"And that's Shape of You by Ed Sheeran."Wala akong balak matulog kahit antok na antok na ako. In a few minutes, birthday ko na and in 48 hours, it'll be over-- this happiness I've been feeling for the past weeks. Babalik na kami.
"Time check, it's eleven fourty-two! Let's end this night with a song we're all unfamiliar of from the last segment of the day, Hear Me Out, Pabo~" Said the operator cheerfully tapos may epic na insert song. Ewan ko kung anong station ito.
Nahawakan ko lang kasi yung radyo kanina by accident nung may hinahanap ako sa toolbox ni kuya na screwdriver, hindi ko alam na buhay pa pala yung radyo na niregalo sa akin ni kuya nung eleven years old ako dahil pangarap kong maging operator ng mga programa sa ganito. It was my favorite. Maliit lang ito, kaya madaling dalhin kung saan-saan. Whenever I feel lonely, nakikinig lang ako dito okaya naman sasalangan ko ng cassette.
Imbes na alisin yung screw sa picture frame na inutos ni mama e pinakialaman ko nalang yung radyo ko. I randomly selected a station and listened to different songs until the evening came, pero dahil gabi na nga, tinamad ako maglipat at dito ako napunta.
"For listeners na first time makinig, this segment is where we pick random compositions from senders and play it kasama ng message na iniwan nila in hope na maisend dun sa certain na tao, kung kanino man nila dinedicate, ang mensahe na gusto nilang sabihin. In short, kung gusto mo magparinig, gusto mong maglabas ng sama ng loob, naiinis ka dahil ayaw kang pakinggan, blinock ka ng tuluyan sa buhay niya, o kung ano mang dahilan, this segment gives you a second chance para marinig ka niya, hopefully."
Bigla akong nabuhayan.May ganito pa palang mga programa sa radyo? Kala ko wala na kasi konti nalang ang nakikinig kaya walang magrerequest sa kanila. At ngayon, 'pag nakikinig ka sa radyo, parang naiwan ka na ng society.
Mas lalo pa akong nakinig kasi nakakapukaw ng atensyon yung mga ganitong segment ng radyo, yung may kwento... minsan kasi nakakarelate ako."So as usual, makikinig tayo ng isang kanta na ginawa mystery sender natin for today. It's from 'First'. Babae ba ito o lalaki? Anyways, I'll read his or her message first na ginawa niya para sa programa, just like usual." she cleared her throat and started reading.
" 'Hello Sanha,' well, hello rin sa'yo sender.'Ngayon ko lang po nadiscover ang program niyo na Hear Me Out Pabo. Kahit na matagal na akong nakikinig, hindi po ako umaabot ng alas dose, it's because I always sleep early or busy sa work. Anyways, when I learned about it, I sended the record of the song composed by us immediately, nagbabakasakali lang na marinig niya, dalawa kami na nagcompose. Ako at yung kaibigan ko na minahal ko, hindi ko na kasi alam kung nasan siya and birthday niya tomorrow' Woah! Kakaiba ngayon ang sender natin," she exclaimed. Natawa naman ako, ewan ko kung bakit.
"Kung dati puros mura ang mga sinusulat ng sender para sa mga ex nila, ito iba. This letter is like, pure, galing sa isang kaibigan, I wonder what makes this kaibigan a Pabo-OH SABI NIYA PALA KANINA MINAHAL NIYA DAW. Okay ituloy natin ang pagbabasa, 'Anyways, Sanha, salamat sa oportunidad, sana magtagal ang program niyo at sana marami kayong matulungan gaya ko, kasi gaya ng sinasabi niyo gabi-gabi, I'm someone who's been blocked by the person I loved for years at gusto ko talagang marinig niya ako.' Aww, isa na namang wasak na puso, mga listeners. Kaya pala eh, grabe naman yung blocked for years." She commented. The way she talks is kinda funny. Pero grabe nga, blocked for years. Lol.
"Mystery sender, kung nakikinig ka man, saludo ako sayo. Hindi ko kaya na mablock ng isang tao na mahal ko at magstay na matino. Siguro nabaliw na ako kung ikaw e ako. Ehem. Last sentence. 'Hwaiting! Ps. Your voice is so pretty, noona. Me and my son like it very much.' She finished reading.
BINABASA MO ANG
Healing [MEANIE]
Fanfiction"Ano sikreto mo!?" In which Mingyu became a note-taker of a client named, Jeon Wonwoo.