Note:Nakita ko lang 'to. Ka-goodvibes, ang kyot. KBye.
~~~~~~
Otor's
Nakapaglinis na si Mingyu at lahat-lahat. Kulang nalang pati ding-ding nila, pakinangin niya, pero wala pa rin si Wunoy.
Kanina pa siya panay text. Pero waley. He hates it, to be honest. Nakakainis kasi, baka umaasa siya sa wala. Mamaya hindi pala matutuloy si Wunoy. Mamaya malelate pala siya. Mamaya may nangyaring masama on the way, diba?
He just can't stop worrying for his friend.
Well, bawal mawala si Wonwoo sa buhay niya dahil una sa lahat, si Wonu ang supplier ni Mingyu ng lunch huehue. Pangalawa, kaibigan niya ito. And Wonu is fun to be with despite his emotionlessness. Isa pa, hindi mabubuo ang araw niya ng hindi ito nakikita o nakakausap manlang.
Natatawa siya kahit korni si emo boi. He also admires Wonu, napakahard-working kasi, matalino, at medyo...hanga siya kasi si Wonu lang ang nakakatalo sa kanya sa pagiging gwapo MINSAN daw.
Kasi dinadagsa sila ng mga babae madalas, at madalas rin, si Wonu lang ang pinupunta nila unlike the old days, kung saan pinagiinitan si Mingyu ng mga lalaking seniors dahil nakukuha niya kahit sinong babaeng gustuhin niya. They will come running to him. Pero ngayon, si Wonu parang pumapalit na sa pwesto niya and it has only been a month since he transferred, it is amazing.
Nahimasmasan si Mingyu sa pagkakatulala sa lamesa nang biglang may nagdoorbell.
"KAPS! BUKSAN MO PINTO MAY TAO SA LABAS!" Sigaw ng kuya niyang nasa CR na naliligo. Kitams? Isang month na rin pala ang nakakalipas. Ang bilis ata ng panahon, hindi tulad dati. Well, bakit ba bumibilis ang panahon? Hindi ba dahil nageenjoy tayo kaya mabilis? Who knows, depende pala yun sa kaso.
Dali-daling bumaba si Mingyu sa hagdan at pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang kanina niya pang hinihintay. It almost made him smile of relief. Buti walang nangyaring masama.
"Hello," Gyu smiled.
Wonu never smiled back, ever. So bumati lang siya pabalik by nodding.
"Umm...excuse me?" Tanong ng lalaki na nasa likuran ni Wunoy. Isasara na kasi dapat ni Mingyu ang pinto pero napigilan ito nung lalaki.
Teka-Sino ka kuya?
"Ay! Hehe sorry po, hindi ko po kayo nakita. Pasok po kayo, kuya." Sabi ni Mingyu. Medyo pahiya siya. Nice nose koya hihihi. He said at the back of his mind.
Buti nalang maraming pagkain sa ref ngayon.
Pinaupo niya mga bisita niya sa sofa nila sa sala habang naghanda ng pagkain si Mingyu. He is good at cooking. Ayon sa kanya, maliban sa pagiging gwapo, magaling daw siya magluto at maglinis.
Naghahalo siya ng iced tea nang biglang-
"Taehyung...?!" Sigaw mula sa sala. Rinig na rinig sa kusina.
"Jungkook!" Teka, si kuya ba 'yon?
Dinala niya ang mga hinanda niya sa sala just to see two men, hugging each other and Wonwoo sitting silently.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. "Uh...magkakilala kayo?"
Hindi sumagot ang dalawa kundi tumawa lang. Si Wonwoo naman, kumuha ng isang sandwich, nilagay niya ito sa bunganga niya, kumuha ng juice saka kinaladkad si Mingyu papunta sa taas.
"Hayaan mo muna yung dalawang yun, ilang years na din kasi..."
Napatigil siya sa paglalakad. Naguluhan si Mingyu sa sinabi ni Wonu. Anong ilang years din?!
"Wonwoo..." napatingin naman si Wonu kay Mingyu.
