N/N:
Alam niyo ba na dapat straight talaga si John Smith kaso naisip ko na para maiba naman 'di ba? By the way highway, alam kong medyo gulat pa kayo sa mga nangyari sa nakaraang chapter kaya hinga muna kayo ng malalim, *inhale*..... *exhale* .... Game na?
Dedicated ang chapter na ito sa nagi-isang monarch sa wattpad bxb na si dorshylover, maraming salamat sa pagbabasa! Ayan nag-thank you na ako badeng ah! HAHAHA. Ime-mention ko na rin ang kaibigan ng soon-to-be boyfriend ko na si bess xPANICx, basahin niyo rin ang kwento niyang Angelo na bffs ni Jade sa kwentong The Superstar.
The Businessman: 11
"Long drive could end in burning flames or paradise."
RAIN:
Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano ang kagabi dahil nakatulog ako, halos matapos na namin ni Howard ang pinapanood naming Game of Thrones kagabi. At ito ako ngayon at nagising sa kama katabi siya.
Kung sino mang bakla ang makakakita ng pagtitig ko ngayon sa hottest bachelor of the country eh masasabunutan ako. Kapag tulog siya parang lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Yung makakapal niyang kilay ang wala si Sir Ethan, nakakapagpalalaki rin lalo sa itsura niya ang trimmed niyang balbas.
Nakalimutan ko bang sabihin na topless siya ngayon? Napaka-awkward sa'kin niyan pero ganyan daw siya matulog.
Mahal ko na ba?
Hindi ko alam kung bakit nandito na doon ako walang maramdaman. Kamakailan lang pinapantasya ko siya pero bakit ngayon nawawala na 'yon? Sapat na ba ang pakikipaghalikan ng matagal para masabi mong mahal mo na?
Maraming bakla na itsinismis sa akin si Mereng na badeng na nain-love daw sa isang gwapong taga-kabilang barangay. Sapat na ba na gwapo lang para main-love? Oo alam kong may something si Howard sa akin at hindi naman ako manhid doon. Ganoon lang ba dapat ang pagmamahal? Dapat pro-protektahan ka lang?
Ayon sa mga kwento nila Dessa, madalas daw na lumalabas si Howard tuwing Biyernes ng gabi at magka-club kasama ng mga kaibigan nitong dalawa noong college pa siya. May mga ikinakama nga daw si Howard na naghahabol at dumadalaw minsan sa opisina.
"Ang aga-aga nakakunot ang noo mo." Nawala ako sa konsentrasyon ng magsalita ito.
Ngumiti siya agad at inilapit ang mukha niya sa'kin at binigyan niya ako ng halik sa mga labi, "Good morning, Rain."
Ito na naman..
"Good morning." Sagot ko sa kanya at ngumiti siya tsaka umayos ng higa, ganoon rin ang ginawa ko at parehas na kaming nakatingin sa kisame ng naturang condo.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...