Third Person's
"Um..." Wonwoo tilted his head. Nakakapagtaka kasi. "Hindi ka ba nagulat?" Tanong niya sa lalaking walang ekspresyon sa harap niya. Halos limang minuto na rin simula nung inamin na ni Wonwoo na bingi siya. At limang minuto na rin ng katahimikan.
Nahimasmasan naman si Mingyu nang talikuran siya ng nakakatanda at maglakad ito papalayo sa kanya. "U-Uy! Sandali!" Hinabol niya ito at hinablot ang braso nito. "Wonu! Wait lang naman," naghahabol siya ng hininga. Napahawak pa siya sa mga tuhod niya.
"Narinig mo ba ako kanina? Para kasing wala kang reaksyon eh," tanong niya kay Mingyu, tinaasan niya ng kilay si Mingyu na titig na titig sa kanya. Ngunit tinawanan lang siya ni Mingyu.
Dugeun.
"Narinig kita, nagulat rin ako." Napakamot siya sa ulo at sabay ngiti, sa sobrang ngiti ay pawang wala na siyang mata (feeling singkit dis boi). "Pero hindi mo naman kailangang isekreto yung ganun, tanggap pa rin naman kita kahit bingi ka man, atsaka ano naman kung bingi ka? Wala namang masama dun eh." lumapit siya ng kaunti at tumawa siya'y ulit.
Dugeun Dugeun.
"A-Ah. Sige bye," ganun lang, tinakbuhan na siya ni Wonwoo.
Luh, ano problema nun?
Dumiretso si Wonwoo pauwi matapos iwan si Mingyu. Hindi siya mapakali. Wonu, ano ba kasing ginawa mo. Pero good job, naamin mo na rin. Well done, Wonu, pagpuri niya sa sarili. Nakarating kaagad siya ng bahay. "Oh, kadadating mo lang ba, Beanie?" Tanong ng lalaking nakakatanda na nagiinit ng chicken broth.
"Hyung, hindi na ako bata. Huwag mo akong tawagin nun," sabi naman niya sa nakakatanda at umakyat siya ng hagdan. Ayaw na niyang makipag-usap dahil wala namang dapat pag-usapan.
"Hoy, Jeon Wonwoo, respetuhin mo si Jungkookie Hyungie~" page-aegyo nito. Di naman cute. Gwapo kasi-
"Tss. Kadiri ka, kumain ka nalang gutom lang yan," at tuluyan nang dumiretsyo si Wonwoo sa kwarto niya.
Tss. Cold kahit kailan. Isip ng kuya niya. Pero himala, nakangiti siya. Bakit na naman kaya? Napapadalas hah.
----
Mingyu's
Tae, nagalit ba yun sa akin? Bingi pala siya? Kaya pala nagpapanotes siya.
Pero paano naman niya ako naririnig kung bingi nga siya? Pinagtitripan niya ba ako?
Kanina pa ako tanong ng tanong sa sarili ko, pusang gala. Muntikan ko nang iprint sa sticker paper yung mga documents na pinapaprint sa akin sa pinagtatrabahuan ko na office.
"Oh, Mingyu. Nandito ka pa? Nine na ng gabi ah? Umuwi ka na kaya, diba tapos na ang shift mo?" Sabi ng manager ko na nasa 30 plus na ang edad pero gwapo pa rin, si Sir Joongki.
"Nako, ayos lang po, thrice a week na nga lang po ako dito at mataas ang sweldo, tapos hindi ko pa aayusin ang trabaho ko? Hindi po ako ganun. Maayos po akong magtrabaho." Pagpilit ko sa amo kong na maloko. Kasalukuyan na nagpo-photocopy ako ng mga listahan ng mga sales ng isang kumpanya.
Ang boss ko naman, nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Ako nalang ang natirang worker kasi nag overtime is me, masipag. Nag-iipon rin kasi ako for emergency purposes (galing ko na magenglish^_^)
Humigop ako nung mocha latte ni Sir. Wala talagang makakatalo sa mga timplang inumin ni Sir. Kakalunok ko lang nang bigla siyang magsalita, nakakagulat talaga to kahit kailan.
"Mingyu, may tanong ako sayo,"
Luh, nagpaalam pa si sir. Pwede naman niya akong diretsuhin. "Ano po yun?"
"Gusto mo dito ka na after college? Ikaw na ang magiging assistant ko. Assistant ka ng soon to be CEO, ano?" Halos mapanganga ako sa sinabi ni sir. Kahit kasi assistant lang parang sobrang taas na nun. May binanggit pa siyang sweldo kaya lalong nagliwanag ang mata ko. ANG TAAS KASI MASYADO PARA SA ASSISTANT.
"U-Umm..."
--------
Short update
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
Fanfiction"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.