Hello Dearest,
Sorry na po! Akala ko ay na-post ko ito last week. Huhuhu! Twists after twists na po! Enjoy! I love you all!
Youtube Update:
Wag munang pa-stress sa COVID - 19. Learn while enjoying my vlog!
Keme #43 Neri-veal: Girls and Gays- How to Seduce a Man!
Naku marami po kayong matututunan!
Link in this chapter! Nuod at subscribe na!PS: Kapag nag-subscribe po kayo sa Youtube channel ko ay automatic chapter dedication at shout out po ang gagawin ko sa inyo sa future updates. Message niyo lang po ako kung nag-subscribe na kayo. Kung minsan po kasi ay hindi nagno-notify sa Youtube. May mga sorpresa rin po in the future! Thank you dearest! Subscribe na!
Social media updates:
Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!Chapter Thirty Two
"Ano? Palalabasin nating may ibang mastermind? At ipapahuli pa natin sa mga pulis? At ang kaibigan ko pang si Mylene ang naisip mo Ardel?" Nagpantig ang tainga ni Sarah nang marinig ang suggestion ng fiance.
"Wag kang magalit kay kuya, ate Sarah. It was my idea." Pagsingit ni Arwynn.
"Oh my God Arwynn! Bakit naman si Mylene? Sa tingin niyo ba papayag siya? Totoong huhulihin siya ng mga pulis at ikukulong. Oo't makakawala rin siya kaagad pero that would make a great damage on her at sa business niya, sa reputation niya. Baka nga tanggalan pa siya ng lisensya bilang doktor. Hindi ko na talaga alam ang pinag-iisip niyong magkapatid!" Napahawak nalang siya sa kanyang noo. Sumasakit ang kanyang ulo sa pinapagawa sa kanyang responsibilidad sa kanilang planong pagpapabagsak sa tunay na mastermind.
"First of all, naimbitahan na siya ng mga pulis. Walang napatunayan sa kanya noon but still she's a suspect. Hindi rin masisira ang reputation niya dahil makikipagtulungan tayo sa chief of police to execute our plans. Hindi na aabot sa pagkansela ng lisensya at iba pang negatibong bagay ang lahat. Dahil mahuhuli na natin ang mastermind bago pa mangyari 'yon." Tugon ni Arwynn.
"Paano naman kayo nakasiguradong papayag sa planong ito ang chief of police? Baka isa sa mga tauhan niya ay espiya pala ng mastermind! We're doomed! Lagot na si Mylene!"
Arwynn gave her a smirked. "Noong ako palang ang nag-iimbestiga sa kaso ay nakilala ko na ang chief of police. He is a man of honor. Kahit siya ay nag-iisip ng entrapment operation kung paano mahuhuli ang tunay na salarin. But the problem is false lead ang nabibigay. Kaya sigurado akong papayag siya." Sasagutin na sana niya ito ngunit mabilis nitong dinugtungan ang sasabihin. "At! Kaibigan siya ni dad! May utang na loob siya kay dad noon. Kaya hindi rin siya tumitigil na malaman ang katotohanan. We can really trust him."
"Wow! Nalaman mo talaga 'yon?" Hindi napigilan ni Aimee ang makapagkomento habang tila bilib na bilib sa nobyo.
"I know!" Napangiti ito na may halong pagyayabang at pagbibiro sa kasintahan.
"Okay fine! Lusot ka na Arwynn sa kung papayag ba ang chief of police at sige trustworthy na ito. Pero ang tanong kung papayag ba si Mylene!" Tugon ni Sarah na hindi pa rin mapalagay.
Napayuko nalang sina Arwynn at Aimee. Tila sinesenyasan nila si Ardel. Marahan namang lumapit sa kanya ang fiance. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
"Alam kong nag-aalala ka Sarah. I know you have doubts. Pero matalino ang kalaban natin. Kapag basta-basta natin siyang hinuli ay makakaisip siya ng paraan para magtago at tumakas. Kailangan muna nating maghanap ng mas matibay na mga ebidensya laban sa kanya. Iyon ang misyon nila Arwynn at Aimee sa pagpunta nila sa Bataan. Kahit sandali ay we need to divert the attention of the mastermind. Alam kong pati gagawing paghuli kay Mylene ay pagdududahan niya pero kahit papano ay maiisip niya ring pinagkakatiwalaan pa natin siya. Pinagkakatiwalaan ko pa siya." He looked at her with all sincerity. "That's why we need you. I need you. Kailangan mong makumbinse si Mylene na gawin ito para sa akin. Para sa iyo. Para sa atin. Plea..."
Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito. Nilgaya niya ang hintuturo sa mga labi ng lalaki. "I understand. Tama ka. Natatakot ako. Pero sige gagawin ko na. Gusto ko na ring matapos ito. Gusto ko nang makitang nagpapagaling ka at hindi nag-iisip ng kung anu-ano. Kung anu-ano na ang naiisip niyo ng kapatid mo eh." Pagtataray niya. "Gusto ko na ring matuloy ang kasal natin."
"Yun naman oh!" Sigaw ni Arwynn!
"Yiiieh!" Kantyaw naman ni Aimee.
"Thank you Sarah. Thank you. Tatapusin lang natin ito then I'll get back to my therapy. Tapos ikakasal na tayo at bubuo ng pamilya." Walang anu-ano ay hinigit siya nito at saka hinagkan. Madiin. Puno iyon ng pananabik. She missed that kiss.
"Oh tayo rin" narinig niya sambit ni Arwynn kay Aimee.
Nang araw ding iyon ay dumiretso si Sarah kay Mylene upang pakiusapan ito.
"I'm sorry Mylene. I'm really sorry. Maiintindihan ko kung hindi ka papayag." Sambit niya matapos sabihin lahat ng plano sa kaibigan.
"No Sarah. I'm on it! Payag ako." Mylene replied while looking straight thru her eyes. Wala man lang iyong bahid ng pagdadalawang isip.
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Tama si Ardel. Tapusin na natin ito. Marami na ang nahirapan. May mga buhay na ring nawala. Gagawin ko ito para sa inyo, para sa iyo" saka niya ito dagling niyakap.

BINABASA MO ANG
PERFORMANCE BROTHERS
Художественная прозаThis is the story of Arwynn and Ardel, the Pineda brothers. A sequel of 'The Hottest Bed in Town'. Babala: 100% Performance Level. 100% Hot and Steamy. Read at your own risk.