N/N:
Thank you guys sa lahat ng nagbabasa, nagvo-vote, at nagco-comment. Alam niyo bang magkalapit sila ng The Photographer sa ranking? At hindi ko rin inaakala na maraming magbabasa nitong kwento ni Howard (since maraming may gusto na kwento muna ni Ahron ang unahin ko) so thanks! To tell you honestly, hindi ko alam kung saan pupunta ang kwento na 'to hahaha, parang tanga lang ako eh 'no? Noong bago ako magsimula G na G ako sa pagsulat ng kwento na 'to pero nawawala ako sa drive ko ngayon. Ewan ko ba. -_-
Dedicated ang chapter na ito kay alkie02, syempre kinilig ako sa pa-Happy Author's Day mo. HAHAHAHA. Mention ko na rin si jeloalonte na nag-suggest para sa gwapong si John Smith na makikita niyo sa multimedia.
The Businessman: 8
"Caught in a bad romance.."
RAIN:
Para akong timang na naglalaro ng cooking fever sa loob ng opisina ni Howard. Sa totoo lang bagot na bagot na ako dahil wala rin naman akong ginagawa. Nakakainis rin ang ginawa ni Howard sa akin. Sabagay, magdusa na si Dessa sa paggawa niyang minutes of the meeting na 'yan. Diyan pa naman maarte si Howard.
Nang ma-dead ako sa laro ay may pumasok na isang lalaking nakasuot ng ¾ na t-shirt at naka-pantalon lang na simple. Unang tingin pa lang sa kanya ay nag-alarm agad ang radar ko at nagsabing "gay gay gay".
"Good morning po, Sir. How can I help you?" Tanong ko sa kanya at lumapit ito agad sa'kin. Kita ko ang nagfe-fade na kulay blonde na buhok nito at magagandang mga labi at ilong, isama mo pa ang cute nitong mga mata.
"Good morning, I'm Chance Dela Fuente, partner of Ethan Race Dela Fuente. Gusto ko lang itanong since may meeting sila sa conference room kung saan ang bagong office niya? Pinalipat kasi sila ni Kuya Howard eh."
Para akong timang na nakatingin sa kanya. Siya yung asawa ni Sir Ethan! Jusko, sino bang hindi magkakagusto sa ganyan? Nakaka-insecure siya. Kahit maging si Sophie pa ako paulit-ulit eh parang hindi kayang tumbasan ang awra nitong kakaiba.
Inayos ko ang sarili ko at tsaka ngumiti sa kanya, "Yes po, Sir Chance. Alam ko po yung bagong office ni Sir Ethan." Sagot ko sa kanya at ngumiti siya.
"Pwede mo ba akong samahan?" Yaya nito at tsaka ako umayos ng postura at tumayo. Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ko.
Paglabas namin nakita kong karamihan ng tao ay busy. Hindi ko alam kung bakit ako lang talaga ang walang ginagawa. Samantalang marami akong kayang gawin, pwede kong ayusin ang mga files niya na filing cabinet at marami pang kakaibang gawain.
"You're new here, right?" Tanong ni Sir Chance habang naglalakad kami. Pinagtitinginan siya ng mga tao at ang iba ay bumabati pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Businessman (COMPLETED)
RomanceThe Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the Dela Fuente Brothers. Makakaya niya ba kapag sa kanya na umikot ang laro ng pag-ibig? © JayceeLM...