niya at ipinapakita niya sa'kin. Kung pupunta man 'to sa love siguro aamin ako sa kanya kapag natapos na ang lahat ng issue sa sinasabi niyang gustong pumatay sa'kin.
"Wala akong sinabing mag-enjoy, sabi ko para maiba naman ang mga nakikita ko bukod sa pangit mong mukha." Biro ko dito at umiling siya.
"Ako pangit? HAHAHAHA. Maraming babaeng lumuluhod na mahalin ko sila dahil G-W-A-P-O ako. Yung iba nga gusto lang akong tikman dahil G-W-A-P-O ako." Balik niya sa biro ko at inismiran ko lang ito bago ko kinuha ang ice cream na hawak niya.
Nanatili lang itong nakatayo sa harap ko kaya nakaisip ako ng ka-abnormalan. Dinila-dilaan ko ang ice cream habang nakatingin sa mukha niya pababa sa crotch ng pantalon nito.
"What are you doing?" Tanong niya pero huli na ang lahat dahil umumbok ang tinatagong gintong tubo ni Howard.
Tumayo ako at humarap sa kanya, "Do you want me to lick it?" Pang-aakit ko pa dito at parang tanga siyang tumango sa akin.
Matapos niyang tumango ay natawa ako ng sobra, "HAHAHAHAHAHAHA, grabe." Pinagtinginan kami ng mga tao pati na rin ang ibang sales clerk sa mga stall dahil sa lakas ng tawa ko.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...