CHAPTER TWENTY NINE

440 7 2
                                    

Hello Dearest,

Belated Happy Valentines Day! Kapit na! Road to ending na po tayo! Enjoy reading! Thank you!

Youtube Update:

Keme #39 Acapella by Neri: Tagpuan By Moira Dela Torre Cover

Ang aking idolong si Ms. Moira Dela Torre naman ang aking kakalabanin sa Acapella by Neri with my rendition of Tagpuan! Valentines Special po ito ng Neri Keme Vlog! Sana po ay mapanuod ninyo at makapag-subscribe kayo! Thank you Dearest!

PS: Kapag nag-subscribe po kayo sa Youtube channel ko ay automatic chapter dedication at shout out po ang gagawin ko sa inyo sa future updates. Message niyo lang po ako kung nag-subscribe na kayo. Kung minsan po kasi ay hindi nagno-notify sa Youtube. May mga sorpresa rin po in the future! Thank you dearest! Subscribe na!

Social media updates:

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

Chapter Twenty Nine

Habang nakayuko ay nagawa pa ring itabi at magpreno ni Ardel ng sasakyan. May kinayod nga lang siyang hanay ng mga bangketa sa gilid ng daan. Mabuti na lamang at alerto ang mga taong natitinda at walang nasaktan. Kitang-kita niya kung paano umalis palayo ang lalaki na nagtangka sa kanilang buhay. Agad namang bumalik ang atensyon niya kay Sarah.

"Sarah? Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" He instantly checked her. Hindi naman ito sumasagot. Hanggang sa napansin niyang may dugong dumadaloy mula sa ulo nito. "Shet! Sarah! Sarah! Wake up!"

"Hoy bumaba ka dyan! Sinira mo ang mga paninda namin!" Binabato na ang windshield ng sasakyan ng mga taong naperwisyo nila. Dali-dali siyang dumukot ng pera sa kanyang wallet saka iniabot iyon sa mga tao. Hindi naman na siya nag-aksaya pa ng oras at pinaharurot na niya ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital.

"Sarah kumapit ka lang huh. Wag kang susuko." Sambit ni Ardel.

Makalipas ang tatlumpung minuto sa emergency room ay nilipat na rin sa isang kwarto si Sarah. Wala pa rin itong malay.

"Kumusta ang lagay ng fiancei ko dok?" Tanong niya.

"Okay na po siya Sir. Wala palang po siyang malay but she's fine. No serious damage mo. Nagtamo lang po siya ng maliit na sugat sa ulo. Wala naman pong internal hemorrhage. You can go inside her room na po."

"Thank you dok" kinamayan niya ang doktor at saka na nga pumasok sa loob ng silid.

Sa pinto palang ay hindi na maalis ni Ardel ang tingin sa maamong mukha nang natutulog na si Sarah. He recalled how they started. How much he love her. How much sacrifices she is doing for him. He remembered how much he love her. Lumapit siya rito saka hinawakan ang mga kamay nito.

"Sorry sa pagiging makitid na utak ko nitong mga nakaraang panahon. Masyado akong nilamon nang nangyari sa akin. Andami mong sinakripisyo para lang maalagaan ako... para manatili sa tabi ko. Para tuparin yung mga pangako natin sa isa't-isa. I love you so much Sarah. I love you. Please be fine. Ngayon kita higit na kailangan." He said while kissing her hands.

Dahan-dahan namang nagmulat ang mga mata ng babae.

"Finally gising ka na." Puminta sa kanyang mga labi ang isang matamis na ngiti. What a relief.

"Narinig ko lahat. I love you too. I'll never leave you Ardel. Gagawin ko lahat ng ginawa ko just to be with you over and over again. Hanggang sa ikasal na tayo. Hanggang sa mabuo natin ang pinapangarap nating pamilya." She said while her tears went down on her face.

"We will make that happen. Gumaling man ako o hindi. Bubuo tayo ng pamilya. I can't imagine my life with other woman. You are my one and only." Saka siya lumapit upang hagkan ito sa mga labi. Isang halik ng pananabik sa isa't-isa. Madiin iyon. Puno ng pagmamahal.

"Getting ready for your marriage vow huh?" Komento ni Sarah. Sabay naman silang natawa.

"Before we get back planning for our marriage may kailangan muna tayong hulihin. Tapusin na muna natin ang anay na sumisira sa ating pamilya. Sa amin ng kapatid kong si Arwynn."

Agad ding na-discharge si Sarah sa ospital. Dumiretso na sila sa condo kung saan nagtatago at nagpapagaling si Arwynn.

"Arwynn, bro! May bisita ka!" Bungad ni Ardel pagpasok ng unit. Naroon na rin si Aimee.

"Oh my God! Buhay ka nga Arwynn! Thank God!" Gulat man ay kita pa rin kay Sarah ang kasiyahan. Agad itong lumapit sa kanyang kapatid upang yakapin ito.

"Aray aray! Masakit dyan! Si Aimee lang ang pwedeng yumakap dyan Sarah!" Biro ni Arwynn. Sabay-sabay naman silang tumawa.

"Ngayong napalabas na nating patay na ako. Let's move to the next plan?" Tanong ni Arwynn kina Ardel at Aimee.

"Next plan ka dyan! Magpagaling ka muna! Akala ko mamamatay ka na talaga no! Magpagaling ka muna! Ayokong nakahiga ka lang dyan. Gusto ko nang bumalik yung Arwynn na malakas." Tugon ni Aimee.

"Naku nag-alala talaga ng mahal ko oh! Halika nga rito payakap!" Pilyo niyang tugon bilang paglalambing sa nobya.

"Tama si Aimee, Arwynn. You need to take a rest and recover fast. We have a lot of things to do." - Ardel.

"Teka lang ano ba talaga ang plano? Tayo lang ba talaga ang mag-execute nito?" Tanong naman ni Sarah.

"Yup tayo lang. Kapag marami pang nakaalam baka magmintis pa tayo." Ardel paused with a deep breath in between. "Isa pa. Mukhang kilala ko na ang mastermind. I just need to have a proof and I need to know kung bakit niya ito ginawa."

Halata sa mukha ng tatlo ang pagkagulat.

"Really kuya? Kilala mo na kung sino ang mastermind? Sino yung putang inang 'yon?!" Tila tumaas ang presyon ni Arwynn.

"Oo nga Ardel, sino ba ang mastermind?" - Sarah.

"And what's the plan?" - Aimee.

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon