CHAPTER THIRTY ONE

443 8 2
                                    

Hello Dearest,

Hindi niyo aasahan ang paparating sa nalalapit na pagtatapos ng Performance Brothers! Hehe! Please continue reading! Enjoy! I love you all!

Youtube Update:

Wala pong bago. Huhuhu! May tigdas ang Neri niyo. Sana po ay makapag-subscribe na kayo! Thank you!

PS: Kapag nag-subscribe po kayo sa Youtube channel ko ay automatic chapter dedication at shout out po ang gagawin ko sa inyo sa future updates. Message niyo lang po ako kung nag-subscribe na kayo. Kung minsan po kasi ay hindi nagno-notify sa Youtube. May mga sorpresa rin po in the future! Thank you dearest! Subscribe na!

Social media updates:

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

Chapter Thirty One

"Good morning Sir Ardel"

"Good morning Sir! Welcome back!"

"Good morning po. Our deepest condolences po ulit sa nangyari kay Sir Arwynn."

Lahat ay bumati kay Ardel pagpasok niya sa kanilang building. He was about to work. Not full time. This is part of their drill. Kailangan na niyang muling i-take over ang kanilang kumpanya bilang alam ng lahat na patay na si Arwynn.

"Good morning!" Tugon naman niya sa bawat isang bumati. "Thank you."

"Welcome back Sir! Magbabalik na po kayo for good?" Abot tainga ang ngiti ni Ericson when he greeted him.

"Thanks Ericson" he tapped his shoulder. "Not really. Half day lang muna siguro. I'm still undergoing therapy. Dad will take over the other half."

Napatingin naman si Ericson sa kamay niya. "We-we're glad you're back sir."

"See you at my office later." He winked at him.

Sumakay si Ardel ng elevator hanggang marating ang floor ng kanyang opisina. Pagpasok sa loob ay ginala niya muna ang kanyang mga mata. I missed working. Ang naisip niya.

Dumiretso siya sa kanyang upuan. Sakto naman ang pagtawag ni Arwynn.

"Hello Arwynn. Ano'ng balita?" Tanong niya rito.

"Effective ang pagmumulto ko kuya kay Fely. Mukhang natakot talaga. Hahaha!" Natawa pa ang kapatid sa kabilang linya. "Tumayo lang naman ako sa labas at magandang lighting lang eh. Kunyari rin binubulong ko ang pangalan niya pero may loud speaker naman talaga. Hahaha!"

"Wag kang tumawa. That's part of the plan para mas makonsensya siya. Ang tanong kumagat ba? Kumusta si Aimee?" He followed up.

"Success din kuya." Naging seryoso na ang tono ng boses nito. "Galing sila sa isang sketch expert. She also sent us the sketch. Papunta na sila ngayon sa hideout ng mastermind."

"Let me check my email." Binuksan niya ang kanyang pc at saka tiningnan ang sinasabi nitong email.

"Tama ka kuya. Siya nga ang mastermind. Hindi ko akalaing magagawa niya ito sa atin. Hindi ko akalaing magagawa niya ito sa iyo."

Nakatitig lang si Ardel sa larawang nasa desktop ng kanyang computer. Halu-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Galit. Lungkot. Panghihinayang.

"Kung minsan kung sino pa talaga ang pinagkakatiwalaan mo, sila pa ang tatraydor sa iyo. Kung sino ang nakangiti sa iyong harapan ay sila ang mananaksak sa iyo patalikod." Tugon niya sa kapatid. "We'll move to the next plan."

"Sir Ardel!" Saka naman biglang pumasok si Ericson sa kanyang opisina.

"Sige I need to do some things na rito sa office. Bye!" Saka siya nagpaalam sa telepono. "Tuloy ka. Yan na ba ang lahat ng papers na need kong i-review?"

Nagtuloy naman na ito palapit sa kanyang mesa. "Half lang po ito Sir bilang half day lang po kayo. Para hindi po kayo ma-overwork Sir."

"Thank you Eric! You are really the best! Employee and friend." He smile genuinely.

"Para sa inyo Sir." Saka nito nilapag ang mga dokumento sa mesa. "By the way sir, may narinig ako "you'll move to the next plan", ano pong ibig sabihin 'non?"  He sounded curious.

Hindi naman siya nagdalawang isip na sabihin dito ang susunod na magaganap.

"Kilala na namin kung sino ang mastermind sa nangyari sa akin at sa pagkamatay ng kapatid ko." He replied while looking straight to his eyes.

"Ki-kilala niyo na?" Napalunok ito.

"Yes. You can open the tv. Baka hinuhuli na siya ngayon.

Dali-dali namang kinuha nito ang remote ng flat screen tv sa gilid. Agad nitong inilipat ang channel sa news.

Kapapasok lamang po mga kaibigan. Nahuli na ang mastermind sa pagpatay kay Arwynn Pineda Jr. at sa pagtatangka naman sa kuya nitong si  Ardel Pineda. Kumpirmado! Ito ay si Dra. Mylene Gambol Lambit!

"Si M-mylene?"

"Oo siya nga! Siya ang sumira sa buhay namin!"

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon