Chapter 18: Back Together

47 5 0
                                    

Colline's POV

Isang buwan na ang lumipas simula ng nalaman ko ang sakit ni Erica. Napatawad ko na din siya, isang bwan na din siyang nasa hospital, nagpapagaling. Madaming beses na din siyang naoperahan. Tapos na din yung teacher's day namin at yung UN
celebration.

Tapos na ang klase naming lima kaya bibisita na kami kay Erica.
Yun na ang palagi naming ginagawa kapag katapos ng klase.

Ng nasa hospital na kami pumunta na kami agad sa room ni Erica. Pagkapasok namin gising siya at nakaupo at nakatigin sa bintana.

"Nagmomoment ???" sabi ni Kylla.

"Bakit bawal bang tumigin sa labas! " sabi ni Erica

"May sinabi ba akong bawal! " sabi ni Kylla

"Kylla tigilan mo na si Erica! " sabi ni Gab ,kumuha ako ng lugaw at sinubuan ko si Erica.

"Wala na bang ibang pagkain puro nalang lugaw at noodles eh! " sabi ni Erica sabay subo.

"Ano ba gusto mong kainin ipag luluto kita? " sabi ni Athena

"Sinigang!!! " sabay naming sabi ni Erica.

"Anong sinigang? " tanong ni Athena

"Baboy!! " sabay uli naming sabi ni Erica. Sabay tawa. Oo yun yung favorite naming kainin ni Erica dati. Kapag si mama ang nagluluto. Tinola naman kapag si tita Ellise.

"Sige bukas na bukas makakatikim ka uli ng sinigang na baboy. " sabi ni Athena. Well si Athena favorite niyang magluto ako din kaya kapag college na ako culinary arts ang pipiliin kong course.

<<<<Zzzzzzz>>>>>

Tumutunog yung cellphone ko kaya kinuha ko siya sa bag. Pagkatingin ko tumatawag si tita Ellise.

Tita Ellise calling...................

[Hello po tita] sabi ko

[Hello, kamusta si Erica, ok lang ba siya, pakisabi naman na sorry kasi hindi ako makakapunta diyan dahil sa business namin emergency kasi eh] sabi ni tita Ellise.

[ ok lang naman po siya. Sige po bye.] sabi ko at cinall ended na niya.

"Si mama ba yun!!??" tanong ni Erica

"Oo at pinapasabi niya na hindi daw siya makakabisita kasi busy dahil sa business, sorry daw emergency eh!!! " sabi ko

"Ok lang basta andyan kayo!! " sabi niya sabay ngiti.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maggabi na oo ganito kami araw araw kasi si Papa este Papa ni Erica busy kasama si tita Ellise, si Elsa naman malamang teenager na ofcourse kasama niya mga friends niya tulad namin hahaha.

Ng pinagpahinga nanamin si Erica kasi gabi na. Umalis na kami.
Pero bago kami umalis kinausap muna ako ni Erica habang sila Athena ay nasa labas na.

"Colline i hope you and Gab you know, madeveloped haha.! " sabi niya.

"I hope! " sabi ko tapos hinalikan ko siya sa noo at umalis na.

"Magpahinga ka ha bukas uli.! " sabi ko ng nasa pinto na ako.

Ng nasa parking lot na kami sumakay na kami sa kotse ni Athena at umuwi na ng nasa bahay na ako. Hindi muna ako pumasok sa bahay . Dahil pumunta muna ako sa bahay nila Erica.

*ding dong *

Ang nagbukas ng pinto saakin ay si Tito Joshua. "Gudeve po pwede po bang pumasok.? " tanong ko, naiinis ako sa nakita ko pero sanay na akong tawagin siyang tito. "Pwede! " sabi niya at pinapasok niya ako. "Asan po ba si Tita Ellise? " tanong ko
"Ah nasa kusina! " sabi niya.

That Nerd is a Warfreak {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon