SC: Start

365 19 42
                                    


NOTE:

CAN U HEAR ME SCREAMING LIKE SKSBDKSND FOK ANG KYOT KASI NI MEMENGYU SA MM POTUGHTO- kbye.

-----

"'Ma, sure kang bago yung ilaw sa lampshade ko? " Mingyu asked as he carefully mince some garlic and cube some onions for their lunch. Kasama niya ang nanay niya na magprepare ng ingredients. "Alam mo ang kulit mo rin eh," Winisikan siya nito ng tubig sa bandang mukha na agad namang hinarangan ni Mingyu ng chopping board (kahit hindi naman siya natago nito). "Sabi nang bago eh, kapapalit lang ng kuya mo no'n."

"Eh kasi naman 'ma, hindi ko na makita mga sinusulat ko tuwing gabi, ang labo-labo naman ng binili niyong ilaw. Ano ba yun, peke?" he complained. Nagkunwari pa itong nagdadabog.

"Yan kasi. Siguro naapektuhan yang utak mo nung nadulas ka bago ka pa makapasok sa loob ng court," his mother joked. Kamakailan kasi e nadulas si Gyu at nahimatay nung tumama ang ulo niya sa sahig bago pa makapaglaro ng basketball kasama sina Seungcheol. She was just joking, pero biglang napaisip si Mingyu. Baka naapektuhan talaga utak ko?

"Eomma, huwag ka namang manakot! May tililing na nga si kuya, tapos isusunod mo pa ako- ARAY!" he exclaimed after his mother poked his head with a spatula. "Napakasama mo rin sa kuya mo ano? Huwag kang mag-alala, hindi ka matutulad sa kanya kasi dati ka ng ganyan." Mingyu gave her a pout, agad namang sinangsangan ng nanay niya ng bawang ang bunganga niya. "Pwe! 'Ma kadiri ka!" He removed it from his tongue. Ugh, ang pangit ng lasa.

"Sus, makapagsalita kala mo naman ang linis mo. Pinapahid mo nga sa iba yang kamay mo na binahingan mo eh," nanlaki ang mata ni Gyu. PAANO NIYA NALAMAN?! But, oh well. "At least may pinagmanahan pala ako, alam ko na ngayon na hindi ako ampon," he smiled at his mom with victory showing on his face. All these years kasi e sinasabihan siya ng kuya at nanay niya ng ampon because he has a dark skin and he is exceptionally tall, but all of them knows that's just the way family jokes with each other.

Ginisa ng nanay niya ang sibuyas, kamatis at bawang. Mingyu cut the vegetables but as he was silently cutting it, his mother interrupted. " 'Nga pala, yung ninang mo nakita ko kanina pagbili ko ng gulay. Sabi niya ang snob mo daw kahit hindi ka naman ganon, care to explain?" Mingyu was confused, what the heck is his mother saying? Agad na nagsalita anb nanay niya bagonpa siya makapagtanong. "Um, kasi nakita ka daw niya sa plaza kahapon, bumili ka daw ng duyan, at kinawayan ka pa daw niya pero hindi mo daw siya pinansin kahit tumingin ka sa direksyon niya," his mother explained. Pinilit alalahanin ni Mingyu.

Oo, pumunta siya ng plaza kahapon. Oo, bumili siya ng duyan (na para sa Christmas lighting event). But he clearly remembers that no one waved at him. Wala siyang nakasalubong na ninang sa plaza.

"Luh siya. Baka kamukha ko lang nakita ni ninang okaya baka sa sobrang gwapo ng anak niyong ito e naghahallucinate na si-" he was still boasting when his mother hit him with the spoon she's holding. Napahawak si Mingyu sa kanyang braso dahil sa lakas ng pagkakahampas nito sa kanya. "Alam mo 'ma, irereport na kita, child abuse ka po," he threatened her and pouted at her. His mother imitated him.

"Psh, bakit child ka ba? Alam kong maliit yang ano mo pero hindi ka na child," pang-aasar pa ng nanay niya. She stick out her tongue, pahabol lang. They were like children. Namula si Mingyu dahil sa topic. "YAH! HINDI YAN TOTOO 'MA! ABOVE AVERAGE AKO-AISH AYOKO NA NGA, TUTUNGANGA NALANG ULI AKO SA TAAS-" Once again, he was hitted, by a fork this time.

"Hep, huwag mong tatakasan ang gawain mo boy, baka gusto mong magutom ngayong araw." She threatened him. Ugh, si eomma talaga. She's really good at handling him.

Healing [MEANIE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon