Colline's POV
Nasa bahay kami ngayon ni Louie, nagkayayaan kasi sila na magbonding kami kasi nga bumalik na si Dan. Its been years ngayon na lang kami uli nabuo. Lahat ay present sa reunion na toh. Nakaakbay sakin si Gab habang nakikipagkwentuhan kami sa mga kaibigan namin.
Ewan ko ba dito kay Gab, hindi naman siya clingy dati..sweet siya oo, napaka pero kanina ko pa kasi napapansin sakanya na para bang prinoprotektahan niya ko, na para bang maaagaw ako sakanya.
wait, speaking of 'maaagaw' bigla akong napatingin kay Dan na ngayon ay nakatingin sakin tapos bigla akong nagiwas ng tingin. No no no , tama na yung sakit na naidulot ko sakanya dati. I dont freaking care kung mahal pa rin niya ako o ano. Ayaw ko ng may masaktan pa, ayaw kong saktan si Gab at mas lalong ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit na naidulot ko kay Gab dati.
Itong nararamdaman ko ay wala lang. Baka nagwapuhan lang ako sakanya, o baka naman na miss ko lang siya ng sobra kaya ganito tong nararamdaman ko. I can't be inlove with Dan anymore, kasi may Boyfriend na ko...may Gab na ko.
Para bang bumabalik ang dati. Yung mga panahong dual sim ang puso ko. Parehas ang nararamdaman ko kila Gab at Dan at ng dahil dun nakasakit ako. Nasaktan ko sila dahil hindi ko magawang suklian yung pagmamahal nila sakin.
Napakatalino ko sa acads pero pagdating sa love, ang pagpili at pagdesisyon kung sino ang pipiliin ko ang pinakamahirap. Pero ngayon...sigurado akong si Gab lang, I wont let distractions tear apart what is right.
Tamang piliin ko si Gab kasi siya ang nobyo ko at maling piliin si Dan dahil kakabalik lang niya, what would people think of me, na sa 4 years na pagsasama namin ni Gab eh hindi ko siya minahal na si Dan lang talaga.
Ang hirap pumili, kasi ayaw kong may masaktan. Pero Loving someone means you're ready to get hurt. kakambal ng pagmamahal ang sakit, kapag nagmahal ka handa ka dapat masaktan, and I am not ready for that.
Nakakatakot na kasing masaktan nanaman, I've experienced so many pain na dumating sa puntong takot na kong salubungin nanaman ang panibagong sakit.
"Lin? Okay ka lang? You're spacing out" nag-aalalang tanong sakin ni Gab. Ngumiti ako at umiling para mabigyan ko siya ng assurance na okay lang ako. "Uhm..magpapahangin muna ako ha, dun lang ako sa pool " tumayo na ako at hindi ko na hinintay ang sagot pa ni Gab.
"Colline...." my eyes felt his. After years of not seeing those eyes, its still the same. Same feeling, same heartbeat. Damn this heart! Why are you loving the two of them? Isa ka lang kaya dapat isa lang mahal mo. Damn you heart! damn this heartbeat!
"Pwede ka bang makausap?" tanong niya at saka umupo sa tabi ko
"Ano ba paguusapan?" tanong ko at tumingin sa malayo
"Sa mga nagdaang taon, hindi nawala yung pagmamahal ko sayo, walang bawas pero mas lalong dumagdag. Pinilit ko namang kalimutan ka, pero ikaw pa rin sinisigaw niya kahit alam kong pinipili mo na si Gab. Ayaw kong manira ng relasyon, ayaw kong masaktan si Gab pero ang hirap na kasing pigilan. Nahihirapan na kong sabihin sa sarili ko na "Tama na yan, si Gab ang mahal niya" pero wala na akong pakialam dun. Gusto ko namang piliin yung sarili ko this time. Mahal na mahal pa din kita Colline...kaya please tell me, sabihin mo sakin na may pag-asa pa kong maisiksik yung sarili ko sa puso mo,sabihin mo sakin na may laban pa ko. Kasi Ilalaban ko toh kapag sinabi mo, pero kapag hindi, I have no choice but to be in pain again for years..I have no choice but to pull myself away again" Hinawakan niya ang mga kamay ko "Sabihin mo naman sakin na ilaban ka" thousands of tears have fallen from his eyes as well as mine. I can see his pain, I can feel his pain.
Hindi ko talaga mapipigilan...kahit anong gawin ko, may masasaktan at masasaktan talaga.
"C-Can you give me a day? Pag-iisipan ko Dan, ayaw ko ng magsisisi sa huli, ayaw ko ng makasakit pa, kung may pagkakataon nga lang na kaya kong burahin ang mga sakit at pagmamahal niyo ni Gab gagawin ko. Ayaw ko ng makasakit pa, kaya g-give me a day to think Dan" naiiyak kong sabi. This is what I hate, sa pagiisip ko na dapat fair ang lahat. Na dapat walang nasasaktan mas lalo ko pa pala silang nasasaktan.
Now I have a day to think of everything. I have a day para pagisipan ang lahat ng maayos, para matapos na tong sakit na toh.
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Warfreak {COMPLETED}
Teen FictionThis is about bestfriends ,love and family. A girl who always cry. Ang babae na palaging nasasaktan pero minsan masaya din siya.