Masakit. Yan ang unang salita na pumasok sa ulo ni Mingyu. Parang naparalisa siya sa sobrang sakit ng buong katawan. It was like something's choking him. Para rin siyang nabugbog ng isang grupo ng yakuza, he couldn't move his body, masyado siyang nanghihina.
Nakakarinig siya ng maraming ingay pero hindi claro ang mga ito. Tunog ng ambulansya, tunog ng mga boses ng tao na nakapaligid sa kanya, tunog ng mga yapak ng nagbubuhat sa kanya, at tunog ng sarili niyang paghinga at ang pagtibok ng puso niyang nagsisilbing basehan na buhay pa siya. He slowly closed his eyes as he felt himself drifting into a deep sleep. He smiled despite the pain, ngumiti siya sa kabila ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa paligid niya na hindi niya alam kung ano. Ngumiti siya na para bang ito na ang huling pagkakataon.
He dreamt of something. Ito ba yung nagfaflashback lahat bago ka mamatay? He asked himself, laughing sarcastically inside. Everything was black though, he was only hearing voices.
"You're hired." Yeah...that was when he became a note-taker. Kahit na boses lang at two words lang ang sinabi nito, alam na alam niyang si Wonu iyon. And then he internally giggled when he remembered how he has mistaken it for another word. Pfft.
"Kim Mingyu, gumising ka, kilala mo ba ako? Hey!" A woman said this time. Parang kilala ko 'to ah...Somi? He guessed. The woman was followed by another one."Kim Mingyu...h-hindi mo ba ako maalala?" It was a man this time."Gyu..." His voice echoed in his head and he felt his arms being held. Sino 'to? Bakit-
Then an image formed. He was lying in a hospital bed, his eyes were closed. "Hoy Nog, huwag mo naman akong kalimutan! Kaming lahat! Yung promise ko, nakalimutan mo na ba?" Niyuyugyog siya nito pero hindi siya nagigising.
So weird, that he thought it was real and he woke up. He opened his eyes, panting. Basa ang likod, sinusubukang alalahanin ang lahat kahit hindi niya kaya. Yung huli lang ang natatandaan niya. Na nasa ospital siya at nakahiga, just like now.
Pagkamulat niya ng mata niya e naramdaman niya kaagad ang sakit ng ulo niya. Kinapa niya ang pader para mahanap ang emergency button, napindot naman niya ito pero natumba siya mula sa kinaroroonan. The next thing he knew was he's on the ground.
He hit his head hard on the floor. Naramdaman niya ang pag agos ng dugo niya mula sa ulo papunta sa lapag, binabasa nito ang buhok niya. Sa kawalan ng lakas e hindi siya makakilos. That time he couldn't hear anything but a long loud beep sound, just like in the movies. He was slowly losing his consciousness when a nurse and a doctor came in, shouting out loud and their faces were in a panic. Everything was in slow motion.
Para siyang nasa ilalim ng tubig habang nakikinig sa kanila. Konti nalang e pipikit na siya, pero nagising siyang muli nang namalayan niya na sinasampal-sampal na siya ng nurse para hindi makatulog. Unti-unting luminaw rin ang kanyang pandinig."...ir...SIR! HUWAG KAYONG PIPIKIT!" she said in a loud voice. Saktong dumating ang iba pang nurse para iakyat siyang muli sa higaan at dalhin sa ER ng ospital dahil sa walang tigil na pagdugo ng ulo niya. Habang nasa daan e tinatanong siya ng nurse kanina. "Sir, may naaalala po ba kayo? Relatives? Mga mahal mo sa buhay? Yung aksidente?" Sunod-sunod na tanong niya.
Dahil sa panghihina, nung una e hindi lumabas ang boses niya. It was cracking. Ilang araw na ba ako dito? "J-Jeon...Wonwoo, Kim T-Taehyung...." he answered the nurse with dead eyes and hoarse voice. "Si Eomma, si Kookie.. n-nasan siya...sila?" Nagpanic siya bigla. Hinawakan niya ang kamay ng isang nurse doon na nagtutulak ng higaan niya, tinatanong kung nasan ba sila. "Sir, wala po kaming alam jan. Pero papunta na po ang mga kamag-anak niyo dito... sila po ang magsasabi sa inyo." He heard a nurse said before entering the ER and losing his consciousness again.
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
Fanfiction"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.