Special Chapter 2: Goodbye , i will miss you

35 1 0
                                    

Colline's POV

Hindi naman pala ganun kalala yung ngyari kila Kyle pero si Gab muntik ng mamatay dahil sa saksak sa bituka yung parts kasi ng eroplano nasaksak sakaniya . "Lin nakita mo ba si Dan?" tanong saakin ni Athena , teka wala ba si Dan sa labas "Kita mong kanina pa ako nandito diba" sarcastic kong sabi "baka naiwan sa eroplano" sabi ni Amber "tae ka edi sana napansin natin kanina pa" sabi ni Kylla "eh mas tae ka bakit walang nakapansin na umalis si Dan diba " oo nga naman nag-aalala na ako sa mga pinagsasabi ng mga babaeng toh.

tinawagan ko si Dan ng napakaraming beses pero hindi parin siya sumasagot . maya maya nagtext siya saakin.

(Colline magkita tayo sa Park) yun yung text niya saakin , agad naman akong nagpunta sa park.nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga bench.

"kainis ka naman Dan pinag-alala mo kami tapos andito ka lang pala ,tapos hindi mo man lang sinasagot yung mga----" hinatak niya ako at niyakap ng mahigpit. "just let me do this , this one last time" sabi ni Dan at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap niya saakin. naguluhan naman ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang inintindi.

"Colline" sambit ni Dan habang magkayakap pa din kami

"hmmm"

"lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita kahit anong mangyari, lagi mong tandaan na kahit magkalayo tayo ay nandito ka parin sa puso ko , Colline lagi mong tatandaan na ikaw ang labs ko. wag na wag mong kakalimutan na ngumiti at tumawa uli tulad ng dati. umiyak ka kung masakit na isigaw mo kung hindi mo na kaya, basta lagi mong tatandaan na andito lang ako para sayo " naramdaman kong basa na yung balikat ko , wait umiiyak ba siya?? malamang kaya nga basa yung balikat mo diba. tenge nemen .

pero yung mga sinasabi ni Dan hindi ko magets , para bang nagpapaalam, na ewan .

"Mahalin mo siya na higit pa sa pagmamahal niya sayo, dahil alam kong sakanya ka sasaya" yun yung mga huling binitawan ni Dan bago siya kumalas sa yakap namin at umalis at ako naman tulaley, hindi parin nagsisink in sa napaka talinong utak ko yung mga sinabi ni Dan .

Natauhan ako ng may tumawag sakin si Amber pala , [Lin gising na si Gab] masayang sabi ni Amber. pumunta naman agad ako sa ospital. binuksan ko agad yung pinto napatingin naman silang lahat saakin habang ako nakatingin lang sa taong mahal ko , oo tama kayo ng basa , mahal ko na si Gab. at hinding hindi ko itatanggi yun.

"Colline......." sabi ni Gab , agad ko naman siyang niyakap. ngumiti ako ng bumitiw na ako sa yakap namin.

"saan ka ba nagpunta anak?? at hindi mo na nahintay ang paggising ni Gab , kanina halos naka glue kana sa upuan na katabi ng kama ni Gab eh" sarcastic na sabi ni mama

"ah nagpunta lang po ako sa park ma , nagkita kami ni Dan duon " nanlaki naman ang mga mata ni mama sa sinabi ko.

"Sinabi ba niya na aalis na siya?? sinabi ba niya sayo na babalik siya ng Korea ha??" mabilis na sabi ni mama na ikina gulat ko . ngayon ko lang nagets yung mga pinagsasabi ni Dan kanina . kaya pala siya parang nagpapaalam kanina. enebe yern bakit ang tanga ko na ??? sinabi saakin ni mama yung oras ng flight ni Dan at OMG i only have 30 minutes para mahabol si Dan .

naubos ang 15 minutes ko sa biyahe at pumasok na ako ng airport nakalagpas naman ako sa guard dahil umalis siya. hinanap ko si Dan OmG Five minutes na lang ang natitira bakit ang bilis naman ng oras.

"Colline??" napaharap ako sa tumawag ng pangalan ko . nakita ko naman si Dan.

"LOKO KA BA HA??? HINDI MO MAN LANG BA NAISIP NA MALULUNGKOT DIN AKO KAPAG NAWALA KA!!! HOY DANIEL STA.ANA KAHIT PAPAANO MINAHAL DIN NAMAN KITA KAYA IMPORTANTE KA SAKIN !! KUNG KAILANGAN MONG UMALIS SIGE UMALIS KA PERO SANA NAMAN........sana naman sinabi mo para makapagpaalam ako at hindi ako dalawin ng konsensya ko araw araw ...... sana naman----"umiiyak na ako ngayon at yakap yakap ako ni Dan walang tao dito dahil sumakay na ng eroplano .

"shhh......tama na " sabi ni Dan habang yakap pa din ako.

"Aalis ako dahil alam ko na siya na ang pinipili mo saamin alam kong siya na ang mahal mo Colline" naluha na din si Dan, pero paano niya nalaman hindi ko pa naman sinasabi sakanya. kumalas ako sa pagkakayakap namin at tinignan ko siya.

"hindi mo na kailangang sabihin , dahil halata naman Colline" napangiti siya ng mapait.

"Dan , sorry......sorry talaga" napayuko ako , ayaw ko naman siyang saktan pero yun na talaga ang desisyon ko.

"ok lang , hindi naman kasi nadidiktahan ang puso.......kasi kung nadidiktahan yun sana sinabi ko sa puso ko na wag ka na lang mahalin , dahil masasaktan ako.......pero kasama naman talaga yun sa pagmamahal eh , ang masaktan." tinaas niya yung ulo ko  para makatingin ako sakanya  .

"Mahal na mahal kita " niyakap niya ako  ng napakahigpit at umalis na . binilisan niya maglakad .

"Goodbye Dan i will miss you"

Sorry po dahil maiksi lang po ang mga special chapters , at yung duon po sa mga nakabasa ng 'With You ' iniba ko na po ang katuloy ng epilogue. sana po magustuhan niyo.

That Nerd is a Warfreak {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon