Colline's POV
Nakatingin ako sa lalaking papalapit sa kinauupuan ko ngayon. Ang lalaking kailanman hindi ko makakalimutan.
"Hi Lin sorry natagalan ako nagpahatid kasi sakin si Lovely eh " bati sakin ni Gab ng makaupo siya at hinalikan niya ko sa pisngi "Bakit pala dito sa park mo gusto makipagkita?" sunod na sabi niya.
"Kailangan natin mag-usap Gab..." seryosong sabi ko habang nakatingin sa malayo, hindi ko kayang tignan siya ng diretso.
"Ahh sige ano ba yun" alam kong alam na ni Gab kung ano ang paguusapan namin ngayon, alam kong tinatago lang niya na wala siyang alam. Nagbabakasakaling mag-iiba ang desisyon ko.
"Naalala mo ba? Dito tayo noon sa park unang nagkakilala. Naiwan mo yung litrato niyo ni Erica dito sa kung saan tayo nakaupo ngayon...dito sa park, nagsimula ang lahat ng ugnayan natin Gab...Minahal mo ko ng higit pa sa kailangan ko, ng higit pa sa deserve ko at wala akong ginawa kung hindi saktan ka..the moment na nasa hospital ka nun dahil sa plane crash, sobrang iyak ko, kasi hindi pa ako handa na mawala ka sa buhay ko, na mawala ka sa mundo ko, pero to stop this never ending pain" huminga muna ako ng malalim at yumuko, yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan, tumulo na. hindi ko alam kung kakayanin ko bang sabihin pero this is the only way I know. kaya naman....
"Im choosing to break up with you Gab....sana wag mong isipin na sa apat na taon na pagsasama natin ay hindi kita minahal, kasi totoong minahal kita, totoong masaya akong naging tayo, but I have to end this, for the pain to stop. Sana maintindihan mo...mahal na mahal kita Gab, pero hindi naman kasi lahat ng gusto mo at mahal mo kaya mong hawakan, darating sa punto ng buhay na kahit mahal na mahal mo kailangan mong bitawan, para sa ikakabuti ng lahat. Im sorry Gab..." iniangat niya ang ulo ko habang umiiyak ako then He forced a smile.
"Im thankful na naging girlfriend kita, Im thankful kasi minahal mo ko, sapat na yun para sakin, hindi mo kailangan higitan yung pagmamahal ko sayo. Kasi naramdaman ko naman, na minahal mo ko" he forced a laugh "Hindi ko akalain na kung saan nagsimula ang lahat, dun din pala magtatapos" then at that moment I saw how his tears fall, He's in pain, nasaktan ko siya. I want to hug him so tight, I want to say sorry so badly.
"You loving me for 4 years is enough Colline...and I understand kung bakit mo ko kailangang hiwalayan. Ayaw ko na din naman na naguguluhan ka pa, so yeah para naman hindi lang ikaw ang nakipagbreak dito..." He forced a laugh again "Im breaking up with you too Colline... I did see this coming you know, kaya naman..." He paused for a while dahil hindi niya kayang magsalita "Kaya naman....Malaya ka na Colline...Im setting you free...Im Letting you go" He looked at me directly into my eyes, He smiled.
"Thank you for those 4 years Colline..." He then hugged me so tight "Last hug, or should I call it the break up Hug"
and the last thing I knew, I was crying all alone here in the park....
Im sorry for the pain Gab......
-------------
The pain of letting Gab go is still here , syempre alangan naman lumipas agad eh 6hrs pa lang ang nakalipas simula ng makipagbreak up ako.
Tulad kanina ng ginawa ko kay Gab...Im ending things from where it all started.
Im now in front of the Hospital. Sa hospital kung saan namatay si Erica, sa hospital kung saan kami unang nagkakilala ni Dan.
"Colline!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki. "Why are you in front of a hospital? Are you hurt or something?" yes, Im hurt....emotionally "Colline answer me...Im worried" hinawakan ni Dan yung magkabilang balikat ko at iniharap niya ako sakanya. He looked into my eyes. "Umiyak ka ba? Bakit ka umiiyak?" I can see in his eyes that he's worried. He really loves me huh..
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Warfreak {COMPLETED}
Novela JuvenilThis is about bestfriends ,love and family. A girl who always cry. Ang babae na palaging nasasaktan pero minsan masaya din siya.