Two

868 47 2
                                    

Bes
active now

Bes: ano na? Okay ka na?

Bes: sigurado ako, sa detention room ka galing -___-

Gyu: Ehehehe

Gyu: pano mo nalaman?

Bes: gageu sanay na ako

Bes: UY MAAWA KA NAMAN SA RECORD MO, TWICE A WEEK KANG NADEDETENTION FOR THREE YEARS, BAWASAN MO NA NGA YANG BISYO MO!

Gyu: bes hindi kita nanay :---( you are no right to judging mine doing :----( ATSAKA MAAYOS KAYA AKO

Bes: ayang grammar mo, katibayan na lagi kang nagcucutting sa english last year at the other year, and the year before that :---( ngayon ba Physics naman ang trip mo??!?

Gyu: bes naman ;) makakapasa ako tiwala ka lang :))

Bes: Gyu, tago mo selpon mo dali

Bes: bye

Bes logged out

Gyu: ayoko makinig, maglalaro muna ako ng Farmville ;))djkde

-

Nahablot ang phone ni Mingyu and it made him groan in anger. Sinamaan siya ng tingin ng prof niya.

"Mr. Kim Mingyu, tatlong taon ka nang ganyan, hindi ka ba nagsasawa?"

Sir ganito talaga ako eh, 'di ako magsasawang titigan ang gwapo kong mukha, masama bang maging gwapo sir?

"Sir, hindi po kasi nakakasawa eh," nagtawanan ang ilan niyang kaklase. Namula ang teacher sa galit niya at madedetention na sana siya ulit. Pero buti nalang ay may kumatok sa pintuan na nang-agaw ng atensyon ng prof at ng iba pang tao sa room na iyon.

"Excuse me? Sir Shin?" Tanong nung lalaking nasa may pintuan.

"Bakit?" Tanong naman pabalik ng professor. Naglakad siya papunta roon at may kinuhang puting piraso ng papel na ibinigay ng lalaki sa may pinto.

Tinitigan lang sila ni Mingyu with an annoyed face.

Sayang, makakapaglaro na sana ako sa detention room eh. Tsk.

Hindi na namalayan ni Mingyu na tapos na pala mag-usap ang lalaki at ang prof nila, at kanina pa pala ito dumadaldal sa harapan.

Ang akala ni Mingyu ay walang kwentang lecture nanaman ang dinidiscuss niya, yun pala e ang nilalaman nung maliit na papel ang sinasabi niya.

Since his prof got his phone, he decided to listen, for the first time interesting ang topic.

"Okay, guys. May papakilala ako sa inyo." He gestured at the door.
May lalaking nakatayo roon, pero bago ba to?

Aba, may itsura. Isip ni Mingyu na nakahawak pa sa baba niya. Baka maagaw ang trono ko dito sa school bilang pinaka gwapo-

Nanlaki ang mata ni Mingyu.

ABA MAS GWAPO ATA TO AH!

Putspa lang Gyu -___-

At dahil sa college na ito hindi uso magpakilala, naglakad na siya sa upuan niya. At tanging sa tabi nalang ni Mingyu ang natitira, dun siya umupo.

Mingyu was gazing at him and was too...too mesmerized? Napatingin ang lalaki sa kanya at nginitian niya ito, para hindi awkward. Pero hindi manlang ito nagreact at tumango lang sa kanya.

Okay, that's a first.

Masungit, gwapo, at pacool. Yan ang first impressions ni Mingyu sa transferee. Cliché diba?

Okay let's skip Mingyu's drama.

Umuwi siya gamit ang sarili niyang motor na pamana pa ng lolo niya sa kanya. May sikreto si Mingyu na katulad ng mga nasa manga at animes. He has a job. He is a part-timer. Ito na ata ang pinaka malupit niyang sikreto dahil maski si Bes ay hindi ito alam.

And guess what. Today was a really bad day.

Hindi naman sa nasesante siya.

Wala na kasi siyang pangbayad sa utang nila sa bahay and he needs to do something about it because next week na ang deadline ayon sa bill. Nyeta
lang kasi yung kuya niya, kasalukuyan na nakikitira sa isa niyang kaklase dati, so hindi ito obligado sa pagbabayad. Tapos nanay naman niya nasa ibang lugar, pero hindi pa ito nagpapadala ng pera. To sum it up, siya lang ang nagbabayad sa lahat this month. Then next month, babalika ng kuya niya sa bahay at dun na titira habang ang nanay naman niya makakapagpadala na.

And for three days, he tried finding a job. Pero wala. Hindi siya natatanggap.

Siguro overqualified ako...

Then he remembered the bulletin board. Tama! He rushed at nakahinga siya nang maluwag nang makita na nandun pa rin ang post na iyon.

"Wanted: Note-taker. 4th year student." Yan lang ang kailangan niya at ang presyo na iyon.

Tinawagan niya kaagad ang number na nakasulat.

"Hello? Mag-aaply akong note-taker."

---

Healing [MEANIE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon