N/N:
Actually, noong natapos ko ang The Photographer ay agad na pumasok sa isip ko ang kwento ni Howard. I want him to be different and that time may mga nagsasabi na I should do a story for cross dressers and here it is. Bukod pa doon na-realize ko na aside from Chance and Jade's sexualities may iba pang kinds of love and gusto kong ma-cover ito ng magkakapatid. Hindi lang simpleng gays ang may right para magkaroon ng lovelife, hindi lang ang mga tigasing bisexuals ang pwedeng magkaroon, pwede rin ang cross/transgenders.
After nang sermon, dedicated ang chapter na ito kay papiken may iniwan nga bang katanungan si Nikko?
The Businessman: 4
"I was doing just fine before I met you."
RAIN:
Sumapit ang tanghali at busy ngayon sa opisina. Naghahanap ako ng pwedng gawin para sa unang Gawain ko para makaganti kay Howard. Oo kapag nagiging si Sophie ako nagkakaroon ako ng konting pagtingin kay Howard pero iba kapag ako si Rain.
"Rain, pakisabi kay Sir na may urgent meeting siya sa Tagaytay." Ani ng kapwa kong executive assistant na si Trina na in-charge sa mga outside appointments kasama ng isa pang exec asst.
"Bakit naging biglaan?" Tanong ko sa kanya at napahinga siya ng malalim. Mapapansin mo na parang stress na stress siya, ikaw ba naman ang kumausap sa mga tao na may mga problema sa iba't-ibang parte ng kompanya.
"May something daw na related sa mga facilities doon, 3:00 p.m. pala ang time, Rain. Please pa-follow up na kay Sir Howard." Tumango na lang ako at tsaka siya umalis sa harap ko at tumayo na ako.
Pagpasok ko sa kwarto ni Howard ay mayroon na naman akong parang ewan na pagkamangha, yung mga salamin kasi ang nagpapaganda sa office na 'to. Bukod pa rito, napakaayos ng mga folders na nakasalansan sa parang cabinet.
"Sir Howard, mayroon pong urgent meeting sa Tagaytay by the 3:00 p.m. Should I call the company driver?" Tanong ko sa kanya habang nagkakalikot ito ng mga papel sa lamesa niya at nagbabasa.
Tinignan ako nito maigi mula ulo hanggang paa. Para akong ewan na kinakabahan. Nabobosesan niya na ba ako? Shit. Hindi 'to pwede. Ngumiti siya sa akin ng labas ang ngipin katulad ng mga nakikita ko sa kanya kapag nasa meeting siya at may nare-realize siyang something.
"You're going with me, Rain. We're not going to Tagaytay by wheels, we're taking helicopter." Ani niya at tsaka kinuha ang telepono sa gilid.
Nag-signal na ito sa akin na lumabas na ako kaya ayun ang ginawa ko. Mabuti na lang at hindi niya ako nahuli. Hindi ko naman akalain na maghi-hit si Sophie, nabasa ko lang naman noon sa magazine na si Howard ang cover na babae daw ang kahinaan niya.
Mabuti na lang at maganda rin ang pagkaka-ayos sa akin ni Mereng na badeng. Trip-trip lang naman namin noon ang pagdadamit ko ng babae dahil nga daw bagay sa akin ang mga kolorete o mga contour.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...