Third Person'sNaglalakad si Mingyu sa hallway ngayon, dala niya ang wallet niya tsaka notebook. Excited si Memegyu, pero bago siya dumiretso sa klase ni Wonu e pumunta muna siya ng restroom para magpagwapo.
Wisik-wisik ng konti sa buhok, ayos ng konti ng buhok, mumog, check kung may tinga, ayos ng uniform kasi uniform day nila ngayon.
Then pose.
Ayos, gwapo mo talaga Gyu. Mabango na rin hininga mo thanks to mint.
Pagcocompliment niya sa sarili.
Nang nasiguro na niyang okay na siya, tumakbo agad siya papunta sa classroom ni Wonu. Nang nakarating na siya sa bandang pinto, saka lang niya napansin na...
Bakit walang tao?
Walang tao sa classroom.
He tried to contact Wonwoo. Unfortunately, he is out of reach. Agad siyang nagtanong sa babaeng dumaan.
"Ate, may kilala ka bang Jeon Wonwoo?" Pero umiling si ate. Napagdesisyunan na lang niya na dumiretso ng cafeteria. Baka nga naman kasi nandun lang si Wonu.
-
Wonu's"Ano? Hindi ka pa rin magsasalita? Aba," sigaw ng lalaking mukhang langaw na may hawak ng polo ko. "PARE PIGILAN MO AKO MASASAPAK KO TALAGA 'TONG MOKONG NA 'TO!" Sigaw niya dun sa isa pang lalaki na kasama niya na nanonood lang.
Sino kaya mas mukhang mokong sa aming dalawa? Tch.
"U-Uy, Hoya. Easy ka lang. Hindi ka naman niya inaano eh," pagpapakalma pa ng isang lalaki na gwapo. "Sungjong, pakalmahin mo nga yang si Hoya," bulong niya dun sa mukhang babae.
Agad naman na lumapit si kuyang mukhang babae samin, maamo mukha niya. Blonde buhok, lagpas ng konti sa tenga. Mapayat rin siya, mukhang babae.
"H-Hoya, natapakan ka lang naman eh. M-Malelate na tayo sa last sub-"
"MAGSASALITA KA O MAGSASALITA KA?!" sigaw ni Hoya. Aba bastos, hindi siya nakinig sa kasama niya. Bumalik nalang si Sungjong sa tabi nung lalaking gwapo. "Uy, hindi kaya ng powers ko pakalmahin si Hoya ngayon. Ikaw na uy," siniko-siko niya yung gwapo.
"Magsorry ka ngayon na," pilit na pinakalma ni Hoya ang sarili niya habang nagpapatayan kami sa titigan. Masam titig niya, ganun rin ako.
"Magsorry ka na kuya please late na kami," bulong saakin nung lalaking gwapo.
Pero bakit naman ako magsosorry kung wala naman akong ginawang masama sa kanya? Siya nga itong tanga na hindi tumitingin sa dinadaanan eh.
"Tabi jan Myungsoo," he clenched his fist. I know where this is going so instead of struggling and making myself tired, I closed my eyes. Alam ko namang sasapakin niya ako eh. But nothing landed on my face. I slowly opened my eyes to see a familiar back. It was Mingyu's.
Tinitigan niya ng masama yung Hoya at inikot yung kamay niya. Tumunog pa ito. Tumakbo yung dalawa niya pang kasama. Dun ko lang napagtanto na ang tangkad pala talaga ni Mingyu.
Nakakatakot rin siya kapag galit. Hindi ko alam kung ano ang pinapakitang ekspresyon ng mukha ko.
Pinakawalan niya kaagad yung lalaki, kumaripas siya ng takbo. Naiwan kami ni Mingyu. Hinatak niya ako pababa ng hagdan at ako naman, nagpahila lang sa kanya.
Pumunta kami sa may fountain. Pagkadating namin, binitiwan niya kaagad ako.
"Ano nalang ang mangyayari kung hindi kita nahanap? Edi nagkapasa ka pa jan sa mukha mo?" Naiinis niyang sabi. Kahit hindi ako nakatingin aa kanya, ramdam ko na nakakunot ang noo niya ngayon habang nakapamewang. Para siyang nanay.
"...I'm sorry, pinagalala pa kita," humingi ako ng tawad sa kanya. I don't want him disappointed in me, that is. "Ayoko lang naman na mapaaway, kaya hindi ako nagsasalita. Baka kung ano lang rin kasi ang masabi-" nagpapaliwanag ako pero bigla niya akong niyakap. At ewan ko ba, nagbago bigla isip ko na sabihin sa kanya ang kalagayan ko.
"Huwag ka kasing lumabas ng classroom nang hindi nagpapaalam, alalang-alala ako sayo alam mo ba yon? Kala ko iniwan mo na ako, sana nagsabi ka manlang na aalis ka sa loob ng classroom mo..." banggit niya. Ramdam ko yung lambot sa boses niya, mukhang nagalala nga ang taong 'to.
Im gonna tell him after all.
"Mingyu...sorry. Hindi na mauulit. Pangako yan. Nauhaw lang naman ako kanina kaya dapat aalis muna ako, ang tagal mo kasi eh, tsaka pwede ba bitiwan mo na nga ako, hindi ako makahinga," natawa naman siya. He chuckled.
"Hehehe....sorry na. Ano ba sasabihin mo sa akin?" He asked me.
Takte, wala nang urungan 'to. I'm gonna tell him.
"A-Ano,"
Kinakabahan ako.
"Ano?"
"A-Ano kasi..."
"Ano ba yun," tumawa si Gyu. Makakatawa pa kaya siya pag nalaman niya? Tanggap niya kaya ako? Di kaya niya ko iiwan?
Ang daming bumabagabag sa isip ko, pucha.
Nanginginig na ang kamay ko na nakapatong lang sa bench na inuupuan ko.
Nanlalamig ata kamay ko na ewan.
Hinawakan yun ni Gyu. "Nanginginig ka na naman? Kinakabahan ka ba? Relax lang," payo niya.
Paano ako magrerelax kung alam kong magagalit ka sa akin...tapos iiwan mo na rin ako. Maaawa ka rin sakin.
Bahala na. Kailangan na niyang malaman.
I heaved a deep breath and spilled it.
Good bye, to his trust in me.
"Gyu, I'm deaf. Bingi ako."
Yan na, nasabi ko na Kwan. Nasabi ko na...
Time for him to leave my life...time to leave his side. It's time already. Deadline na. Its finished. Damn, what is this cracking sound inside my chest?
---
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
Fanfic"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.