CHAPTER TWENTY THREE

849 13 6
                                    

Hello Dearest,

Kala niyo nakalimutan ko na naman no? Nagkakamali kayo! Haha! Nag-start lang ako sa new job ko kaya medyo naging busy at nag-adjust lang ako. Pero heto na po ang bagong update! Sana ay ma-enjoy ninyo! Thank you!

Youtube Update:

Sa mga book lovers dyan, saksihan ang book haul shopping ko with my friends sa nakaraang Big Bad Wolf book sale! Enjoy watching! Link in this chapter.

Social media updates:

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

Chapter Twenty Three

"Magagawa ba iyon sa akin ni Mylene?" napatigil si Sarah sa tanong ni Ardel. "Bakit naman niya iyon gagawin sa akin? Kaibigan mo siya. Kaibigan natin siya." hindi pa ito natapos sa pagtataka.

"Hindi niya 'yon magagawa sa iyo Ardel. Maniwala ka. I know na set up lang 'yon. May ibang taong gustong sumira sa atin." pinagtanggol naman niya ang kaibigan.

"Si Arwynn?" nagbago na naman ang hilatsa ng mukha nito nang banggitin ang pangalan ng kapatid. "Ganoon na ba siya kadesperado para sirain tayo at para makalusot siya? Pati si Mylene ay dinamay niya." tila napuno na naman ito ng galit sa kapatid.

"Hindi rin si Arwynn, Ardel. Inosente ang kapatid mo. Na-set up lang din siya dito. Maliban sa atin ay sinisira rin kayong magkapatid nang kung sino mang utak ng lahat ng ito." kahit si Arwynn ay dinepensahan na niya.

"Sarah naman huwag mo nang ipagtanggol ang kapatid ko! Bakit ba kinakampihan mo siya?" bahagyang tumaas ang boses nito.

"Hindi ko siya kinakampihan. Gusto ko lang malaman ang totoong may gawa sayo nyan at ng lahat ng ito." she insisted.

"Ang kapatid ko nga Sarah. Dapat na siyang makulong!" ayaw namang magpatalo ni Ardel.

"Ardel walang patutunguhan ito. I just want you to focus on your therapy. Hindi ka pwedeng ma-stress. Wag mo nang intindihin ang mga bagay na ito. Ako na ang bahala." si Sarah nalang ang unang umiwas.

Ngunit ayaw magpatalo ni Ardel. "Sarah naman don't do this to me. Mawawalan na nga ako ng pagkalalaki pati ba naman yung mga dapat na i-voice out ko pinipigilan mo ako?!" tuluyan nang tumaas ang boses nito.

Natahimik nalang siya. Napapunta sa isang sulok at saka lumuha. Pinipigilan niya ang sariling makapagbitaw ng mga salitang pagsisisihan niya.

"Sarah I'm sorry. I didn't mean to yell at you." naramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang balikat. Caressing her just like before.

"Ardel mahal na mahal kita. Ginagawa ko ang lahat para maayos ito at the same time para maging okay ka. I don't want to argue with you kasi ang hirap. Kapag nag-away tayo parang nanalo na rin yung utak ng lahat ng ito. Pero sana Ardel maintindihan mo rin na sobrang emotional mo ngayon kaya gusto kong mag-focus ka lang sa pagpapagaling. Yung judgment mo sobrang apektado nang nangyari at ng naging epekto sayo nito."

"Hindi kita maintindihan Sarah."

"Sa inyo ni Arwynn, ganon nalang ba talaga kadali sayong mawala ang tiwala sa kanya? Kapatid mo siya pero hindi ka naniniwala sa kanya. Hindi mo man lang ma-clear ang isipan mo sa galit at magkaroon ng tamang judgment. You're not considering other options." mahinahon pero hindi na siya nakapagpigil pa.

"Sino pa'ng may kasalanan ng lahat ng ito? Si Mylene?" tila ipinapamukha nitong ang kaibigan naman niya ang may kasalanan. Napalunok siya at nagpatuloy ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata.

"Noong una kung paano kita mapapapayag na magpagamot at magpatuloy sa buhay. Ngayon naman ay kung paano ka mag-isip. Sana bumalik na ang dating Ardel. Yung Ardel na matalino at may prinsipyo sa buhay. Miss na miss ko na sya. Mahal na mahal ko siya eh." Parang dinudurog ang kanyang puso nang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya alam kung paano makakaapekto rito ang mga sinabi niya pero baka kailangan niyang maging harsh dito at isa pa hindi na rin siya nakapagpigil.

Saka siya humakbang paalis ng silid. Ngunit hinigit nito ang kanyang braso.

"Sarah I'm sorry."

Inalis niya ang kamay nito. "I'm going to Manila. Hintayin mo nalang bukas si dok."

Habang nasa byahe ay hindi siya mapalagay. Iniisip niya ang kaibigan at ang asawa. Noon nalang ulit sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan na hindi nila naayos sa parehong araw. Hininto niya ang sasakyan at saka kinuha ang kanyang cellphone. She opened the viber app saka siya nag-record ng video.

"I'm sorry. I'm really sorry. Napakarami ko lang talagang iniisip ngayon. I'm really doing everything para mahuli ang may kasalanan ng nangyari sayo. At the same time gusto kong gumaling ka. Nasasaktan din kasi ako ng sobra-sobra kapag nakikita kitang sumusuko sa buhay. Mahal na mahal kita Arwynn. Mahal na mahal." saka niya s-in-end ang video message.

..........

Pag-alis ni Sarah ay naiwang umiiyak si Ardel. Nanghina siya sa mga sinabi nito. Ngunit sa pagkakataong iyon ay pilit niyang hinanap ang dating Ardel, ang dating siya. Ang Ardel na matalino, may paninindigan at hindi nagpapatalo sa mga hamon ng buhay. Napagtanto niyang masyado siyang naging makasarili dahil sa nangyari sa kanya. Masyado niyang kinaawaan ang sarili kaya hindi na nabigyan ng halaga ang effort ng mga taong nagmamahal sa kanya. Lalo na si Sarah. Mahal na mahal niya ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na nag-record ng video message para rito.

"Sarah, mag-iingat ka huh? Sorry kanina. Sorry sa pagiging selfish ko. Sorry dahil matagal na nawala ang Ardel na minahal mo. Magpapagaling ako at tutulong sa paghanap kung sino ang tunay na may gawa nito sa akin with proper judgments. Magkasama natin itong haharapin. I love you. Thank you for everything especially for loving me unconditionally sa kabila ng mga nangyari at naging pagbabago ko."

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon