Hi Dearest!
Yes po! I'm totally back! Surprise!!!!! :)
Na-miss ko kayo sana po ay na-miss niyo rin ako. Tuluy-tuloy na ito. Wink! Kulitin niyo na ako parati. Hehe! Sobrang saya ko dahil nakapagsulat na ulit. Naging sobrang busy kasi sa work. Haaay. Sobrang sorry din pala dahil laging kayong bitin. I love you all! Salamat sa mga hindi nang-iwan kahit matagal akong nawala.Survey nga po pala: Sino rito ang mga KPop and KDrama fanatic? Please comment din po.
Tulad ng dati comment, vote and share my stories.
Please follow my social media accounts din po to know more about me and my characters. Maraming salamat! Ang totoong Arwynn ang nakikita niyong photo attachment. :)
Facebook: Neri Joy Jayson
Wattpad: @Neri_Joy_Jayson
Twitter: @lady_25me
Instagram: @neri_joy_jaysonChapter Ten
Patuloy lang si Ardel sa pagtitig sa gunting. May mga boses na tila bumubulong sa kanya na gawin ang bagay na iyon- ang kitlin ang sarili niyang buhay. Pero naalala niya rin si Sarah. Si Sarah ang pag-asa nito. Pag-asang gusto niya ring kapitan.
"Ardel?" bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at narinig ang boses ng babae. Saka naman niya nabitawan ang hawak na gunting. Nanginginig siya. Napaupo siya sa kanyang kama saka nagsimulang lumuha.
"Sarah..." he bursted in tears.
"Ardel ano 'to? Ano'ng gagawin mo?" umupo ito sa tabi niya. Ilang saglit pa ay bigla siya nitong niyakap. "I miss you so much. Wag mong sabihing yung nakita ko ang sagot mo sa suggestion ko? Ayaw mo na ba talagang lumaban? Ganon nalang ba talaga? Pati yung buhay mo gusto mo na ring putulin." saka ito sumalo sa kanyang pagluha.
Lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Tila nawawalan na rin ng pag-asa sa kanya si Sarah. Ramdam niya ang panghihina nito.
"Wag ka ng umiyak. Pinag-isipan ko naman ang mga sinabi mo eh." sa wakas ay gumanti rin siya sa mga yakap nito.
"Pinag-iisipan? Ganyan ba ang pinag-iisipan? Hawak mo yung gunting at ano bang malay ko kung anong gagawin mo 'dun! Ardel ano pang kalingan kong gawin at sabihin para maparating ko lang sayong nandito ako at hindi kita iiwan? Lumaban ka lang. Sabay tayong lalaban."
"Pssssshh... Psssshhh..." umalis siya sa pagkakayakap dito saka hinawakan ang pisngi nito at pinunasan ang mga luhang naroon. "Payag na ako. Isang taon. Isang taon Sarah. Susubukan kong magpagaling. Susubukan kong maging normal ulit. Pagkatapos 'non depende sa magiging resulta."
"Oo Ardel!" agad-agad naman itong sumagot at muli siyang niyakap. He felt the sudden change of her emotion. Bigla itong sumigla at sumaya. Lumuluha man ito ay iba na ang dahilan. "Naniniwala akong gagaling ka. I know after one year I will still be here with you because you will be fine again."
Pinikit niya ang kanyang mga mata. Pinakiramdaman niya ang sariling tibok ng kanyang puso. Natatakot pa rin siya. Nagagalit pa rin. Nalulungkot pa rin. Pero haharapin niya ito ng may takot, galit at lungkot. Kakapit siya sa pag-asang pinanghahawakan ng babaeng pinakamamahal. "Salamat Sarah. Dito ka lang lagi sa tabi ko sa loob ng isang taon. Natatakot ako. Hindi ko na rin alam kung paano lalabas at kung paano magsisimula. Samahan mo lang ako." pagtatapat niya.
"Oo Ardel. Oo. Hindi kita iiwan."
Kinabukasan ay agad na nagpunta sina Ardel sa isang magaling na doktor na tutulong sa kanyang pagpapagaling. Buong panahon na nasa clinic sila nito ay mahigpit na magkahawak ang kanilang mga kamay ni Sarah. Tanda iyon ng kanyang pagkapit dito at ng hindi nito pagbitiw sa kanya.
Ayaw na muna niyang magpunta sa ibang mga pampublikong lugar kaya naman agad siyang nag-aya pauwi.
"How's the first day kuya?"
![](https://img.wattpad.com/cover/87988307-288-k161349.jpg)
BINABASA MO ANG
PERFORMANCE BROTHERS
General FictionThis is the story of Arwynn and Ardel, the Pineda brothers. A sequel of 'The Hottest Bed in Town'. Babala: 100% Performance Level. 100% Hot and Steamy. Read at your own risk.