Forty-four

366 18 9
                                    


Mingyu's

Kanina pa ako kinukulit nitong si Jeonghan hah. Kanina pa kami pinagtitinginan ng lahat. Si Jisoo hyung nga ang sama ng tingin eh, pati yung mga boys na nagrequest sa kanya panay strike sa akin ng tingin.

"Gyu, sige na~" pagpapacute niya habang nakayakap sa braso ko na parang babae. Pumayag nalang ako. Ako muna daw magtrabaho sa shift niya dahil nananakit na ang likod niya.

Nagaayos lang ako ng mga pinggan na nahugasan na ni Wonu at Dino nang biglang may nagkukunwaring umuubo. Halata siya, halatang kunwari yung ubo niya.

"Ehem." Ani Cheol hyung na naghuhugas kuno ng kamay habang naghuhugas rin si Wonu sa kabilang lababo. Hindi ko siya pinansin. Pero lalo niyang nilakasan. "EHEM," pinanlakihan niya ako ng mata, para bang sinasabi niya, "Lagot ka, galit si Wonu," pero parang hindi naman kaya hinayaan ko lang pero shet.

Hindi manlang ako pinansin simula nun hanggang campfire. Iniwasan ako ni emo boi :"(.

"Campfire! Campfire! Campfire!" Maririnig mong sumisigaw ang tatlong bibe namin na sina Seungkwan, Dokyeom, at Soonyoung a.k.a. Hoshi ft Dino.

Kanina pa sila paikot-ikot na tatlo habang magkakakabit ang mga kamay nila sabay chant ng campfire. Kairita na pramis. Pero okay lang kasi tingin ko yun ang paraan nila para magsaya dahil mukhang sobrang napagod sila.
Hindi pa namin nasisindihan yung campfire. Magtatwilight pa lang kasi, so ako, si Cheol, si Wonu, pati yung kuya naming dalawa ay kumuha ng kahoy. Maraming kahoy na pang gatong sa apoy mamaya.

"Guys, penge akong lighter or posporo, pangsindi!" Sumigaw si Cheol na nakatingin sa amin na kanya-kanya lang ng ginagawa. Si Jun at Ming masayang nakaupo sa may log, si Jisoo at Jeonghan panay kwentuhan pa rin, sina kuya pumasok sa loob ng cottage hindi naman kasi namin sila kasama mamaya. Si Jihoon wala pa, naglalabas ata sa CR ng sama ng loob( if u know what dat means), si Wonu nagbabike sa buhanginan hindi pa rin ako pinapansin, tapos ako, tunganga lang at nakatingin kay Cheol na sinusubukang kunin ang atensyon ng lahat kaso walang nakikinig sa kanya. Kung nandito si Wonu, edi sana may kausap rin ako. Psh. Bakit kasi siya umiiwas?

"Hyung! Ako na kukuha baka merong natago si mama sa loob wait," nagvolunteer na ako. Nakakaawa sila, paano nalang kung wala ako diba? Okay lang naman sakin ;) basta sila.

Sinimulan kong maghalungkat sa kitchen namin, sa may cabinet pero wala. Sa kwarto ko rin wala. Humingi ako kina kuya pero waley. Hindi ko mahanap si mama, putcha. Si mama kasi ang may alam ng lahat ng tinatagong kayamanan namin dito sa cottage eh, ngayon pa siya nawala. Malamang kasama si tita.

Aish, sana meron sa tindahan.

Tumakbo ako papunta dun sa nag-iisang tindahan sa may beach na animo'y ginto ang binebenta. Kasi ba naman ang mahal ng lahat, yung softdrinks nila triple ang presyo kumpara sa ordinaryo. Tapos yung kendi nila, jusme ang laki ng minahal. Awtsu, buti pa presyo minamahal-

So ayun na nga. Umaasa na ako na malaki na naman ang mawawala sa nangangayayat kong wallet, pero...

"Ay, sorry po. Ubos na po ang tinda naming lighter at posporo."

O diba, tangina.

Napahilamos ako sa sobrang disappointment. "Saan pa po ba ako makakabili?" Tanong ko kay ate.

Nag-isip si ateng tindera. " Sa bayan po,"

"S-Sa bayan p-po?" Parang mali ata pagkakarinig ko kaya inulit ko pero SHIT, tama pala. Sa bayan. Sa hutaness na napakalayong bayan AT PAANO AKO PUPUNTA DUN KUNG YUNG COASTER NA SINAKYAN NAMIN UMUWI MUNA TAPOS WALANG MOTOR O KOTSE DOON NA PWEDENG MAHIRAM DIBA.

Healing [MEANIE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon