Third Person's
So ganito ang in love? Mingyu thought.
Tila ba may bulate sa puwet niya dahil kanina pa talaga siya hindi mapakali. Katabi niya kasi si Wonu.
Puso, kalmahan mo naman. Hinawakan niya ang dibdib saka huminga ng malalim. Nagfaflashback lahat ng ginawa niyang kalokohan at kung ano man kasama si Wonu.
The time when they first met, when they met again, nung nalate silang dalawa at umiyak si Wonu sabay sabi sa kanya ng manyak, nung sabay nilang pinagtatawanan ang mga karanasan nila...nung nakilala niya ang nanay at kapatid ni Wonu...nung inamin sa kanya si Wonu na bingi siya...nung nagbike sila...nung hinawakan niya ang kamay niya...nung sabay silang naglakad sa dilim...when they were lost and Wonu...he almost fell on the ground, luckily, nasalo siya ni Mingyu. And now, a dream is playing in his mind, Wonu was letting go of his hand- I mean, Mingyu was letting go of his hand. Hinabol siya ni Wonu ngunit huli na, nagising na siya bago pa mahawakan ni Wonu ang hem ng sweater niya sa panaginip niya.
Despite the sad dream, Mingyu woke up with a smile plastered on his face. Para siyang clown na naglock ang panga sa kakangiti. He also woke up when the coaster was near the destination.
Sayang, finifeel ko pa naman. Isip-isip niya pa.
The trip was cool. Walang maingay dahil lahat ay pagod. Nakatulog siguro si Mingyu dahil sa malumanay na tugtugan ng driver ng coaster.
"Haba ng tulog mo ah," the emo murmurred. Nginitian lang siya ni Mingyu, he was too embarrassed to speak, baka bad breath kasi eh. Pasimple niyang inamoy ang hininga sa pamanagitan ng pagihip sa kamay--kunwari nilalamig, tapos sabay amoy dito.
Hindi naman pala mabaho. Napangiti siya saka nagsalita. "Wonu...punta tayong amusement park kasama friends natin." He suggested.
Nagsalubong ang kilay ng kasama niya and he asked, "May napansin ako, bakit parang araw-araw may activity tayo? Wala manlang pahinga? Sabi mo busy ka sa 27 onwards, pwede pa naman magkita sa January ah?"
Medyo nagflinch si Mingyu dahil sa tanong. Shit. Baka mahalata. "U-Umm, ano kasi...uh, diba sabi ko magiging busy talaga ako, so baka hindi muna kita kausapin...atsaka d-diba hanggang december lang ang iba nating kaibigan? So hangga't maaari...uhmm, makasama natin sila at magkakilala tayong lahat we only have little time, diba?"
Wonu looked down, analyzing what the tall man said. Medyo natuwa si Wonu kasi marunong na si Mingyu ng konti mag-english. Pero... nakakapagtaka naman. Nakahawak pa siya sa baba niya, baba as in chin okeh?Hue huehuehuehue-
"So, ano payag ka ba? Bukas, libre ko." Biglang nagliwanag ang mata ni Wonu.
Bigla naman may sumigaw sa bandang harapan nila. "Tanggapin mo na! Libre daw oh!" Agad na nagising si Seungkwan, mukha kasing libre yun eh. Gipit si bes.
"WONU PUMAYAG KA NA! DALI." Lumuhod pa talaga siya sa upuan para silipin ang kaibigan sa likod niya. Wonu was still thinking if he will or not. Kasi nakakapagduda na si Mingyu. Parang sobrang daming interaksyon na nangyayari at masyado siyang natutuwa.
I don't want this to end. Wonu thought. Masyado siyang masaya to even express it through facial expressions. It's surreal for him.
"Sige," he finally answered which made Mingyu glad, buti nalang pumayag.
Pero paano na si Ming?
Dinungaw ni Mingyu si Jun from his seat. "Jun hyung, ikaw na makipag-usap kay Ming, hah?" Unfortunately, wala siyang natanggap na reply. Baka hindi ko lang narinig o baka tulog. He think positively.
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
Fanfiction"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.