Legends
Wonu- italized
Mingyu- normalNote:
Sa isang paragraph, may main POV. Salit-salitan iyan. Unang POV si Wonu then next is Gyu tapos si Wonu ulit then blah blah blah. You can read all of Wonu's POV first or vice versa, pwede rin basahin niyo ng isang bagsak, yung as is kaso baka may maguluhan huehue pinaghirapan ko 'tong isulat ng halos 8 days. Durog na utak ko hahaha. Sana magustuhan niyo.
-------"Dokyeom matagal ka pa ba?" I asked him. Kanina pa ako nandito sa sala, bang bagal kumilos ni Seokmin. Jusme. May dadaanan pa kami. "Wait lang, Woo! May call pa ako galing kay hyung- hello?" At ayun na nga, naghintay ulit ako. Nakakatamad na, sayang yung kafreshan ko kanina. Dugyot na naman ako nito, ang tagal tsk.
Ang tagal mag gabi. Reunion nila ngayon. Kanina pa ako naglalakad dito kaya napagod ata ang paa ko, napagdesisyunan ko na maupo muna dahil malapit na naman akong makarating sa park, buti nalang kabisado ko pa rin itong lugar na ito. Three months na simula nung sinundo ako ni Vernon sa airport pagkatapos kong pumunta ng America for 4 years. Okay naman, ganun pa rin lahat except for me. Biglang nagvibrate yung phone ko, someone's calling. Si Vernon. I answered my phone. "Hello, Vernon? Ano paalis ka na ba? Nasaan ka?" I asked him. Nagtagal ang tawagan namin.
"Nasa kotse na kami hyung, paalis palang kami ni Woo. Sorry talaga baka malate kami!" I heard the idiot exclaimed. Kausap niya ngayon si Seungcheol hyung. At oo nasa kotse na kami. "Sige hyung, bye." He ended the call at tahimik na nagdrive papuntang school.
"Bye na, ingat ka. Baka pagalitan ka na naman ni Seungkwan." Tinapos ko na rin ang tawag. As usual, namilit siya. Pinapapunta niya kasi ako, kaso hindi pwede dahil ayokong humarap kina Wonwoo. I know everything will just be ruined if I see him again or even heard his voice. Alam kong masasaktan lang rin ako dahil babalik na naman feelings ko para sa kanya, and I don't want to ruin him and DK. Masaya na sila. 'Eh ikaw, masaya ka ba?' Paulit-ulit 'yan nagrereplay sa utak ko. Tanginang Hansol. Tuwing sasabihin ko sa kanya na 'ayoko, masaya na sila' He keeps on replying with that. Well, I won't lie. Hindi ako masaya as of now.
Ewan ko ba, hindi mawala-wala ang ngiti ko kahit badtrip ako kanina pa."Mukhang ang saya mo, nakangiti ka na naman," the idiot said, kanina pa siya nagnanakaw ng tingin. Biglang prumeno yung nasa harap namin na kotse."Nako Seokmin, kapag tayo nabangga!" Napasigaw ako dahil nabusinahan kami nung nasa likod namin, muntikan nang mabangga yung likuran namin, peRO YUNG NASA HARAP KAYA NAMIN ANG MAY KASALANAN. Kundi siya nagpreno edi sana hindi nabigla si Seokmin. Pero si Seokmin kasi hindi nakatutok sa pagddrive eh. "Sus, hindi 'yan." Sabi niya pa pagkatapos ng nangyari. Hindi daw, eh muntikan na nga ngayon-ngayon lang. Bwisit. "Namo ka. Magdrive ka ng maayos dahil naghihintay sila satin." I said to him. Pero parang hindi naman siya nakikinig. "Huy!" I tapped his lap, nakatulala kasi sakin eh. "Seokmin! Naka-go sign na!" I groaned. Kinurot ko siya. "Ah, oo nga. Sorry, ang cute mo kasi kapag napapanic hehehe," ...tss. Cute mo mukha mo. " Gago.Ewan ko sa'yo." Hindi ko maiwasang mapangiti kaya tumingin nalang ako sa may side-mirror. I said to myself, Ang swerte ko sa gagong 'to. I'm so lucky to have him."Woo, pansin ko may regalo ka, sinong may birthday?" Tanong niya sa akin dahilan para mapatingin ako sa hawak kong regalo. "Wala 'to." Teka, bakit ko ba dinala ito? Wala naman siya dun, tsk. Umaasa na naman ata ako, hanggang ngayon.
"...okay lang iyan Ahjussi." Sabi sakin nung isang bata....mukhang umiiyak siya, o baka sinisipon lang? Ewan ko ba. Nagulat nalang rin ako dahil may katabi pala ako. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya pabalik dahil hindi ko talaga siya nagets. Biglang napansin ko kung gaano katahimik sa park. Wala na yung maiingay na bata kanina, ang tanging naririnig ngayon yung mga bike o sasakyan na dumadaan. Ramdam ko rin na lumalamig na ang hangin, hudyat na mag gagabi na. "Bakit po ba ang lungkot ng mukha niyo...tapos nakashades po kayo kahit hapon na..." muntik na akong matawa, siguto ang weird kong tingnan. "Ah, kasi bulag na si Ahjussi kaya nagsheshades siya ng hapon, pero...h-hindi naman ako malungkot, masaya nga ako eh!" I tried to sound as jolly as possible. "...buti po kayo hindi tinatawag na b-bakla...okaya binabato ng mga kaklase kasi mahina at saka hindi lumalaban...pero mas masaklap po pala kayo kasi hindi niyo nakikita ang p-paligid...but still" he stuttered then I heard his silent sobs. Luh siya. "...sinusunod ko lang naman po yung tinuro sa akin nung nagpalaki sa akin eh...Ahjussi, t-tama naman pong sumunod sa magulang, hindi ba?" Niyakap niya ako bigla. Kung sino mang magulang nito, napakaswerte nila. Pero grabe naman! Ang bata-bata pa, binubully na?! Base sa boses niya mukhang nasa seven o eight years old siya."Sinong nagsabing bakla ka, hah? Susuntukin na ba natin? Lalaki ka kaya! Ang tunay na lalaki, umiiyak!" Sabi ko para mapagaan ang loob niya saka hinagod ang likod niya."A-Ahjussi! Okay lang po ako! No need for revenge, ahjussi. Sabi ng Appa ko, masamang maghiganti, it's better to love your enemies than despise them," ANG BAIT NA BATA NITO. Pero huta, ineglish ako. Naalala ko siya bigla.
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
Fanfiction"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.