The Businessman: 10

26.5K 924 236
                                    

N/N: 


Grabe ang gwapo ni Howard!  HAHAHA.  Thank you sa patuloy na pagbabasa, ngayon ko lang nare-realize na mas naghi-hit si Kuya Howard kaysa noong kay Ethan Race at in fainess halos lahat ng nagbabasa ng gawa ko ngayon ay "males" at 12% lang ang females.   Howard's story was inspired by a lot of things, yung feeling mo na maraming nagbabago at kailangan mong hanapin kung sino ka talaga, ganern yung feeling ko sa kwentong 'to.  #WeirdPoAko. 


Gusto ko lang linawin na sina Paulo, Ethan Race, Ahron, at Howard ay magkakapatid.  Kaya ang title ng series na ito ay The Dela Fuente Brothers  meaning lahat sila ay may kwento hindi lang isa sa kanilang magkakapatid.  Since tapos ko na ang kay Paulo, Ethan Race, at itong kay Howard, expect the story of Ahron, soon. 


Dedicated ang chapter na ito kay Nealyytuts na nag-request sa PM :) Ime-mention ko na rin sina: _joeMagZ na isang tahimik na mambabasa, si Sang'gre Alena sanggre-alena, Avisala!  Pati na rin sa mga PUPian na nagbabasa nito!  Thank you!  :) 



The Businessman: 10


"They are the hunters, we are the foxes."


RAIN:


Napatahimik ako sa pagtawag niya sa akin ng Sophie. Sinasabi ko na nga ba kaya ayaw kong makikipaglaro sa katulad niya. Ngayon hindi ko na alam kung nasaan kami, tumigil kami sa isang tapat ng building at tsaka pumasok sa parking lot nito.


"We're here." Aniya gamit ang seryoso nito at malamig niyang boses.


Bumaba kami sa ika-15 floor ng building at bubuksan ko sana ang pinto ng bigla ako nitong hawakan sa kamay.


"Ako na magbubukas."


Lumabas na ito ng kotse at siya nga ang nagbukas ng pintuan ng kotse ko. Alam niya ng si Sophie ako kaya tinuturing niya akong si Sophie. Bakit kailangan mong maging ganito, Howard? Bakit mo kailangan na ilabas sa loob ko ang pakiramdam na ayaw kong maramdaman?


Iniabot nito ang kamay niya sa akin pero hinid ko na ito pinansin dahil kaya ko namang bumaba mag-isa. Naransanan mo na ba yung feeling na para kang nasa isang quest at hindi mo alam kung anong mangyayari sa susunod?


Sumabay akong maglakad sa kanya at nakarating kami sa hallway. Tumigil kami sa isang kwarto na malayo sa magkakatabing kwarto na nasa hallway. This means na premium ang kwartong mayroon siya at hindi basta-basta.


Kinuha niya ang susi at binuksan ito, sumalubong sa akin ang kulay puting salas na may malaking bintana na katulad sa opisina niya. Kita ko mula rito ang mga ilaw sa labas, ang ganda! Kulay puti rin ang pader na may lining ng itim sa itaas at ibabang parte nito.,


"You like it?" Tanong niya habang nagniningning ang mga mata niya. Tumango ako bilang sagot pero agad na sumeryoso ang mga mata niya.

The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon