Wonu's
IT'S GRADUATION DAY!!!!
Si Mama, Jungkook hyung and his friends, my friends- bASTA LAHAT SILA DUMALO. Opkors nandun din ang pamilya ni ano hehehe Mingyu.
Before the program started, everyone greeted each other. Nakahiwalay kami ni Mingyu dahil kami nga ang bida sa araw na ito pero natatanaw pa rin namin sila. Nasa bandang likuran ang mga gagraduate at nasa mga kanya-kanyang upuan naman ang mga dumalo. May nagkakamustahan, nagchichismisan, nagpipicturan at marami pang iba. Sina eomma nakikipagkwentuhan dun sa katabi niya. Tapos yung mga kaibigan ko- teka asan sila?
"Emo Boiiiii!" Rinig kong sumigaw si Jeonghan hyung papalapit sa akin mula sa likuran ko, nakipagsiksikan sila makapunta lang sa akin.
"CONGRATS HYUNG!" Sigaw naman ni DK. Nahihiya na ako hah, formal 'to tapos ang ingay nila but well, it's okay. Graduating na eh.
Everyone embraced me. "Hyung congratulations, sa susunod nalang regalo ko hehehe," sabi naman ni Seungkwan.
"Hoy, graduating ka na. Huwag ka na ulit iiyak hah." Jihoon said as he handed me a present, ni hindi man lang tumingin sakin, napaka pabebe talaga nitong liit na 'to. Oh! I just remembered, gagraduate na rin pala si Jun, Hoshi hyung at Jihoon hyung sa susunod na mga araw sheyt.
"Hindi na iiyak yan! Diba hyung?" Dokyeom exclaimed, what a noisy mouth he has, pero napakabait ng kabayo naming ito.
"Kapag umiyak ulit yan dahil sa sunog na yun, hindi na ako magpipigil hah. Susugurin ko na sila sa bahay nila." Jeonghan gestured na para bang tanga dahil sa ginagawa niya. I love this crazy people.
"Walangya talaga kayo," I chuckled, pero medyo naluluha ako hahaha, tapos na kasi talaga lahat. Ang tanda ko na pala, and this will be the start of something new. "Bakit niyo ko nikocongratulate eh hindi pa nga ako nakakagraduate, hindi pa nagsisimula program,"Everyone laughed realizing their mistake.
I heard someone, sinisipon. "...hyung gagraduate ka na talaga," umiiyak si Kwan. Kahit kailan iyakin talaga 'to. Just a sign that he has a pure heart. Kapag ito sinaktan ng noo na yun, hindi na siya sisikatan ng araw. I swore.
"Oh, bakit ka naman umiiyak, dapat nga ako ang maiyak eh." I caressed his blonde hair. Before I knew it, Jeonghan hyung was also sobbing. Followed by Jihoonie. Awe, these precious yet abnormal people...I love them.
"Hoy huwag niyo naman akong paiyakin dito guys, nakakahiya." I laughed together with Seokmin. Alam kong nagpipigil rin siya. Sa pamamagitan nito, napipigilan naming maluha. Kung maluluha man kami, ang excuse namin ay 'dahil sa katatawa'.
"...eh k-kasi naman emo boi, ang l-laki na ng pinagbago mo, hindi ka na k-katulad nung d-dati na...na w-walang pake at laging nabubully..." Jeonghan stated, busy sa pagpupunas ng luha niya.
"Bahala ka hyung, bawas ganda ang pag-iyak hehehe," biro naman ni Seokmin kaso lalong naiyak si Jeonghan hyung.
"Oo nga Wonwoo. Palaban ka na ngayon...." buti pa si Jihoon marunong magmanage ng emosyon. Lumuluha nalang siya ngayon, kanina kasi umiiyak. He has a tissue in one of his hands. Pinupunasan nalang niya ang mga namumuong luha sa gilid ng mata niya bago pa ito bumagsak sa kanyang pisngi. "Kung kailangan mo ng magandang panghampas, willing talaga akong magpahiram ng gitara," he also said. Seryoso siya dun.
I remembered Jeonghan hyung. Niloko kasi siya dati nung ex niya tapos pinahiram ni Jihoon yung puti niyang gitara, pagbalik ni hyung...grabe, sa gitara ako naaawa hindi sa ex niya. Ang ganda ng gitarang yun tapos sinira lang. Hayss...ang yaman kasi ni Jihoon eh tsk. "Jihoon wala akong balak humiram ng gitara sayo kasi sayang," he chuckled.
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
Fanfic"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.