"O?" Nagtitigan lang ang dalawa, para silang naglalaro. Kung sino unang umiwas ay siyang talo. Unfortunately, Mingyu couldn't win in challenges such as this when it comes to Wonu. Si Wonu kasi yun, haler~
Well pano ba naman? Eh mapatingin ka pa lang sa mata nun, matutunaw ka na eh, pano pa kaya kung tinitigan ka?
"Lagpas na tayo sa kwarto ko, bitiwan mo muna ako, malalaglag na yung hawak kong juice eh hehe..." sabi niya sabay kamot sa ulo.
Sinunod naman siya ni Wonwoo at nag-aral nalang sila ng english pagkatapos nun sa loob ng kwarto ni Gyu.
"Okay...edi kapag 'do'-"
"English please, Mingyu." Wonwoo interrupted him.
"N-Nothing," he muttered. He didn't talk again after that. PATI AKO NAPAPAENGRISH.
Nagpatuloy ang lessons nila ng apat na oras. Yung dalawa maingay pa rin sa baba.
"Thank you, Wonwoo." Nagbow si Mingyu sa kanya. Ewan, parang may kulang ata. Parang walang nangyaring maganda.
"You can stop speaking English now. Tapos na tayo mag-aral. Anyways, hindi pa ako aalis kaya mamaya ka na magpasalamat." He coldly said.
"Bwisit ka! Ang hirap ha! Hindi ako makapagtanong sayo kanina kasi hindi ko alam paano ieexpress yung thoughts ko!" Pasigaw na sabi ni Mingyu habang sinuntok niya ng mahina si Wonu. Suminghal lang si Wonwoo.
"Buti nga tinuruan kita eh," bulong niya, too soft, like it's not audible.
"Hah?"
"Wala."
The room then became silent. Ito na. Magsisimula na naman magtanong si Mingyu.
"Sino yung..lalaki sa baba? Kilala mo ba siya?" Tanong ni Mingyu habang nakahiga sa single bed niya at nagbabasa ng magazine.
"Si kuya ko."
"MAY KUYA KA?!" napaupo si Gyu.
"Jungkook. Jeon Jungkook. Galing U.S. one year na siyang nandito." Wonwoo explained.
Kaya pala magaling siya mag-english.
"Oh. Kaano-ano naman niya si kuya?" Tanong na naman ni Gyu.
"I don't know either. Pero ang alam ko lang, silang dalawa ang pinakaclose." That moment, Wonwoo felt loneliness striking him. Bumalik kasi lahat ng nangyari the past years. "Magkakabarkada sila nina sir. Namjoon."
Bakit hindi nagsalita si RM na may isa pa pala silang kasama.
Ilang minuto pa...
"WONU! UWI NA TAYO! MOM MIGHT GET ANGRY AGAIN!" Sigaw ng kuya ni Wonu. Pagtingin ni Mingyu kay Wonu, parang may nagtrigger sa utak niya na hindi niya alam, basta ang alam niya lang malungkot si Wonu at gusto niya itong mawala.
Bumaba na ang magkaibigan. Sumalubong ang nagtatawanang magkaibigan sa kanilang dalawa. Kanina pa sila nagtatawanan, parang ang dami nilang kwento, Mingyu thought.
Hinatid ng mga Kim ang mga Jeon sa may gate nila.
"Salamat ulit, Wonu." Mingyu smiled at Wonu. "At nice meeting you po, Jungkook hyung." Nagbow si Gyu. Tuluyan na ring umalis ang mga bisita niya.
Kaya pala niya sinabing "we" dun sa cafeteria nung naguusap kami... 'we' means 'kami'...wahhh ang galing ko na sa english.
Umakyat nalang ulit siya sa kwarto, balak na niyang matulog kaagad. But it is bothering him, his thoughts.
Nakita ko na siya dati eh...sa album ba yun ni kuya?
But nvm, matutulog nalang siya, nakakaexhaust mag-aral.
---
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
أدب الهواة"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.