Mingyu's
I am pushing him away. Kailangan niyang lumayo. Kailangan ko ring lumayo ngayon na, kundi mas mahihirapan ako kapag bukas ko pa ginawa. Hindi ko na rin kayang makita yung pag-iyak niya ng ganito. Bukas pa sana ako hihiwalay kaso...mas mahirap.
Para siyang lantang bulaklak.
Mingyu, gago ka. Sabi ko sa sarili ko.
Ang tanga mo, Kim Mingyu.
Oo alam ko naman.
Sinaktan mo siya, sinaktan mo siya gamit yung mga sinabi mo na ayaw niyang marinig lalo na kung galing sayo.
Oo, alam ko naman rin.
Pero bakit mo ginawa? Napatanong ako sa sarili ko. Bakit nga ba?
Yung Wonu na minsan lang umiyak, humahagulgol na parang bata ngayon sa harap ko. He was busy wiping his tears with his hands.
Shit!!! Mingyu shit ka!1! Mamatay ka na gageu! Disbdowhdehsijs.
Wala akong choice kundi sagutin ang huli niyang tanong. "...simula palang," shit "...ayoko na sayo..."
Pinaiyak ko siya. Nakikita ko kung gaano ko siya nasaktan. Tangina naman kasi eh ang bobo ko, UGH.
Kanina ko pa tinitiis ang mga luha ko. Hindi ko naman kasi alam na ganun pala ang tingin niya sakin. Na naging rason niya ako para maging kung ano siya ngayon...tapos nagopen pa siya sakin kanina. Nakakahiya ako. Nahihiya ako sa sarili ko. How could I make this innocent, lovely, beautiful person cry? Sino ako para gawin yun sa kanya?
Sa totoo lang, nung nagoopen siya tungkol sa past niya, sa pagiwan sa kanya ng mga tao, ng mga magulang niya, maging ni kuya Jungkook, gusto ko talaga silang sugurin at sabihin sa mga pagmumukha kung gaano kagandang nilalang si Wonu. Kung gaano siya kahalaga. At nahihiya rin ako sa sarili ko kasi magiging isa na ako sa mga taong nang-iwan sa kanya.
Si Wonu, mabait siyang tao. Mapagkakatiwalaan. Mukhang masungit pero...hindi yun. He is innocent, he likes cats. Nung nawala niya yung notebook ko, nalate siya kakahanap kaya masasabi kong may mabuti talaga siyang puso. I even gave him another notebook.
Matalino siya at masipag mag-aral. Kahit pilit siyang ibinababa ng mga tao, nananatili siyang matatag. He has the spirit. He is really frank and a tsundere sometimes.
He doesn't laugh or cry often. He doesn't want to go to a place with many people pero minsan napipilitan na rin siya and I think nasanay na siya ng tuluyan. He doesn't eat seafood often, allergic siya sa ibang seafood eh. He cusses at times. He always write rap lyrics and read books. Mahilig siya magbihis ng maganda. May pangarap siya sa buhay hindi tulad ng iba.
Kahit sobrang hirap ng buhay niya at bilang lang ang mga taong totoo sa kanya, he knows how to forgive, he knows how to get up every time he falls. He knows how to smile despite all failures and problems he is facing. He knows well how to handle them. Nagaadvice pa nga siya eh.
Gwapo si Wonu, may ipagmamalaki siya, hindi siya hambog, hindi siya pabigat, masaya siyang kasama, madaldal talaga siya hindi lang halata, karapat-dapat mahalin ng mga tao, maliban sakin.
Wonu is almost perfect. Galing ko na magingles noh? Siya rin nagturo sakin. He is a good teacher. Generous pati, mapagbigay at humble. He is corny, but that's one reason I like him. He gets angry and often teases me, but I like that side of him very much and I think it's cute.
Mahal na mahal ko siya. Kaibigan, classmate man, o romantic. Mahal ko siya. Kaya bilang isang taong may paki sa kanya, bilang isang kaibigan na ayaw siyang masaktan ng iba, bilang isang Kim Mingyu na mahal na mahal siya, lulubayan ko siya gaya ng gusto ni Somi.
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
Fanfikce"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.