N/N:
Alam niyo ba na dapat simula pa lang ng kwentong ito eh may sadista moves na si Howard? Kaso napaisip ako na magagawa pa ba 'yon ng taong sobrang attracted at hinahabol ang babaeng nakilala niya sa party at tinakbuhan siya? HAHAHA. BTW, maraming salamat sa lahat ng readers nitong kwento na 'to. Hindi ko ineexpect ang ganito karaming reads, votes, at comments kahit na
Dedicated ang chapter na ito kay*drum roll* .... YubzyLhaii, sabi ko sa'yo nakapila ka na eh! Thank sa magaganda mong comments HAHAHA.
The Businessman: 8
"Take my heart this is the moment."
RAIN:
Dalawang araw na simula noong nagising si Tito Jaime at kinabuksan agad noong balitang 'yon ay agad na lumipad si Hunter pabalik ng States. Hindi ko malaman kung bakit kailangan ko pang mag-stay dito. Dalawang araw na lang rin ang nalalabi bago ang nasabing date sa kasal ng kutong-lupang si Howard.
Pero kagaya nga ng sabi ko, hindi ako papayag na hindi makabalik sa States. Sa Chicago ang business location ng Uni-Trans at wala akong sinabiha na nakapag-book na ako ng flight papaunta doon via online.
Habang nakatingin sa monitor ng laptop ay agad kong ankita ang pagri-ring ng cellphone koat nakita kong Facetime Audio ito ni Hunter. Kinuha ko ito agad at sinagot ang tawag.
"Hello." Pambungad ko at nagrequest na ako ng video call pero kinansela niya ito, "'Wag kang mag-video call nasa banyo ako." Aniya at natawa ako.
"Okay. Kumusta na si Tito? Nag-aalala kong tanong.
"He's alright. Nakakapagsalita na siya pero hindi pa siya ganoong nakakarecover. Nakakabangon na rin at nakakakain na rin ng konti." Maayos na sagot nito at napahinga ako ng malalim. Sa wakas at maayos na siya.
"Ibaba ko na 'to, Rain. Bye!"
"Sige, bye!"
Dahil sa mga sinabi ni Hunter mas lalo akong naging densidido na bumalik ng States. Kailangan kong makita ang huling kamag-anak na natitira sa akin. Kung naging mabait lang si John noon at hindi naging sakim, e 'di sana kasama ko siyang babalik o baka nauna pa siyang bumalik sa akin.
Pero mas masaya siguro talaga kung muling babalik si Howard. Alam kong impossible dahil mukhang totoo ang invitation na binigay noong Trishang Kati. Gago kasi 'yang Hoeward na 'yan, alam niya naman na babalikan ko siya eh.
"Sir Rain, may naghahanap po sa inyo. Nikko daw po ang pangalan, kakilala niyo po ba 'yon?" Napatingin ako kay Jen na nakasilip sa pintuan ko.
Si Nikko?
"Papasukin mo." Utos ko at tumango ito.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...