N/N:
Parang nagiging densidido na akong tapusin 'tong writing chuchu ko sa Wattpad after ng kwento ni Ahron. Kailangan ko talaga ng matagal na break at isipin kung gusto ko pa bang magsulat o hindi. HAHAHA. By the way, thanks sa mga naghihintay ng UD na 'to na hindi ko matapos-tapos dahil sa punyetang keyboard ng laptop ko na nagloloko. *sighs*
Dedicated ang chapter na ito kay birthday boy (boy ba?) hahahaha greenxjello na nag-celebrate noong December 1. Muntikan ko ng makalimutan hahaha. Hunter on multimedia. :)
The Businessman: 4
"Baby, take a chance on me."
HUNTER:
Halos madilim na sa opisina ng bigla akong bulabugin ng malalakas ng katok. Napakamot ako ng ulo bago tumayo at dali kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin si Jeff at ang isang lalaking hindi ko kilala.
Napansin ko siya agad dahil kakaiba ang ganda ng mga mata niya, bilugan ito at parang nang-aakit sa panaka-naka niyang pagtingin sa mga mata ko.
"Who are you?" Banggit ko agad at hindi pinansin si Jeff.
"He's Rain Manlapaz, Mr. Niresco." Paninigurado ni Jeff na hindi ko naman kailangan. So he's the heir and owner of this company.
"Nice meeting you, Mr. Manlapaz. Pasok ka." Alok ko rito bago ako naunang pumasok ng pintuan. Hindi na sumunod si Jeff at naiwan kaming dalawa.
Umupo ito sa isa sa maliit kong couch sa loob ng opisina at mataman lang ako tumingin sa kanya. And from that very moment, I knew that he is the one I'm looking for.
**
Naisip ko ang mga tagpong iyon ngayon habang nakaupo na kami ni Rain sa isang bench sa park na natagpuan namin habang nasa sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa aming dalawa ni Howard Dela Fuente pero alam ko sa sarili ko na mahirap siyang maging kalaban.
Hindi kumibo si Rain sa sinabi ko kanina sa restaurant at nagpalitan lang kami ng mga tingin bago ko higitin si Rain sa upuan at lumabas kaming dalawa.
"So you had a relationship with Howard Dela Fuente, CEO of the Dela Fuente & Montecillo Group of Companies at wala ka man lang sinabi sa'kin." I said sa nagtatampong tono at tumingin ito sa'kin bago natawa.
"Bakit ko naman kailangan sabihin sa'yo ang lahat? Hindi naman naging kami ni Howard." Sagot nito at napangiti ako.
Hindi naging sila.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...