Niga's
Pinaghintay nalang ako ng mama ni Wonu dun sa room ng cooking classroom. Wala akong magawa kaya naman tinititigan ko nalang mga tao dun habang nagmamasa sila ng dough.
....
Kaantok, geois.
Ang tagal naman ni Wonu.
Inopen ko yung phone ko, 3:32pm na wala pa rin siya.
Nakaupo ako ngayon sa may hagdanan, nakasandal ang ulo ko sa hawakan nung hagdan pero muntikan na akong mauntog kasi may tumabi sa akin, yung nanay ni Wonu. Yes, confirmedna mga bes.
Bigla nalang siyang nagstart magkwento tungkol sa anak niya.
Hindi raw gumagawa si Wonu dati ng assignments niya. Lagi nalang daw yun naglalaro ng computer games at hindi bumabangon sa higaan ng maaga. "...pero tingnan mo siya ngayon. Nagmature na siya mag-isip. Napaka laking introvert kasi ng anak ko, ikaw ang unang kaibigang pinapunta niya dito sa bahay," pagbanggit niya. Eh? Ako una? Buti pa siya, yung nanay niya nasa bahay lang.
Nakakamiss talaga si eomma.
"Huh? Ako po ba ang una?"
Tumango ang nanay niya. "Oo. Wala naman kasi siyang kaibigan madalas eh. Kalilipat lang namin dito kasi madalas siyang tuksuhin at layuan ng mga kaklase niya-" naputol ang nanay ni Wonu sa pagkukwento kung kailan maganda na yung pinatutunguhan ng kwento -__-
Andyan na kasi si Wonu.
Hinila niya ako papunta sa taas. Takte bes hindi ako handa ( = 3=)
Nilock niya ang pinto nang makapasok na kaming dalawa. Bakit niya nilock? Jusme, ano bang ginagawa naming dalawa dito sa kwarto...niya?
Kwarto niya ba to? Bat kulay pink.
"Nasabi ba sayo ni mama?" Tanong niya. Usual poker face -_-.
Imbes na sumagot, nagtanong lang rin ako. "Bakit ka tinutukso dati? Yun ang dahilan ng paglipat niyo, tama ba?" Natahimik ni Wonu.
Nyeta, takot ako pero bahala na kung magalit siya sakin.
"Woo, maiintindihan ko naman kung sabihin mo ang totoo eh," hinimas ko yung likod niya pero inalis niya ang kamay ko.
"Akin na phone ko," pagutos niya. Ibinigay ko naman. "Umalis ka na dito. Huwag mo muna akong itext o ichat. Kailangan kong mapag-isa."
Hindi ko alam pero tinake ko yun as a joke. "Eh? Bakit pala pink ang kwarto mo?"
Pero base sa ekspresyon niya, galit na ata siya, parang sinasabi niya 'bakit? Masama?' Kaya nagpaalam na ako. "Ang ganda ng kulay. Sige aalis na ako hehe,"
Dahil sa nangyari nung araw na yun, hindi na kami nag-usap ni Woo. Pero nagtetake pa rin ako ng notes para sa kanya at nitututor niya pa rin ako sa ingles. Lagi ring nasa bahay namin ang kuya niya, kwentuhan sila lagi ng kuya ko. Jusme mga hindi nauubusan ng kwento pAULIT ULIT SILA NG TOPIC.
Nandun sila sa baba, nagsasaya habang kami dito sa kwarto ko, may masamang aura na 'di ko maintindihan. Ang mga paguusap namin ni Wonwoo puro tungkol sa trabaho ko, kung hindi, about sa lunch kinabukasan. Kung hindi naman, tungkol sa pag-aaral at pagtututor niya. Hindi kami tulad ng dati na may mga biruan pa.
Nakakamiss lang.
Simula rin nun, madalas nang mag-absent si Wonwoo. Hindi naman ako makapunta sa bahay nila kasi baka mas lumala pa yung away namin. Nakakalungkot. Nilapitan ko si Bes kasi hindi ko na siya nakakausap pero waley, busy rin siya pati sina Vernon kaya lonely ako.
Ilang beses na akong nagsorry sa kanya at pinatawad na naman niya ako, pero hindi pa rin nawawala yung pagbabago na nangyari sa amin.
Isang araw nautusan akong dalhin ang homeworks para sa kanya dahil absent siya. Sa kasamaang palad, walang tao sa bahay nila kaya nilagay ko na lang sa mailbox yung papers na pinadala.
Ngayon, nakatulala ako sa kisame. Walang butiki, wala akong mabilang kaya mas nabore pa ako, ang bobo ko kasi eh, bakit ko pa siya pinush e ayaw na ayaw niya nga ang topic na yun.
KAURAT. WALA AKONG MAGAWA.
NADEDEPRESS NA AKO, PARANG ANG DARK NG FUTURE KO. DI KO MAIMAGINE SARILI KO NA NAGEENJOY SA HINAHARAP.
Nakatulala nalang talaga ako....
Ano kaya yung porn.
Bakit kaya bilog ang mundo.
Bakit tinawag na pink salmon yung salmon e orange yun
Dami kong naiisip puro walang kwenta. Kingina wala akong magawa dito.
Riiiing***
Biglang nagring yung phone ko at laking gulat ko nang makitang si Wonwoo yung tumatawag. Dali-dali akong tumayo. Sinagot ko kaagad oasi bAKIT KO IDEDECLINE E ANG TAGAL KO 'TONG HININTAY.
"Hello Wonwoo?"
----
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
Fanfiction"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.