New Chapter! Matakot muna po kayo hehe. Yan ang hatid ng chapter na ito!
New video is also up in my Youtube channel! Naka-link po sa chapter na ito ang video. Sana po ay mapanuod niyo rin. Salamat dearest! Para ito sa mga gustong makapag-move on, start na ng monologue series ng aking vlog.
Social media updates:
Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!Chapter Sixteen
Agad na dinampot ni Sarah ang nakitang bagong kahapon. Nagpadala na naman ng pagbabanta kung sino man ang kanilang kaaway. Sa pagkakataong ito ay para sa kanya ang regalo nito. Isang kahon na may lamang puso ng kung anumang hayop. Puno iyon ng sariwang dugo.
"Hayop. Kung sino ka man, hayop ka", bulong niya habang papalapit sa pinakamalapit na basurahan. Bago niya iyon mahagis sa basurahan ay napansin niyang may papel na nakalagay sa loob ng kahon. Kinuha niya iyon ay binasa ang nakasulat.
Puso sa puso. Ako mismo ang dudukot sa puso mo. Hindi mo mapipigilan ang mga plano ko. Sisirain ko kayo.
Napalunok si Sarah. Pinaghalong takot at galit ang kanyang naramdaman. Saka niya itinuloy ang pagtapon sa kahon. Iniwan niya ang sulat. Itinupi niya iyon ng maayos saka ibinulsa.
"Alam niyang may ginagawa akong mga hakbang. May nagbabantay sa amin. Isa sa mga taong malapit sa amin ni Ardel ang may gawa ng lahat ng ito. Hindi mo ako maiisahan. Kung sino ka man. Ako ang dudukot ng puso mo malaman ko lang kung sino ka." nasambit niya habang nag-iisip ng mga susunod na gagawin. Ilang saglit pa ay muling tumunog ang doorbell. Sa pagkakataong iyon ay ang doktor na nga ni Ardel ang dumating.
Habang nasa therapy nito ang asawa ay muling tinawagan ni Sarah si Mylene. Sa pagkakataong ito ay cellphone na niya ang kanyang ginamit.
"Magkita naman tayo Mylene. Let's meet halfway. Sa Tagaytay nalang siguro. May ibibigay ako sayo na pwedeng mag-trace sa utak ng lahat ng ito."- Sarah.
"Okay sige. May nangyari na naman ba?" tanong ni Mylene sa kabilang linya.
"May pinadala na naman ang hayop na iyon. Hindi ko na nga sinabi kay Ardel eh. Gamit ko ang telepono noong huli tayong nag-usap. I think naka wiretap kami rito. Tila alam ng hayop na 'yon ang paghingi ko sayo ng tulong."
"Oh my God! You're not safe there Sarah. Mga kasambahay lang ang kasama niyo dyan. You should go back here in Manila. At least dito marami kaming nakabantay sa inyo." nagaalalang tugon ni Mylene.
"Sa susunod na may gawin na namang kakaiba ang hayop na iyon. Sa ngayon gusto ko na munang kumilos ng palihim. Baka mas makahalata ang kaaway namin na may ginagawa na akong imbestigasyon kung padalus-dalos akong kumilos."
"See you later Sarah. Basta lagi kayong mag-ingat ah. Nakakatakot ang kaaway ninyo dahil hindi niyo siya kilala."
Naputol na ang kanilang pag-uusap nang lumapit sa kanya ang doktor at si Ardel.
"Kumusta ang therapy today?" agad niyang tanong upang hindi makahalata ang asawa.
"May good news si doc." Nakangiting sagot ng lalaki.
"Upon checking his wounds ay mabilis itong gumaling. I suggest na kapag gumaling na ito ay sumubok na kayo to have sexual intercourse. At first baka manibago pa ang genitalia ni Mr. Pineda pero try and try. Malaki po ang possibility na babalik ito sa dati. Performance and appearance wise. Ipagpatuloy lang ang therapy, no stress at ang support system na mula sa inyo Ms Sarah bilang asawa." saad ni Dra. Duenas, ang personal doktor ni Ardel sa lagay nito.
