Performance Brothers
By: Neri Joy Jayson
Chapter One
Maswerte raw ang isang tao kapag ipinanganak siyang may itsura na, mayaman at talentado pa. Ang sabi ng Pineda Brothers dyan, hindi sila swerte. Pinagpala sila. It runs with their blood. Ganun daw talaga. Kapag nagpaulan ang Diyos ng blessings, aba maligo ka. Wag magkulong sa bahay. Kuhanin mo lahat.
Arwynn and Ardel, sons of the popular hotelier in the country, Arwynn Pineda Sr. Ang ama nila'y minsang naging hottest bachelor in town. Hindi lang kilala sa industriya dahil sa yaman nito pero mas maugong ang pangalan dahil sa dami ng babaeng nahumaling dito. Ang katotohana'y magkaiba ang ina nila Arwynn Jr. at Ardel. Magkaiba pero magkapatid din. Tiyahin nila ang ina ng bawat isa. Ang ina ni Ardel. ay si Araceli, ang unang naging nobya ni Senior ngunit hindi nito forever. Ang kapatid ni Araceli na si Lyndel ang napangasawa ni Senior at ina ni Arwynn Jr. Limang taon ang agwat ng magkapatid. Hindi na issue sa kanila ang past ng kanilang pamilya. They were raised as good and with class individuals. Kung anuman ang pinagdaanan ng kanilang mga ugat ay bahagi nalang ng mas makulay pang kwento ng mga bunga.
Ardel Pineda-ang panganay sa Pineda brothers. Twenty eight years old. Graduate ng Business Administration sa University of the Philippines. Tagapamahala ng mga hotel nila sa Kamaynilaan. Nagmana sa ama niyang laging seryoso ang mukha pati na rin sa trabaho. He has defined jawline. Matangos na ilong. Maputi at makinis na kutis. Matangkad. Laging clean cut ang gupit. Bagay na bagay for a perfectionist and passionate man like him.
Golf at boxing ang kanyang paboritong sports na kadalasa'y tuwing Sabado niya nagagawa. Once a week man kung magehersisyo ay napapanatili pa rin niya ang magandang pangangatawan dahil na rin sa balance and healthy living niya pagdating sa pagkain at stress management. Slim fit siya. Bagay na bagay sa kanya ang mga slim fit na corporate attire na nagpapalingon sa sinumang babaeng kanyang makasalubong. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na 'Mr. Bakat' ang tawag sa kanya ng mga empleyado sa building. Eh ano'ng magagawa niya, slim fit slacks ang office fashion niya at talagang natural na malaki at babakat ang kanyang down under.
Anuman ang bumakat kay Ardel ay hanggang pantasya nalang sila dahil in a relationship na ang lalaki. Si Sarah Jane Merciales ang mapalad na babae, isang sikat na dermatologist sa bansa.
.....
Samantala, si Arwynn Pineda Jr. naman na bunso sa edad na twenty three ay tulad ng kanyang kuya ay may maganda ring pangangatawan. Mas muscled nga lang dahil naggi-gym talaga siya. Sadyang nagpapaganda ng katawan para sa mga babae. Ang pagiging palikero ang tila minana niya sa ama. Papalit-palit siya ng nobya at hindi basta-basta ang nahuhulog sa kanyang charm. Nariyan na ang ilang celebrities, young professionals at mga modelo. Kahit isa ay wala siyang sineryoso. He was like his father in his younger days. Mapusok. Mapaglaro.
Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kanyang charisma? Maliban sa pangalan, magandang pangangatawan at yaman ay mas angelic face siya at bubbly ang personality kaysa sa nakatatandang kapatid. Mas kwela. Kaya walang kawala ang mga babae sa kanila. Kapag ayaw ng seryoso type guy ay sa kapatid pumunta.
Equally intelligent din si Arwynn kung ihahalintulad sa kanyang kuya. Graduate ito ng Hotel and Restaurant Management sa Ateneo. Gym guy nga pero hindi tulad ng kuya niya ay wala siyang sports. Pero bumawi naman siya sa musical talent. He can sing and play piano and guitar. Madalas siyang magperform sa event ng kanilang mga hotel at kahit noong nag-aaral palang siya. Nagiging modelo rin siya kung minsan. Madalas siyang kuhanin ng kanyang best friend na si Aimee, Aimee Joyce Libit- isang sikat na fashion photographer sa bansa. Elementary and high school classmates sila turned best of friends. Maraming nag-aakalang magkasintahan sila dahil sa sobrang sweet nila sa isa't-isa. Pero wala eh, matalik na kaibigan lang ang tingin niya rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/87988307-288-k161349.jpg)
BINABASA MO ANG
PERFORMANCE BROTHERS
General FictionThis is the story of Arwynn and Ardel, the Pineda brothers. A sequel of 'The Hottest Bed in Town'. Babala: 100% Performance Level. 100% Hot and Steamy. Read at your own risk.