MC: Wonwoo the 5th

322 18 37
                                    

I never once thought of meeting the man of my dreams. Literal.

Palagi ko siyang napapanaginipan. Minsan masaya, madalas malungkot. Sa panaginip na yun, palagi akong umiiyak at hindi ko man alam kung anong dahilan kung bakit ako umiiyak, basta ang alam ko may kinalaman siya.

It all started when I got in highschool. I'm the so called prince of the campus. By the way, it's an all-boys school.

Habang tumatagal ang pananaginip ko tungkol sa lalaking yun, mas nalalaman ko yung istorya.

I was deaf and he was my first love. Bakla ako dun, shet. Hindi ako makapaniwalang ganun ako dun, pero hindi nakapagtataka dahil yung lalaking kasama ko palagi e talaga namang nakakabakla. Feeling ko lang, hindi ko naman kasi nakikita mukha niya eh, ni hindi man lang pinapakita kung anong pangalan niya. Basta ang alam ko may pangil siya pag tumatawa at maganda't sinlalim ng balon ang boses niya.

Damn hot. Damn tall and dark. Damn good-looking. And fucking wife-material. He can do anything. Mabait rin siya at may utak rin naman. Full package na. That's what the me in my dreams thinks. Though for me, I think he's an idiot. He hurt the me in my dreams. He kissed me, he hugged me, but he only told me once that he loves me. At nagkataon pa na wala nang pag-asa, wala nang maibabalik. Tapos na kasi, I even have a kid that time and I was freakin' surprised that me and my partner adopted one. Yes, my partner was a he. But I owe him, because he saved me from the darkness of that almost-perfect-guy-I-like. 'Di literal hah, figurative haha maitim kasi siya eh.

In my first day in highschool, came this man. Damn tall, was what came to my mind first, moreno rin siya. Abot na abot niya kasi ang pinto namin, for a freshman, he is tall. When he introduced himself, his voice felt nostalgic. Para bang narinig ko na ito ng maraming beses pero...hindi malalim. So I ignored it, but damn.

He stood tall, chin up and eyes fixed on me, it startled the hell out of me, seriously. He was unexpectedly good-looking. Hindi ko alam kung iiwas ba ako o makikipagstaring contest sa kanya eh. Maganda ang mga mata niya. Malalim at kulay brown, sa sobrang brown mukha ng black.

I am not usually like this. Bukod sa bansag nilang prince of the campus, meron pang isa. Ice princess. Tangina nga eh, bakit princess e lalaki ako? Tsaka ang korni nilang mag-isip ng pangalan. Well, inexplain nila at sabi ng kaibigan kong si Seokmin e kaya daw ice ay dahil ang lamig daw ng trato ko sa lahat at hindi manlang daw ako natatakot sa kahit sino. Isa pa, ang lamig daw ng titig at boses ko. Totoo naman. Hindi ako yung tipong nagpapanic sa mga bagay-bagay. At ano bang magagawa ko sa mata at boses ko, e ganito na siya eh. Pero kung ako ang tatanungin, ako yung tipo na wala talagang kibo at walang pake, hindi talaga ako nagpapakababa sa tao. Hindi ako naiintimidate, lalo na sa mga kaedad ko.

But what the fuck, I just did. By the stare of this tall dark  handsome man.

Pagtingin niya e sabay hagod siya ng buhok, ngiti at pakilala sa klase. And the strange thing was I found it pretty hot. Medyo umm...napalunok ako. "Hi, Kim Mingyu nga pala. Nice meeting you all." Pagpapakilala niya habang nakangiti ng napakalawak. Sa akin mismo.

Eto naman si ma'am, pinaupo sa tabi ko palibhasa absent yung mismong nakaupo. Nagsimula agad si ma'am ng lesson, ako naman nakinig agad, mabait kasi ako. For forty-five minutes naglesson kami. Hindi ko nalang siya pinansin kahit na medyo nadidistract ako sa pagpapaikot niya sa ballpoint pen niya sa pagitan ng mga daliri niya. Kahit ang simpleng pagpapapansin niya e hindi ko nalang binigyan ng tuon, ang laking epal eh.

"Okay, gets niyo na? Get one half crosswise, quiz tayo. Number your papers 1 to 5." She demanded. Ako naman itong kumuha agad sa bag. Grabe, first day palang quiz agad, walang awa si ma'am, no chill. Bigla namang may kumalabit sa akin habang nagpupunit ako ng papel na itinatago ko sa loob ng bag para walang manghingi. Madamot ako, ewan ko kung bakit. Siguro napagdamutan na ako dati or...nevermind.

Healing [MEANIE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon