Eighty-eight

374 26 84
                                    


Mingyu's

"Lintek-JEONGHAN BUMALIK KA!" I shouted. As loud as I can, dahil putek, iniwan niya ako sa gitna e hindi nga ako marunong magskate, pAULIT ULIT KO NG SINASABI AYAW NILA AKONG PAKINGGAN. Gumaganti ata sa mga ginawa ko sa kanila dati like being a douche bag, or being a jerk, an idiot, a liar or something na kasingkahulugan ng mga salitang iyan. "HOY!" I pretended to cry, there at the middle, standing still, then I heard a swish there and here. The swishing sound of the blade against the ice was made by Jisoo. Paano ko nalaman? Simple lang. Sa buong barkada kasi, siya lang ang bihirang magmura. "Fudge-" I heard him. Imbes na yung fuck ang sabihin niya, e yan ang pinapalit niya, siguro muntik na siyang madulas.

"Tara," he held my hands. Ah, laking pasasalamat ko talaga at kaibigan ko itong banal na 'to. Thank you, Jisoo. "Saan-uy wait baka matumba ako," I panicked, nanginginig ang mga tuhod ko kanina pa, shit lang. Bukod sa malamig, kinakabahan ako, takot akong matumba, masakit kaya yun (kahit hindi ko pa naeexperience, naiimagine ko lang). And mababasa ang damit ko. Panigurado pang mang-aasar ang mga iyon, which is truly annoying. Lalo na kapag yung pwet mo yung bumagsak (so yung pwetan mo lang ang basa), sasabihin nila mukha akong naihi. At hindi nila ako tumayo dahil mas mabigat ako sa kanila at baka mahila ko lang sila sa direksyon ko.

Hinila ako ni Jisoo, wala naman akong magawa kundi magpahila lang. Bigla siyang tumigil. "Aish, kasi napakastiff mo. Mali rin yung paa mo. Follow me. Steady lang Gyu," JUSKO PANO KITA MAFOFOLLOW E BULAG NGA AKO HINDI KITA NAKIKITA, isip ko. He started to skate again. "Yung paa mo, dapat nakaturo sa kung saang direksyon ka papunta. Bend your knees a bit too," I remember now kung bakit napakagaling niya magskate, he always do this in America. I remember him telling us how awesome winter is there, kahit saan daw e pwedeng magskate tuwing pasko. Wala daw bayad, hindi tulad dito.

Sinunod ko ang payo niya, nirelax ko ang paa ko (kahit nanginginig pa rin ako ng konti) tapos hinayaan ko siyang hilahin ako at ifollow yung direction ng paa ko sa direction na papunta siya instead of keeping it straight. It was cool. "Good." He kept telling me. He also tells me which direction he'll be curving to next. "Right tayo~ wheee~" I bended my knees so I could manage more and go maintain my balance, "Ayan, ganyan nga." he said in a happy tone. Nag-aalala lang ako baka may nagseselos haha. Manigas siya :P

Tumigil uli kami tapos nagpaliwanag uli siya. "Now, try pushing yourself as you skate with me. 90° dapat ang paa mo, yung lower foot mo ang ipangtutulak mo okay? Start with a small push." Ginawa ko ang sinabi niya and I did it a little well, pero nakakatakot pa rin. Hawak niya pa rin ako pero bigla niyang binitawan yung isa kong kamay, pinagawa niya ulit yun sa akin.

"Push a little har-" he paused. "Okay ang pangit pakinggan." Omg, was he about to say 'harder'??! Medyo natawa ako, tinakpan ko nalang ang bibig ko. "Stop Gyu, huwag mo akong tawanan baka gusto mong iwan rin kita sa gitna," sumeryoso ako ng mukha kahit deep inside natatawa pa rin ako. Hindi ko alam na marunong na palang mangblackmail ang manong namin na si Jisoo.

"Lakasan mo yung pagtulak sa sarili mo this time. Hindi naman yung sobrang lakas pero dapat mas malakas kaysa dun sa kanina." And so I did, but I fell on my knees. MASAKIT. "Jisoo, wala na akong pag-asa, hilahin mo nalang ako." I faked cry again as I joked. Buti nalang hindi pushy si Jisoo, sinunod niya lang ako saying a simple 'okay' after his funny chuckle. Somehow, I managed to get up.

After a few curves and skates, he stopped, medyo sumubsob pa ako sa kanya. "You sit here." Utos niya. It took me seconds, nagprocess pa kasi sa utak ko eh.

Saan ako uupo? Sa yelo?

Tinawanan niya ako, I guess I look dumber than I've imagined."Huwag kang mag-alala, may upuan." He assured and lead me. He pushed my shoulders down at laking pasasalamat ko na si Jisoo ito, kasi malamang kung iba, prinank na ako ng mga iyon. Nakahinga rin ng maluwag, I sighed in relief.

Healing [MEANIE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon