N/N:
I'm back with a vengeance, HAHAHA charot! Musta naman ang matagal kong update 'diba? Wala man lang akong nahanap na fafa sa Bora kainis HAHAHA. Thank you sa paghihintay at pagbabasa habang nagbababad ako sa tubig at sabay na naghahanap ng Oppa at Bae.
Dedicated ang chapter na ito kay ryndmng, salamat sa pagbabasa. Mention ko rin si shuttlebro na sa t'wing nagco-comment eh natutuwa ako, thanks pala sa pag-marathon mo sa karamihan ng kwento ko. Si Aryllehganz na pa-UD ng pa-UD hahahaha, si ZanjWinnieWeird na muling nagbabalik sa aking comment box hahaha.
The Businessman: 6
"Slowly, slowly you unfold me but do you know me at all?"
SOPHIE:
Lumipas ang isang linggo simula nang ma-late ako sa trabaho at alam kong nag-iba ang pakikitungo ni Howard kay Rain sa trabaho. Parang wala na akong gingawa bilang assistant niya. Palagi na lamang akong sumasagot ng telepono at nagpapaalala ng mga meetings at appointments niya.
Isa pa si pinaka-hindi ko maintindihan ay ang pagpapalipat nito kay Michael sa ibang department. Naririnig ko pa na sinesermonan niya si Sir Ethan na siyang boss nito. Sino nga naman ba ako para kwestyunin ang mga desisyon niya, 'diba?
"Bakla ka ng taon, ang ganda mo talaga!" Sigaw ni Mereng na badeng matapos ilapat ang mahaba at kulot na wig sa ulo ko. Kakatapos niya lang na lagyan ng kung ano-anong make-up ang mukha ko.
"Mas maganda siya kapag wala 'yan, Mereng!" Buska naman ni Nikko na nakaupo sa kahoy na sofa na nawala na ng kinang dahil naluma na.
"Tse! Akala mo hindi ko alam ah? Tigilan mo 'ko ngayon, Nikko." Akusa ni Mereng na badeng at napatingin ako kay Nikko.
"Ano yun?" Usisa ko at tinignan na ng masama ni Nikko si Mereng na badeng.
"Wala 'yon, 'wag mo nang alalahanin 'yon." Paninigurado nito na ikinahinga ko lang ng malalim.
"Siguraduhin mong wala kang ginagawang kagaguhan, Nikko. Pati mga ordinaryong tambay ngayon, pinapatay." Ani ko at napabungisngis na lang si Mereng na badeng.
Kung ano man ang ganap dito sa lalaking 'to ay hindi ko na pinapakielamanan dahil dati noong may ginawa ako para makalabas siya sa gusot na pinasok niya eh inaway lang niya ako at wala siyang sinabing pasasalamat na ikinabwisit ko pa lalo.
Nang matapos na ang paga-ayos ni Mereng na badeng eh agad itong naglipit, ako naman ay isinuot ang kulay blue na crop top na sinupplyan din ni Mereng na badeng ng foam at isang shorts na kulay puti.
Sa totoo lang minsan nandidiri din ako sa ginagawa ko, pero minsan nagagandahan din ako. Mabuti na lang at hindi ako nahahalata ng ibang tao sa labas sa tuwing lalabas ako dahil kasama ko si Mereng palabas at lahat yata ng tambay eh natikman na ni Mereng kaya shut-up sila kung hindi wala silang pera.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...