Chapter 40 : See you soon

37 2 0
                                    

Colline's POV

Building dito may building doon, ngayon papunta kami sa airport sinabay na namin yung tatlong warfreaks at si Dan. Parang nagbabakasyon lang kami sa ginagawa namin.

Ang bilis ng takbo namin pero ok lang yun naman ang gusto ko eh. Madaling araw na kami bumiyahe para mamaya hindi kami maabutan ng traffic. Mahimbing ang tulog ko kanina kasi ang lambot ng kama tsaka pagod na rin ako.

Tinignan ko yung tatlong warfreaks sa likod na natutulog tumutulo na yung laway sa gitna si Kylla. Nagbasa basa na lang ako ng libro na binigay saakin ni Gab.

                             •••••••••••••••••••••••

Nasa waiting area na kami ng airport ngayon.

"Ma Cr lang ako ha! " pagpapaalam ko. So ayun nga pinuntahan ko yung Cr na kanina ko pa pinagmamasdan.

Naghugas lang ako ng kamay at paglabas ko nakita ko si "Gab? " Oo nga siya nga toh. Niyakap ko siya kaagad.

"Kaw naman! Ba't hindi mo sinabi na ganito mo na ako mamimiss! " sabi niya

Humarap ako sakanya at pinalo siya sa braso "ok lang kung palo paluin mo ko basta wag lang dito! " tinuro niya yung puso niya.

"Ang aga aga Gab! " sabi ko tapos bigla kong naisip kung kasam niya ba sina Louie kaya tinanong ko " Gab kasama mo ba sila Louie? " tanong ko tumango tango siya at tinuro niya kung nasaan sila at nakikipagkulitan na pala sa mga kasama ko.

Kaya nagpunta na kami dun. "Yieee! " pang-aasar nila kaya umirap ako. "Ano yang holding hands na yan? " sabi ni Carl sabay turo sa mga kamay namin ni Gab na ngayon ko lang namalayan na magkahawak na pala.

Inalis ko agad yung kamay ko at umupo na sa tabi ni Dan na upuan ko kanina. Kung hindi nila ako inaasar kay Gab kay Dan naman minsan naman kaming tatlo love triangle daw. Hayss.

Bakit ba kasi ang tagal iannounce kung magboboard na ba yung sa flight namin.

Bumili muna ako ng coffee sa nakita kong malapit na coffee shop dito.

Matapos kong bumili nakabalik agad ako. At ng matapos na naming inomin saktong inannounce na.

Naghug kami nila mama, papa Adrian, ate Mia, ashley at yaya Cherry.

Next na pumunta ako kay Louie, Kyle, at Carl and lastly.

"Mamimiss kita! " sabi niya in his sexy voice. Tapos niyakap niya ako. "Ngayon palang miss na kita! " sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap niya.

Tumulo na ang mga luha ko. At niyakap ko na din siya "Mamimiss din kita! " sabi ko humarap siya sakin at nginitian ako "Pinapangako kong magiging tayo kapag bumalik na tayo sa pinas! " sabi niya at pinunasan ang mga luha ko, pinalo ko siya
"Wag ka magpakasiguro! " sabi ko.

Muli niya akong niyakap, Si Gab ang una kong nagustuhan pero hindi ibig sabihin non na siya na ang pinipili ko si Gab lang ang nagpapajilig sakin at minsan sinasaktan din ako pero si Dan siya ang taong nagpapakilig sakin at minsan nasasaktan ko na siya.

Humarap na kami sa isa't isa at muli kong pinunasan ang mga luha ko. "Mamimiss kita Gab! " sambit ko at ibinigay sakanya ang relo na binili ko kanina na kasama nung kape kasi may nadaanan ako kaya bumili na ako.

"Para malaman mo kung ano ang oras ! Kung oras na ba para magmahal kung oras na ba para sumuko! " biro ko saka ngumiti.
Bumitiw na ako sa paghahawak namin ng kamay at tuluyan ng umalis.

Sa ngayon Gab........... Paalam.

                           ••••••••••••••••••••••••

Nasa airplane na kami at patuloy sa paglipad.

"Colline!" sabi ni Athena na katabi ko

"Babalik din tayo! " sabi niya

Alam ko ang tinutukoy niya . Hindi ko na lang pinansin iyon.

Nakatulog na ako habang nasa biyahe kami. Nagising ako na Umaga na kasi kita ko na ang sunrise.  Nakita ko si Dan na nakatingin sa bintana. At pinunasan niya ang mga luha na dumadaloy galing sa mata niya. Para bang may sinaksak na maliit na kutsilyo sakin kasi para bang ako yung dahilan kung bakit siya ganyan. Humarap siya sakin, at binigyan ako ng ngiti kahit na alam kong pilit.

"Dan... " bulong ko naiiyak na din ako nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganyan nasasaktan. Ng dahil sakin.

Si Dan ang taong palagi akong kinocomfort kapag may problema ako. Siya yung taong masasandalan ko kapag kailangan ko.
Siya ........

Tumayo ako at pumunta sa pwesto nila ni Kylla at pinalipat ko muna si Kylla sa pwesto ko kanina.

Sinandal ko ang ulo ni Dan sa balikat ko "Sabihin mo lang kapag nasasaktan ka na! " sambit ko "pwede mo akong maging sandalan! " dagdag ko pa

"Colline wag kang maawa sakin gusto ko patas lang ang laban! Walang awa awa kung sino ang mahal mo siya na yun wag mong isipin kung may masasaktan ka basta kahit minsan lang isipin mo din yung kaligayahan mo wag lang yung puro kami ang iniintindi mo Colline! Kahit minsan din isipin mo ang sarili mo Colline! " sabi ni Dan habang nakasandal pa din yung uli niya sakin.

Alam kong naiyak na siya kasi pinunasan niya yun gamit ang mga kamay niya.

Sinandal ko din ng onti ang ulo ko sa ulo niya. At pumikit at dun na pumatak ang luha ko na agad ko ding pinunasan.

"Colline? " tanong ni Dan

"Hmmm? " sambit ko

"Pwede ka bang mangako na walang awa awa kapag laban namin toh ni Gab ? Ayaw kong ako ang piliin mo dahil sa naaawa ka! At ganun din kay Gab! Colline mangangako ka ba? " tanong niya inangat na niya ang ulo niya at tumingin sakin.
Tumango tango na lang ako.

"Pangako! " sabi ko

Masarap magmahal pero mahirap masaktan. Yung sugat sa puso mga taon kung gumaling yung mga pasa buwan kung gumaling. Tama si Dan hindi dapat ako ganon para patas ang laban naiintindihan ko sila kasi iniisip ko kung ako yun siguro ganon din ako.

Ang pagmamahal ng tao ay hindi biro lang kasi pagtinamaan ka tinamaan ka at kapag nasugatan ka mahirap magaling yan lalo na kung sobra mo siyang minahal lalo ka lang sobrang masasaktan.

Hindi mahirap magmahal pero madaling masaktan.

Sa ngayon lilipad muna kami para abutin ang mga pangarap namin.

A/n: Sa susunod ko na lang po ipupublish yung epilogue may Coming field trip po kasi kami kaya medyo wala akong time.
Sana po magvote kayo at magcomment. This chapter is dedicated to lyanndiaz_ and kay Animegirl_1938and kay jinniana_yapand kay coldnight101and kay sophiaanne_maldia.



That Nerd is a Warfreak {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon