The Businessman: 2

36.5K 1.1K 107
                                    

N/N: 


Thanks sa mga nagbasa noong unag chapter ng kwentong ito.  Akalain mong nag-rank agad siya?  Nakakaloka!  HAHAHA.  Until now hindi ko pa rin alam kung saan pupunta ang kwentong ito at kung saan ito tutungo sa dulo.   Tsk tsk. 


Dedicated ang chapter na ito kay jeloalonte, Avisala Diwata!  HAHAHA.  Ikaw ang pilit ng pilit noon sa akin na si Howard ang susunod kay Ethan at ayaw ko lang talaga sabihin noon na siya talaga.  HAHAHA. 



The Businessman: 2


"It's like I'm caught under your spell."


RAIN:


Kung hindi ba naman sa mala sang araw na 'yon at dalawang araw na ang nakakalipas at hindi pa rin masyadong magaling ang paso sa dibdib ko. Mag-isa lang ako ngayon sa bahay dahil wala para manggulo ang damuhong si Nikko. Siguro nandoon na naman yun sa nililigawan niyang taga-ibang barangay.


Palabas na ako ng bahay ng maalala ko ang bag na naglalaman ng mga gamit na pambabae. Hindi ko pala nasosoli 'to kay Mereng, matext na lang si Nikko mamaya.


Nasa biyahe na ako ng biglang tumawag si Sir Howard, agad ko naman itong sinagot at napakawrong timing ng pagsagot ko dahil pababa na ako ng sasakyan. Push na push ang paghawak ko sa cellphone at paghawak sa clearbook na dala ko.


"Hey, are you there Rain?" Tanong ni Howard sa kabilang linya.


"Yes po. Ano nga pa ulit yung sinasabi niyo sir?" Paghingi ko ng linaw pero ang narinig ko lang ang malakas na malalim na hinga nito.


"Ikaw ba 'tong nakasuot na uniform?" Tanong niya sa kabilang linya, sasagot pa lang sana ako ng bigla niya ng binaba ang tawag.


Manners, Howard. Manners.


Papatawid na ako para maglakad sa Business Zoned Area ng biglang may tumigil sa harap ko na sasakyan na kulay itim. Bumukas ang bintana nito at nakita ko si Sir Howard na nakadungaw sa'kin.


"Hop in." Ani Sir kaya binuksan ko na ang pinto at sumakay.


Awkward ang sitwasyon naming dalawa. Bakit ba kasi gumagawa ka ng kakaibang bagay, Rain?


"Ano pong meron at maaga po kayo, Sir?" Basag ko sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa.


Hindi ako nito tinignan, "Why are you asking?" Balik nitong sabi na binalewala ko na lang dahil naalala ko ang sinabi nito bago ako pumasok ng kompanya: Personal life is personal life.


"You didn't tell me na naglalakad pa pala papasok ng company natin." Counter attack niya, tumango lang ako bilang sagot.

The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon