The Businessman: 6

22.6K 746 215
                                    

N/N:


Until now nag-iisip pa rin ako ng pwedeng maone-shot.  Huehuehue.  Hindi ko alam kung bakit tinatamad akong magsulat this past few days.  Parang nahihirapan akong pag-isahin yung thoughts ko.    Napansin ko na maraming nagbabasa ng kwento na 'to pero hindi kayo nagsasalita sa comment box, alam niyo ba na minsan nakakapulot ako ng idea galing sa mga comment niyo?  Kaya comment lang mga bess hehehe. 


Dedicated ang chapter na ito kay Lloydieee22 ayan na!  Enjoy reading guys!  WIll you meet Mr. Dela Fuente in the board room? 


The Businessman: 6


"I can't love you in the dark."


HOWARD:


"Are you sure sa gusto mong gawin, Howard?" Tumingin ako kay Trisha sa sinabi nito, kasalukuyan kaming nasa opisina ko at ako naman ay nagbabasa ng ilang folders.


"I'm sure. This is the only way para magawa ang pabor na hinihingi mo." Balik kong sagot dito sabay kuha ng sign pen ko sa lamesa at pinirmahan ang memo.


Matapos kong pumirma ay tumayo na ako para para pumunta sa walk-in closet ko rito sa opisina. Pupunta kami ni Trisha sa business conference na gaganapin isa't kalahating oras na lang mula ngayon.


Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa aming dalawa ni Rain. Alam kong nagiging gago ako sa mga desisyon ko pero sana hindi siya umalis at iwanan ako at maging sila talaga ni Niresco.


Sana sapat na ang mga binigay kong memorya sa kanya sa kung paano ako magmahal.


Kinuha ko sa cabinet ang kulay itim na suit na tumeterno sa suot kong puting panloob at kulay dark blue na neck tie. I wonder what it would look like kung itali ko si Rain sa headboard ng kama?


Napangiti ako sa iniisip ko. I am ready to have sex with Rain and it will be a fucking night to remember.


"Matagal ka pa ba, Howard? Ma-traffic ngayon sa EDSA dahil rush hour na." Babala ni Trisha sa labas ng pintuan.


Nang masigurado kong ayos na ako tsaka ako lumabas ng kwarto. Nakita agad ng dalawang mata ko na kakatapos lang rin ni Trisha na mag-ayos. "Let's go." Ani ko at tsaka lumabas na ng pintuan ng opisina.


**


Nakarating kami sa lugar ng pagdarausang na nasabing business conference at pagpasok ko pa lang ng lugar ay agad ng lumigid ang mga mata ko at nalaman kong wala pa siya sa lugar.


"I wonder if the CEO of Uni-Trans will be here." Wika ni Mr. Sy bago ito uminom ng wine na nakalapag sa lamesa nito.


"You know him, Mr. Sy." Pagkukumpirma ko rito at tumawa siya. "Aye! Rain Manlapaz parang kailan lang parte siya ng usapan natin." Ngumiti ako tsaka uminom na rin ng wine.

The Businessman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon