Colline's POV
Madaming tanong sa isip ko na hindi ko man lang masagot sagot
Well hindi naman ganon kadami . Una bakit may kasama si Gab na ibang babae kahapon? Pangalawa bakit ganito ang nararamdaman ko? Pangatlo bakit ang saya saya ko kapag kasama ko si Dan?"Ms. Torres are you okay? " tanong ni ma'am sarah.
"Ok lang po ako ma'am medyo masama lang po yung pakiramdam ko!" sabi ko. Ganun ba kahalata na lutang ang isip ko.
Lumapit saakin si maam at niyakap niya ko. Parang pangalawang nanay ko na si maam sarah eh.
"Magpahinga ka lang anak! " sabi niya
"Opo! " sabi ko. Alam naming lahat na nawalan siya ng anak. Kaya lahat kami dito tinuturing niyang anak. Nakakaawa nga eh
Ng natapos na lahat ng klase ko pinuntahan ko si Dan.
"Colline! " sigaw niya sa malayo akala mo naman isang taon kaming hindi nagkita.
"Dan! " sigaw ko rin hehe.
Niyakap niya ako dahilan para manlaki ang mata ko.
"Uh Dan! " sabi ko
"Oh sorry! " sabi niya
"Ok lang akala mo naman kasi isang taon tayong hindi nagkita! " sabi ko na may pagkasarcastic .
"Bakit bawal ka ba mamiss! " sabi niya
"Tara kain tayo! " pagaaya ko
"Treat mo! " sabi niya
"Oo na! " sabi ko
Pagkadating namin sa parking lot. Nagulat ako dahil nakita ko nanaman si Gab na may kayakap na iba.
May naramdaman akong inis. Sasabihin niyang mahal niya ako tapos ganyan. Marami na talagang paasa sa mundo.
"Colline? " sabi ni Dan.
Hinila ko si Dan sa kotse niya at sumakay agad kami.
Ng nasa mall na kami, iniba ko ang mood ko para hindi maapektuhan si Dan. Kumain kami sa Gerry's Girl. Nagorder kami ng dalawang palabok at dalawang mais con yelo for dessert.
Kumain lang ako ng kumain. Pero ang hindi ko napansin kanina pa pala ako pinagmamasdan ni Dan. Nakakahiya.
"Kumain ka nga kung hindi ako ang uubos niyan. !" sabi ko
"Ang sarap mo palang pagmasdan! " sabi niya. Malamang sino bang hindi kikiligin sa sinabi niya .
"Hoy!, tumigil ka! Hindi yan uubra! " sabi ko
Ng matapos na kami kumain pumunta kami sa National Bookstore. Para bumili ng Harry Potter Books. Tsaka para na din sa next school year may supplies nako.
Umuwi na kami dahil Gabi na. Ng nasa bahay na kami nagpaalam siya agad dahil naghihintay daw yung kuya at bunso niyang kapatid na babae sakanya.
Nilapag ko lang yung mga pinamili namin sa study table ko. Nagpalit na ako ng pantulog at natulog na.
-----------------------------------------------------------------------------
"Anak gising na! " sabi ni mama
Bumangon naman agad ako. Niyakap ako ni mama .
"Uh mama bakit po? " sabi ko
"Anak may sasabihin sayo ang mama ah wag kang magagalit! " sabi ni mama kinabahan tuloy ako.
"Ano po yun? " sabi ko
"May nanliligaw saakin! " sabi ni mama ng mabilis. Nanlaki ang mata ko pero ok lang naman gusto ko din naman magkarooon ng papa .
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Warfreak {COMPLETED}
Ficção AdolescenteThis is about bestfriends ,love and family. A girl who always cry. Ang babae na palaging nasasaktan pero minsan masaya din siya.