"Oho naman doc. I will never give up on my husband." tila nakalimutan niya ang mga problema sa magandang balitang iyon.
"That's my wife doc. Kaya mabilis ang paggaling ko dahil sa kanya. Dahil siya mismo hindi sumusuko sa akin." mabilis na tugon ni Ardel. Lumapit ito sa kanya saka siya hinalikan sa mga labi. She missed those random kisses. His gentle lips on hers.
"Ehem. Mauna na ako ano ha. Babalik nalang ako sa susunod na araw." nagpaalam na tuloy ang doktora. Naghiwalay naman ang kanilang mga labi.
"Naku doc thank you ho ah. I insist na sabayan ko na po kayo kahit hanggang Tagaytay lang. I'll treat you some coffee if you want. Grabe po ang effort niyo sa amin upang dumayo pa rito sa probinsya." that's the excuse na naisip ni Sarah.
"Great idea. Tara ihatid natin si doc." pagsang-ayon ni Ardel.
"Naku Ardel. Sorry to say pero kailangan mo nalang magpahinga. Maggagabi na at katatapos lang ng pahinga mo. Remember? No stress." payo ng doktora.
"Don't worry mabilis lang kami Ardel. Babalik din ako kaagad para hindi ako gabihin sa daan."
Nagmadali nga lang si Sarah nang magkape sila ng doktora. Pagalis nito ay ang pagdating naman ni Mylene.
"Bakit kailangan pa nating magkita ng personal? Ano ang ibibigay mo?" tanong nito habang tumitingin sa paligid. Nag-iingat sila dahil baka kahit doon ay may nakamasid sa kanila.
"Itago mo ito." saka niya inabot ang sulat na pinadala ng kung sino man ang kaaway nila. "Pakisama yan sa dapat i-check ng private investigator. Baka ma-trace niya ang handwriting. Pwede niyang simulan sa lahat ng kilala namin. I think ang nagsulat dyan ay ang suspect."
"Hindi tayo nakakasigurado dyan Sarah. Baka pinasulat lang ito ng suspect. Baka may mga tauhan iyon." pagkontra ni Mylene.
"I know. Pero sa tingin ko napakatindi ng galit sa amin kung sino man yan. Sa galit niya naisulat niya yan ng personal. I just want to make sure."
"Okay sige. Makakaasa ka. Take care Sarah. Ako na talaga ang natatakot para sa inyo ni Ardel. May kaaway kayo na hindi nagpapakita. Yan ang mahirap na kaaway." hinawakan siya nito sa mga kamay saka sila nagyakap bago tuluyang nagpaalam.
Nang nasa labas na ng villa ang kotse ni Sarah ay saka biglang may lumapit na taong nakatakip ang ulo ng itim na bonnet. Hinanpas nito ang windshield ng kanyang sasakyan gamit ang isang mahabang bakal.
"Oh my God! Lumayo ka! Kung sino ka man! Hayop ka! Ipakita mo ang mukha mo!" Naiyak na siya sa takot.
May kinuha ito sa loob ng suot na itim na jacket. Isang papel. Niladlad nito ang papel na may nakasulat. You will die now.
Lalo pang natakot si Sarah. Hindi na niya alam ang gagawin. Hinahabol na niya ang hininga. Kailangan niyang makaisip ng paraan. Nakasarado pa ang gate. Hindi niya mapapaharurot ang kotse. Ngunit bago pa siya may magawa ay bigla nalang tumalon ang taong iyon sa ibabaw ng kanyang sasakyan at akmang hahampasin pa ulit ang windshield upang tuluyan iyong mabasag at siya'y mapatay nito.
"Aaaaaaah!"
BINABASA MO ANG
PERFORMANCE BROTHERS
General FictionThis is the story of Arwynn and Ardel, the Pineda brothers. A sequel of 'The Hottest Bed in Town'. Babala: 100% Performance Level. 100% Hot and Steamy. Read at your own risk.